Chapter 26

20 2 1
                                    

SOLACE POV

Nang makarating sa kainan, ay agad naming nakita ang parents namin, kaya naman nag tungo na agad kami ro'n.

"Kumuha na kayo ng foods niyo ro'n at sabay-sabay na tayong kumain" bungad sa amin ni mama

"Sige po" sabi naming tatlo nila Grey at Nico

Nakasalubong namin si Emman at Ally na kakakuha pa lang ng foods nila.

"Kanina pa kayo?" tanong ko kay Ally

"Kararating rating lang din, nauna sila mom" sagot niya

"Oh sige na, kuha lang kami foods"

Pesto pasta, blueberry cheesecake, hawaiian pizza, cordon bleu, cookies and cream ice cream at apple juice ang kinuha ko.

"Oh Solace anong plano mo? mag aaral ka ba ulit o magtatrabaho na?" tanong ni Tita Annalyn sa akin sa kalagitnaan nang pag kain

"Balak ko po muna mag pahinga ng 3 months, dahil sobrang pagod ang utak ko lalo na nung last sem, after 3 months po magpapagawa ako ng sarili kong clinic" nakangiting sagot ko

"Ah ganon ba, maganda ngang idea 'yan" sabi pa ni Tita

"To be honest, Solace had no intention of doing that, I just told her na pagagawaan ko siya ng sarili niyang clinic, and she said, she like that, so nagkasundo kami, but she requested to me, she want to rest for 3 months first. So maybe within another 3 months her clinic will be over, so that she will rest for 6 months" singit ni dad sa usapan namin ni Tita

"Ally ija, what's your plan?" nakangiting tanong ni Dad

"I will review muna po. Tito, then take the exam to become a licensed nurse" nakangiting sagot ni Ally

"Nakakatuwa naman na ang mga batang ito ay dati puro paglalaro lang ang inaatupag, ngayon ay tignan mo nga naman ay mga nakapag tapos na ng pag-aaral." nakangiting sabi ni Mom

"Ito ngang si Grey, titignan mong walang plano sa buhay, but she is now working in a famous and well-known publishing company. Nakaka proud ang mga batang ito" nakangiting sabi pa ni dad at tumango naman ang iba sa kaniya

"That's how God work in the life of a person who believes and serves Him" sabi naman ni tito Allan, dad ni Ally

"Kaya nga mag patuloy sa ministry at laging magpakumbaba" sabat naman ni mom

"Ikaw? Nico, right?" baling ni dad kay Nico

"Yes Sir" biglang ayos ng upo ni Nico matapos sagutin si dad

"Don't call me Sir, you can call me Tito" nakangiting sabi ni dad at tumango naman si Nico

"Alagaan mong mabuti 'yang si Grey, titignan mong malakas 'yan, pero iyakin 'yan" natatawang sabi ni dad, at natawa naman kaming lahat, maliban kay Grey, na nakanguso

"Ikaw rin Emman, sinabihan na kitang alagaan mabuti si Allyson, dahil hindi ka na makakakita ng katulad niyan na masipag at matalino" baling ni dad kay Emman

"Yes Tito" sagot ni Emman

"Sana dumating na ang panahon na boyfriend naman ni Solace ang ginaganiyan mo" natatawang sabi ni Tito Allan na naging dahilan nang pagkasamid ko

"Oh water" abot sa akin ni Grey ng tubig

"Sinabi lang ni Allan boyfriend, nasamid na, ikaw ba Ija ay may boyfriend na?" tanong ni Tita Annalyn

Youth CampWhere stories live. Discover now