SOLACE POV
Pagkarating sa bahay ay doon ko naramdaman ang pagod, kaya naman matapos namin mag kumustahan ng mom and dad ko ay nag tungo na agad ako sa kwarto.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako, may iilan parte rin ng katawan ko ang nananakit, pero hindi ko magawang antukin, kaya naman nag online muna ako sa social media account ko.
Nag online ako sa ig at nag scroll lang doon, pero wala rin naman akong makita na interesante, kaya naman sa threads na lang ako nag online, at nakita ko ang post ni Ally.meeting you was a good part, but knowing that you're into someone breaks my heart.
Bigla akong naawa kay Ally, kasi minsan lang siya mag kagusto kaso hindi naman siya gusto, and worst kaibigan pa namin ang gusto ng nagugustuhan niya. Pag scroll down ko ay nakita kong may isa pa siyang post
How can I uncrush you if I'm drowning of what I feel for you?
Pagkabasa ko naman ng post na 'yon ni Ally ay biglang tumawag si Grey sa akin sa messenger
"Solaceeeee, nakita mo ba 'yung mga post ni Ally sa threads?" tanong niya na 'yon ang agad na bumungad sa akin
"Oo kakakita ko lang ngayon" sagot ko naman
"I don't know what to do, how to comfort her, knowing na isa ako sa dahilan ng sakit na nararadaman niya" naguguluhan ngang sabi ni Grey
"Hindi ko rin alam" walang kwentang sagot ko
"Teka, hindi kaya nag aasume lang ako? kasi feeling ko gusto ako ni Nico e, tapos nag seselos si Ally, wait tama ba pakiramdam ko o talagang lumala lang pagiging delulu ko" natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon
"Huwag mo akong tinatawanan Solace Claire ganitong seryoso ako" seryoso ngang sabi niya
"Gusto ka naman talaga ni Nico, halata naman kasi siya kahit hindi pa namin makita pic mo sa phone niya" sagot ko naman
"Omg, so isa nga ako sa reason why Ally's hurting right now huhubells" arte pa niya
"Mag usap kayo ni Ally, para magkaliwanagan na kayo" sabi ko naman
"Paano ko gagawin 'yon?" tanong naman niya
"Edi mag salita ka para magkausap kayo" natatawang sabi ko
"Bakit pa ba kita kinakausap e loka loka ka nga pala, bahala ka sa buhay mo, babush" sabi niya at binabaan ako ng tawag
Nakaramdam na ako ng antok, pero bago ako tuluyang magpalamon sa antok ay nag post muna ako sa threads, bukas ko na lang din kakausapin si Ally.
Dapat na ba akong mag assume sa mga ipinapakita mo? or I should wait for you to say you like me?
Matapos ko mag post ay tuluyan na nga akong nag palamon sa antok, at talaga nga namang nasulit ang tulog ko dahil kinabukasan ay tanghali na ako nagising.
"Mom, bakit hindi mo ako ginising para makapag breakfast?" tanong ko agad kay mama nang makita ko siya
"E masarap pa tulog mo. Darling, kaya hindi na kita inistorbo" sagot naman niya habang inaayos ang pananghalian namin
"Nasaan po si Dad?" tanong ko pa
"Pumasok na baby"
"Mom after ko po kumain pupunta ako kala Ally" paalam ko
"Ok, but pls make sure that 6pm nakauwi ka na" sabi niya at tumango naman ako
Pagkatapos ko nga kumain ay nag pahinga lang ako saglit at tsaka naligo, naka tshirt lang akong black at maong na tokong, nasa iisang subdivision lang kasi kami ni Ally, pero bandang dulo pa sila kaya mag tatricycle pa ako, si Grey ang medyo malayo sa amin kasi sa ibang subdivision sila nakatira.
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...