Chapter 15

19 2 1
                                    

SOLACE POV

Pagkarating namin sa pwesto namin ay nagulat pa ako nang makitang nakatingin sa akin si Kent

"Wow, curly" nakangising sabi niya

"Kinulot kami ni Grey e" sabi ko lang at tumabi sa kaniya at kumuha ng sandwich

"Nice, that suits you" sabi pa niya at napangiti naman ako, tumingin naman siya kay Grey

"You wearing make up again" sabi naman niya kay Grey

"Alam ko, baka ako nag ayos sa sarili ko" masungit namna na sabi ni Grey na tumabi pa sa akin

"Sungit" bulong ni Kent

Nang matapos kami mag breakfast ay nag punta na kami sa kaniya kaniya naming upuan ng mga teammate namin, para sa last praise and worship bago kami pumunta sa skyranch.

"ISANG MAPAG PALANG UMAGA SA ATING LAHATTTTT" magiliw at malakas talagang sigaw ni ate Janine na ikinagulat naming lahat

"Grabe ang energy ni ate Janine ah, last praise and worship na kasi e. HAHAHA" natatawang bulong sa akin ni Grey at pinatahimik ko naman siya

"INAANYAYAHAN KO ANG BAWAT ISA NA MAGSITAYO PARA SA PAG PUPURI SA ATING PANGINOON, MGA KAPATID NGAYON AY TAYO'Y MAG AWITAN, UMINDAK KUNG KINAKAILANGAN AT MAG BIGAY PARANGAL PARA SA DIYOS NG MGA DIYOS AT HARI NG MGA HARIIIII" sigaw pa muli ni ate Janine at biglang nag tunugan ang mga instrumento

Nang marinig namin ang tutugtugin ay nagkatinginan kami ni Grey at biglang nagtatalon.

"SAMBAHIN NATIN SI YAHWEHHHHH" mulin sigaw pa ni ate Janine

"SAMBAHIN SI YAHWEHHHH" sigaw rin namin ni Grey, napatakip nama ng tainga si Kent pero nakangiting tinignan kami

Sambahin ka, O Yahweh
Diyos ng langit at lupa
Sambahin ka, O Yahweh
Ikaw ang Diyos na dakila~

Sambahin ka, O Yahweh
Diyos ng langit at lupa
Sambahin ka, O Yahweh
Ikaw ang Diyos na dakila🎶

Magiliw iyong kinanta ni ate Janine at halos lahat naman kami ay nakisabay sa kaniya

Lahat ng mga nilalang
Ay magpuri sa iyo, O Diyos
Walang hihigit sa Pangalan
Nang Panginoong Hesus
Sa awitan (Sambahin ka, O Diyos)
Sa sigaw (Sambahin ka, O Diyos)
Sa tugtugan (Sambahin ka, O Diyos)
Sa sayaw (Sambahin ka, O Diyos)
Sambahin ka, Yahweh 🎶

Tuloy tuloy pa rin kami sa pag kanta, nag ngingitian pa kami ni Grey sa tuwing magkakatinginan kami

Ang bawat pulo nitong aming bayan
Ay sa Iyo iaalay
Si Hesus, ang Hari at Panginoon
Nang aming buhay 🎶

Masaya kaming naghawak ng kamay ni Grey, at nagulat si Kent ng hawakan ko ang kamay niya, sinabi ko naman sa kaniya na hawakan niya ang kamay ni Dianne, nang hawakan ni Keng ang kamay ni Dianne ay hinawakan din niya ang kamay ng katabi niyang si Paul at gumawa kami ng isang malaking bilog sa harapan

Sambahin ka, O Yahweh
Diyos ng langit at lupa
Sambahin ka, O Yahweh
Ikaw ang Diyos na dakila 3x 🎶

Nang dumating sa chorus ay hawak kamay kami ng teammate ko na tumatalon paikot at sabay sabay na itinataas at ibinababa ang mga kamay namin

Sa Luzon (Sambahin ka, O Diyos)
Sa Bisayas (Sambahin ka, O Diyos)
Sa Mindanao (Sambahin ka, O Diyos)
Sa Pilipinas (Sambahin ka, O Diyos)🎶

Youth CampWhere stories live. Discover now