Chapter 29

13 2 0
                                    

SOLACE POV

Hindi ko maiwasang mangiti habang inaalala ang mga pangyayari kahapon kung saan nag date kami ni Kent. Kaya naman agad akong binatukan nang mahina ni Grey, kasama ko siya ngayon dahil ang aga aga niya bulabugin ang buhay ko.

"Para kang tanga, bigla bigla ka na lang ngumingiti riyan, medyo nakakatakot na" sabi pa ni Grey matapos ako mahinang batukan

"May naalala lang e, ang sakit mo naman mambatok" nakangusong sabi ko sa kaniya

"Kwentuhan mo ako kung ano nangyari sa date niyo ni Kent" animo kinikilig na pang iintriga pa niya

"Pumunta ka ba talaga rito sa bahay para lang diyan? P'wede mo naman akong tawagan na lang"

"Gusto ko nakikita kung paano kiligin ang babaeng wala namang pake sa lovelife, pero simula ng makikala si Kent ay biglang nagbago bigla ang perspective"

"Kami na" nahihiyang sabi ko at napanganga naman siya

"Ang bilis naman, walang ligaw ligaw"

"Bakit pa? You know hindi naman ako naniniwala sa courtship, dahil ipapakita lang nila kung ano mga gusto mong makita sa kanila para sagutin mo sila" sabi ko at tumango naman siya

"Sabagay, tsaka bahala ka sa buhay mo matanda ka na" sabi niya na ikinangiwi ko lang

"Wala ka bang pasok at ang aga mong pumunta rito sa bahay" tanong ko pa

"Naka leave ako ngayon, pagod ako sa trabaho gusto ko mag relax, mali ko lang kasi gusto ko mag relax pero ikaw pinuntahan ko" mapang asar na sabi niya, inirapan ko naman siya

"Sinabi mo na ba kay Ally na kayo na ni Kent?" tanong niya pa

"Hindi pa, ngayon ko pa nga lang sinabi sa'yo e"

"Sabihin mo na agad doon sa isa, baka mag tampo sa'yo 'yon"

"Sige sige, tatawagan ko na lang" sabi ko pa

Tatawagan ko na sana si Ally nang biglang mag ring ang cellphone ko, napangiti na naman ako dahil nakita ko ang pangalan ni Kent sa screen ng phone ko, agad agad ko naman 'tong sinagot.

"Kadiri, patay na patay. Pwe" dinig kong bulong pa ni Grey at nginitian ko lang siya kaya umakto siyang nasusuka

"Hey. My Solace, good morning" bati ni Kent na nakapag palawak sa ngiti ko

"Hi, good morning" nakangiting bati ko

"I just wanted to ask if you want to go to baguio tomorrow morning, with nico and we will also invite Grey, Ally and her bf" sabi ni Kent sa kabilang linya

"Anong meron?" tanong ko naman

"Tomorrow is my sister's birthday"

"Ow, sure sama ako" sagot ko at nagtataka naman akong tinignan ni Grey

"Okay, Nico and I will just pick you up, so we can go there together" sabi niya at ngumiti lang ako kahit hindi niya ako nakikita

"Let's meet tomorrow, we'll just take care of where we'll be staying in Baguio, so that when we get there, we won't be hassled" dagdag sabi pa niya

"Ok sure, mag pupunta na lang din kami sa mall ni Grey and Ally" sagot ko lang sa kaniya

"Okay enjoy. I love you" nagulantang talaga ang buong sistema ko sa sinabi niyang 'yon

"Bye" ayon lang ang nasagot ko at ibinaba na ang tawag

"OH MY GULAYYYYY" sigaw ko na ikinagulat ni Grey

Youth CampWhere stories live. Discover now