GREY POV
Pag dating na pag dating namin sa camp site basta na lang namin ibinagsak ang mga bag namin at naupo sa mga upuan, pinili naming tatlo na sa bandang likod maupo kung saan nandoon ang iba naming churchmate.
"Lianne, pahiram nga ng pamaypay mo sobrang init" tila pagod na sabi ko sa churchmate namin
"Nasa tagaytay ka na init na init ka pa rin, oh" sabi ni Lianne sabay abot sa akin ng pamaypay niya
"E tirik na tirik ang araw at ang layo nang nilakad natin e" sagot ko naman habang nag papaypay
"Solace, galing mo kumanta kanina ah, parang nasa wish 107.5 lang ah" dinig kong pang aasar ni Clarence kay Solace
"Oh talaga ba?" asar naman na sabi ni Solace
"Oo, lodi" sagot naman ni Clarence
"Hindi ko alam na hanggang ngayon gusto mo pa rin pala ako" pambabara naman ni Solace na ikinatawa ko
Lakas talaga ng tama nito ni Solace, nag mamaganda na naman masyado, sabagay hindi naman siya kasing ganda namin ni Ally pero mas attractive siya sa aming tatlo.
"Goodmorning Everyone. Masaya ako na marami ang nakadalo ngayon sa ating Youth Camp. Nawa'y mag palakasan tayong lahat at maging ilaw at asin ng bawat isa. Btw ako nga pala si Janine Catindig organizer ng ating Camp nag mula sa Jesus is our Lord and Savior Church, muli. Isang magandang umaga sa ating lahat" mahabang sabi ni ate Janine at pinasa naman ang mic sa churchmate din naming si kuya Alas
"Magandang Umaga, Campers. Bago tayo mag simula sa ating programa siyempre kinakailangan natin bumuo ng team, naibigay na sa inyo ang Id niyo na may pangalan niyo at team name, ngayon naman tatawagin ko ang sampung magkakasama sa bawat team" paliwanag ni kuya Alas
Tinignan ko naman ang Id ko at nakita ko nga ang pangalan ko roon at team name ko, pero naurat ako dahil nilagay pa talaga pati second name ko sa Id ko. Psh
"Anong team mo, Grey?" biglang tanong naman sa akin ng katabi kong si Solace
"Team Jireh, ikaw ba?" balik tanong ko sa kaniya
"Hala teammate tayo" parang disappointed pang usal niya
"Oh bakit parang ayaw mo pa" asar naman na tanong ko
"Hindi ah, gustong gusto nga kitang teammate kasi buhay na buhay ang dugo ko kapag kasama kita e" sarkastikong sabi niya na niyakap pa ako
"Hoy! Ikaw, Ally, anong team ka?" baling ko kay Ally
"Team Shalom, ako lang nalayo sa inyo" sagot naman niya, napatingin naman kami sa harap nang biglang mag salita ulit si kuya Alas
"Okay, team Rapha. Kenneth, Roann, Angel, Cristine, Clarence, Kobe, Elyse, Shaina, Wally and Joy" nagsipag tayuan naman ang mga tinawag at umupo sa mga upuan na nakalaan sa kanila sa harapan
"Next team, Nissi. Joshua, Ivan, Anton, Sherwin, Andrei, Carl, Jamie, Pam, Ella, Jessa and Lianne"
Tahimik naman kami habang hinihintay tawagin ang team name namin
"Team, Shalom. Emmanuel, Luke, Lance, Clint, Nicholas, Allyson, Sharon, Alyana, Allysa and Kyla" tumayo naman si Ally at nag paalam muna sa amin ni Solace bago pumunta sa team mate niya
Nagulat pa ako habang papunta si Allyson ay nagkasabay sila papunta sa upuan nung kaninang lalaki na naka blue tshirt
"Halaaa, meant to be talaga sila, te, tignan mo dali" animong kinikilig na bulong ko kay Solace
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...