GREY POV
Nang matapos ang bird box na activity namin, ay dali dali kong tinanggal ang piring sa mata ko at hinanap ko agad si Paul, habang iginagala ko ang mata ko ay nahagip ng paningin ko sila Kent at Solace na nagtatawanan.
"Tignan mo 'tong taong 'to lumalablayp na" bulong ko pa sa sarili ko
"Ganda naman ng buhok mo" napatingin pa ako kay Nico matapos sabihin 'yon
"Sa'yo na lang" natatawang sabi ko naman
"It's good when your hair is tied, but it's even better when it's loose" hinawakan niya pa 'yon matapos mag salita
"Doon ka nga, bading" mahinang tulak ko sa kaniya na ikinatawa niya
"Grey, nasaan si Solace?" tanong naman ng kararating lang na si Ally
"Ayon oh, nakikipag chikahan at tawanan kay Kent" sabi ko na inginuso pa 'yung dalawa at sabay naman silang tumingin ni Nico sa gawi nila Solace
"Naka make up ka pala, Allyson" takang sabi ni Nico kay Ally
"Ah oo nilagyan kami pareho ni Solace ng make up ni Grey" naiilang na sagot naman ni Ally
"Then you're the one not wearing make up today" sabi ni Nico na itinuro pa ako
"Manahimik ka bading" natatawang pang aasar ko naman sa kaniya
"Hindi sanay si Grey ng hindi naka make up at nakalugay ang buhok kapag nasa labas, pero kasi nagmamadali na siya kanina dahil kulang na sa oras, kaya ayan napilitan na liptint lang ang nasa mukha" paliwanag naman ni Ally
"It's more suitable for her like that, with loose hair and no make up, her true beauty is more visible" nakangiting sabi ni Nico at nginiwian ko naman siya
Kumapa pa ako sa bulsa ko, dahil naalala kong may barya pa ako roon, kaya naman ng makapa kong may barya pa, ay ibinigay ko 'yon kay Nico na ikinagulat niya
"What's this?" takang tanong niya pa
"Ayan dos, sinabihan mo akong maganda e HAHAHAH" natatawa ko pang sabi at tinalikuran na sila ni Ally
"She's crazy" rinig ko pang bulong ni Nico pero hindi ko na sila pinansin
"Huli ka. HUP" sampa ko pa sa likod ni Paul at mahinang kinutusan siya
"Ano ka ba Grey, para kang bata" inis na sabi niya
"E panay ka tapak sa paa ko e, tamo ang putik putik" inis na sabi ko at natawa lang naman siya
"May gusto ba si Solace kay Kent?" nag taka naman akong tinignan siya matapos sabihin 'yon
"Bakit selos ka?" nakangisi pang tanong ko
"Medyo" gulat naman ako sa naging sagot niya
"Hala paktay, na fall sa beauty ni Solace, kawawa ka naman brader" pang aasar ko na tinapik pa siya sa balikat
"Psh, bakit naman kawawa"
"Kasi mukhang gusto nila ang isa't-isa, kaya simulan mo na ngumawa" natatawang sabi ko pa at nilayasan siya
Nag punta ako sa pinakamalapit na cr at nag simulang hugasan ang paa ko, pagkalabas ko sa cr ay nakita kong nag tatawanan pa rin sila Solace at Kent, kaya naman napag pasyahan kong umupo sa swing kung saan ko sila makikita nang malapitan.
"Sa tingin ko gusto ni Kent si Solace, wala ka ng pag-asa lalo kay Kent niyan, Ella" rinig ko sa di kalayuan
"Napansin ko rin 'yon, kasi kagabi lang si Kent pa mismong yumakap kay Solace, tapos kanina nakita ko na nakasandal ang ulo ni Kent sa likod ni Solace, at ngayon lang ayan magkasama sila at nag tatawanan, e hindi naman friendly 'yan si Kent" parang maiiyak pang sabi ni Ella at medyo natawa naman ako
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...