SOLACE POV
Sumunod naman kami ni Grey kay Kent, pero bago pa kami makalapit sa upuan namin ay sumunod na rin si Nico na umakbay pa sa akin, gulat naman akong napatingin sa kaniya at tsaka inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin, kaya naman inakbay niya na lang 'yon kay Grey, na siniko lang din siya sa tagiliran ni Nico.
"Grabe ang amasona, kung si Solace ay masungit ikaw naman amasona" napapailing na sabi pa ni Nico na hinawakan ang tagiliran niyang siniko ni Grey
"Isa pa 'tong jowa jowaan ni Allyson pafall, naiirita na ako, ang gwapo gwapo pa naman niyan ni Nico" bulong ni Grey matapos hawakan ang kamay ko at hilahin ako paupo sa upuan namin
"Grabe ang rupok mo, love" natatawang sabi ko kay Grey, napatingin naman sa akin si Kent
"E paano ang gwapo naman talaga" bulong ni Grey
"Edi huwag mo iuncrush, gwapo pala e"
"Ayoko dumating ang araw na mag away kami ni Ally, dahil lang sa lalaki, kaya no na no for Nico kahit gaano pa siya kagwapo" natawa naman ako sa sinagot niyang 'yon
"Hindi rin naman panigurado gugustuhin ni, Allyson na mag away kayo dahil sa iisang lalaki, ano ka ba" sabi ko pa
"Kahit pa, tsaka mukhang bet ni Nico si Ally, kaya silang dalawa na lang, ayokong umasa na magustuhan din niya pero si Ally naman talaga, nakakasayang ng ganda ang umasa, marami pa naman diyang iba" bulong pa niya pinipilit niyang hinaan ang boses niya kahit hirap siya huwag lang siyang marinig ni Kent
"Tingin ko nga ikaw ang bet ni Nico e" pang aasar ko naman sa kaniya
"Hindi ako maniniwala sa tingin mo, dahil bulag ka, kaya mali mali ang nakikita" natatawang sabi niya niya nginiwian ko lang naman siya
Itinuon na lang namin ang atensyon namin sa harapan, dahil malapit na mag start ang Praise and Worship, pero naagaw ni Kent ang atensyon ko, pilit akong hinihigop ng presensya niya kaya naman tinignan ko siya habang nakapikit.
"Tigilan mo kakatitig diyan, baka pati nunal sa mukha niyan mabilang mo na" natatawang bulong ni Grey hindi ko naman siya pinansin
Ngayon ko lang napansin na makapal pala ang kilay niya, mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, at halos makita na ang mga ugat sa pisnge dahil sa natural na nipis ng mukha niya, kalalaking tao pero mapula pula ang labi. Napalunok pa ako sa isiping 'yon kaya naman hindi ko na siya tinignan pa.
"Are you done studying my face?" gulat akong ibinalik ang tingin sa kaniya matapos niyang sabihin 'yon, at umayos naman siya ng upo
"L-uh ang k-apal" nauutal kong sabi
"you stutter HAHAHAHA" mahinang tawa niya pa pagkasabing nautal ako
"Marunong ka pala tumawa, Kent. Gwapo mo" sabi ni Grey at natawa pa lalo si Kent
"Aba't tumawa pa talaga para masabihan ulit na gwapo" parinig pa ni Grey
"You're so cute, Grey. HAHHAHA" papuri pa nito sa kaibigan ko at muling tumawa
"Oh bawal mafall sa akin, pls lang" sabi ni Grey at bigla namang ngumisi si Kent kay Grey, at talaga namang mas gwapo siya sa ginawa niyang 'yon
"Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Inaanyayahan ko po ang bawat isa na tumayo para po sa ating pag pupuri sa ating Panginoon" biglang sabi ng maputing babae na nasa harapan
"Grabe naman ang puti ni ate at ang kinis ah" bulong ni Grey
"Pero mas maganda ka pa rin" bulong ko naman sa kaniya
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...