SOLACE POV
Nandito kami ngayon sa okada manila kasama ang parents ko, birthday kasi ni dad at gusto niya makasama kami ni mama sa araw na 'to, kaya buong araw ay parents ko ang makakasama ko.
"Bilisan mo mag-ayos ng mga gamit mo, para makababa na tayo at makapg swimming, Solace" pagmamadali sa akin ni mama
"Si dad po nasaan?"
"Tinawagan lang ang sercretary niya dahil may konting aberya raw sa trabaho"
"Akala ko po ba family time ngayon?" nakanguso pang sabi ko kay mom
"Hayaan mo't saglit lang naman 'yon, at maya-maya lang ay papatayin niya na ang cellphone niya" sagot lang ni mama
"Ano ayos na ba mga gamit mo?" tanong niya pa
"Opo mom" nakangiting sabi ko at nagtungo na nga kami sa baba
Nakita ko na may mangilan ngilan ding foreigner ang nagsswimming, kaya sabi ko kay mama ay mauupo na lang muna ako, habang nakaupo ay pinagmamasdan ko ang dalawang mukhang magkapatid na nagbabasaan ng tubig. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ang cute cute nila, minsan naiisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng mag kapatid.
"Ang cute nila, no?" nagulat ako nang sabihin 'yon ng lalaking naupo sa tabi ko
"Ahh oo nga e" alinlangang sagot ko
"Bakit para namang takot na takot ka sa akin?" natatawang sabi niya sa akin na tinignan pa ako sa mga mata
Hindi naman sa mukha siyang masamang tao, dahil sa katunayan niyan ay naghuhumiyaw rin ang kagandahang lalaki nito, subalit hindi ako komportable makipag usap sa mga lalaki, maliban sa dad ko, mga kaibigan at higit sa lahat ay sa boyfriend ko.
Nginitian ko lang siya at iniwas ang tingin, muli akong sumulyap sa mga bata na ngayon ay lumalangoy na pareho.
"Bakit hindi ka nagsswimming? If you don't mind, may I know why?" tanong muli ng lalaki
"E bakit ikaw, hindi ka rin naman nagsswimming ah" sabi ko na tinignan pa siya
"Trip ko lang" sagot nito
"Edi trip ko lang din" walang buhay na sabi ko, iiling iling naman 'tong natatawa
"You're so cute" sabi niya na nakapag paikot ng mga mata ko
"I'm taken" sabi ko na tumingin pa mismo sa mata niya
"Pardon" sabi pa niya
"I said I'm taken, can you pls leave me alone" iritang sabi ko
"Okay, cranky" tatawa tawang bulong pa nito bago lumakad palayo
Nung mapansin kong halos wala nang nagsswimming, ay tsaka ako tumalon sa pool at nilibang ang sarili ko, isang beses pa akong lumubog para sumisid, ngunit sa 'di inaasahan pag-ahon ko ay may nabangga ako, at kung sswertihin ka nga naman siya pa 'yung lalaking nakatani ko kanina.
"Ow hi, Ms taken" pang-aasar nito at hindi ko naman siya pinansin
Dahil sa pagkairita ko sa kaniya ay umakyat na ako sa room namin, at nakita ko si mom na naghahanda na para sa simpleng selebrasyon ng birthday ni dad, si dad naman ay tumutulong kay mom na magkabit ng mga lobo malapit sa kisame, macho ang dad ko pero takot sa mom ko.
"Mom, nagugutom na po ako" sabi ko kay mom
"Wait honey, after namin ayusin ang balloons, mag picture lang tayo then p'wede na kumain" nakangiting sabi ni mom at tumango lang ako
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...