SOLACE POV
Nandito kami sa office ni Kent kasama ang barkada, ipinapasyal niya kami sa office niya at talaga namang namamangha ako sa laki ng company nila, sabi ni Nico ay mas malaki ang kompanya nila sa Canada kung saan si tita Andrea ang nag mamanage roon.
"Ang ganda naman ng office mo at ang laki pa" sabi ko kay Kent
"For sure your clinic will be beautiful when it's done"
"Sana nga matapos na para makapag hire na ako ng magagalinv na doctor, para habang nag rereview ako sa exam ay napapaandar ko na ang clinic" nakangiting sabi ko sa kaniya
"I'm so proud of you. My Solace, my love" sabi niya na mabilis pang hinalikan ang labi ko
Napatingin pa ako sa mga kasama namin, pero nakatalikod sila sa gawi namin dahil tinitignan nila ang mga paintings na nandito sa office ni Kent
"Sir Kent, Your daddy is calling you, he says you have a sudden meeting" sabi ng kakapasok lang na babae
"Okay, thank you. Kristine" sabi lang ni Kent at umalis na ang babae
"Kristine? Kung hindi ako nagkakamali narinig ko na ang pangalan niya nung nasa canada ka" mahinang sabi ko kay Kent
"Yes, she's my secretary that's why she's with me when I'm in Canada" nakangiting sabi niya
"By the way, wait for a while I have a sudden meeting with my dad" paalam niya sa aming lahat at tumango naman kami at lumabas na siya
"Love, tignan mo mahal na mahal ka ni Kent" sabi ni Ally na hinila pa ako papunta sa table ni Kent
Nakita ko ang graduation pic ko na nasa frame at nasa ibabaw ng table niya, hindi ko matandaan na nag bigay ako sa kaniya ng picture, at hindi ko rin alam kung sino ang nag picture sa akin non, pero napangiti ako na mayroon pala akong picture sa office niya
"Kilig na naman" natatawang sabi ni Grey
"Ako nag picture sa'yo niyan Taylor" sabi ni Nico
"Kaya pala hindi ko matandaan e" sabi ko lang
Lumipas ang 45 mins at wala pa rin si Kent, kaya naman napagpasyahan kong lumabas muna sandali para na rin mag ayos ng mukha sa comfort room.
Nagpasama ako kay Ally at Grey mag cr, papunta na kami sa cr ng biglang mag init ang ulo ko sa nakita ko. Hinalikan ni Kristine sa gilid ng labi ang boyfriend ko na takaga namang nagpakulo ng dugo ko.
"What did you do?" Halatang asar na sabi ni Kent
Susugod na sana si Grey kung nasaan ang dalawa pero pinigilan ko siya, nakita ko naman ang galit at awa sa mga mata niya, pero sinunod niya ako at hinayaan niya na lang, pare pareho kami ngayong nakatingin sa dalawa.
"Hinalikan ka" sagot lang ni Kristine
"Why did you do that?" Asar pa ring tanong ni Kent
"Dahil gusto kita matagal na, at naiinis ako dahil kasama mo ngayon ang girlfriend mo na wala namang sinabi sa akin, mas maganda ako sa kaniya, mas sexy, mas matalino, bakit siya pa ang pinili mo e nandito naman ako?" inis na sabi ni Kristine
"I choose her because she's the one I love" may bahid ng galit na sabi ni Kent at napatahimik naman si Kristine
"And also don't tell me who I should choose, and don't brag to me about what you have, because Solace have me that you don't have" galit na talagang sabi niya na tinalikuran pa si Kristine na siyang naging dahilan para makita niya ako
YOU ARE READING
Youth Camp
RomanceFor the first time, Solace will be able to attend the Youth Camp that will be held in Tagaytay. She will be with her two best friends, Grey and Allyson. and she will meet Kent Andrew Adler the man she never thought she would like. What will be the f...