Chapter 3

51 4 0
                                    

JAMES'S POV



Nag lalakad kami ngayon para ipag paalam sa librarian na iuuwe ko tong books na kinuha ko, walong books ang dala ko ngayon, sana payagan ako kasi alam ko ang limit lang is tatlo.

Nalaman ko din na Rose pala ang name nitong babaeng nakausap ko kanina at ang apelyido nya ay Herrera. Parang pamilyar nga yung apelyido nya pero di ko alam kung sino o saan ko ba narinig yun. 'Bahala na mukha naman syang mabait eh.

Nang makalapit kami sa librarian.

"Ma'am walo pong libro ang iuuwe ko, pwede po ba?" Tanong ko. Tumingin naman ito saakin at tinignan ang katabi ko.

"Oh Rose uuwe kana agad?" Tanong nito kay Rose na pinag taka ko. 'Panong kilala sya ng librarian dito? Eh ang sungit sungit nun.'

"Hindi papo, may pupuntahan lang po ako" sagot ni Rose.

"Ahhh sige mag iingat ka, umuwe kadin ng maaga. Wag masyadong mag papagabi ah." Sabi nito kay Rose at humarap saakin.

"Sige na, dalhin mo na lahat yan." Sabi nito saakin at bigla nalang kumuha ng lalagyan ng libro. "Dito mo ilagay para di masyadong mahirap buhatin." Dagdag nito. Kaya naman nag pasalamat ako kasi ang lalaki din kaya ng mga libro tapos ang bibigat pa.

"Thank you po ulit, alis napo kami ah, bye po." Sabi naming dalawa ni Rose at lumakad na paalis. Pag dating namin sa exit nakita ko mga kaibigan ko na mukhang bored na bored na lol.

"Uy anong nangyari sainyo?" Natatawang tanong ko sakanila.

"Ay wow buti naman at nandito kana. Bwesit ka, ang bagal mo. Ano bang ginawa mo dun?" Medyo inis na tanong ni Ace.

"Eh may nauna saakin eh nakipag agawan pa ako." Sabi ko at nag tawanan sila. Atsaka lang din nila napansin na may kasama ako.

"Oh sino yan?" Tanong ni Ivan habang nakatingin kay Rose.

"Ito yung sinasabi kong naunahan ako sa libro, pero binigay nya naman saakin. Then nag volunteer nadin sya na tulungan ako." Paliwanag ko.

"Wow ah, ang bait mo naman Miss, binigay mo na nga yung libro. Tutulungan mo pa sa gawain nya." Sabi ni Jake na ikinatawa naming dalawa ni Rose.

"Haha okay lang yun nang hingi din naman ako ng tulong sa kanya eh. Kaya yung pag tulong ko sa gawain nya ay parang pasasalamat ko nadin." paliwanag ni Rose kaya naman bigla nalang na curious ang mga kaibigan ko.

"Anong tulong?" Tanong nilang lahat na may pag tataka.

"Well sa totoo lang..." napapakamot ng ulong simula ni Rose. "Bago ko ibigay sa kanya yung books, nakipag deal muna ako sa kanya na ibibigay ko yun pero tutulungan nya ako. Mag papangap sya na boyfriend ko para tumigil na yung mga kaibigan ko na mag set ng mga blind dates saakin tuwing weekends. Ayaw ko pa kasi talaga mag karoon ng boyfriend pero pinipilit nila ako." Mahabang paliwanag ni Rose. Wala naman daw syang pake kung malaman ng mga kaibigan ko eh wag lang daw malaman ng mga kaibigan nya at family nya na nag papanggap lang kami.

'Kasi for sure patay kami hehe diba galing hayst'

Napanganga naman ang mga kaibigan ko at di makapag salita. So ako nalang muna.

"Tutulungan ko sya pero tutulungan din naman nya ako eh. Atsaka mag papakilala lang naman ako isang beses lang tapos pag nag sawa na kami kakapangap. Mag papanggap sya na iniwan ko sya at mag papangap sya na broken sya at ayaw na mag mahal ulit." Mahabang paliwanag ko din, pero sa totoo lang natatawa ako sa sinabi ko haha. Di naman talaga ako nakaisip nyan eh si Rose, na sobrahan na ata sa kalawakan ng imagination, kung ano ano na naiisip haha.

"Hayst" buntong hininga ni Josh "Tol bahala kayo dyan pero sinasabi ko sainyo mukhang di maganda yang plano nyo na yan." Sabi nya, kaya naman nag taka ako.

"Bakit mo naman nasabing di maganda?" Tanong ko, di ko kasi mapigilan eh.

"Basta para nyo kasing niloloko, NO niloloko nyo yung tao sa paligid nyo at niloloko nyo din ang sarili nyo. Hindi ko alam pero inaalala ko lang baka sa huli eh isa lang din sa inyo ang masaktan." Sabi nya

'Bakit parang may pinaghuhugutan tong taong to?' Tanong ko sa isip ko.

"Okay lang yan wag kana mag alala. Atsaka saglit lang naman yun eh, so don't worry kaya namin sarili namin haha." Pag bibiro ko kasi mukhang sumeseryoso na eh ang weird.

"Sige na, uwe na tayo 6:30 na" Aya ni Ivan. Kaya naman nag simula na kaming mag lakad at nakarating sa parking lot.

"Una na ako tol, may gagawin pa ako sa bahay eh" paalam ni Ace nang makalapit sa motor nya.

"Ako din una na" Sabi ni Josh na nandun nadin pala sa kotse nya.

"Sige bye bye na, kita nalang ulit tayo bukas" Nakangiting paalam ni Ivan saamin, nakapasok napala sya ng kotse nya. 'Ang bilis kumilos ng mokong at pinaandar na nya ang kotse nya hangang diko na makita yung kotse. Tsk.

Sumunod naman si Josh at bigla nalang din nag paandar si Ace at nakipag karirahan. Natawa nalang ako sakanila. Ngayon kami nalang nila Jake ang natitira, nag paalam na ako sakanya at lumapit na sa kotse ko.

Binuksan ko ang pinto ng kotse para makapasok si Rose. 'Buti nalang di nya dala yung kotse nya.' Pinaandar ko na din yung kotse ko ng makapasok na ako...

The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon