Chapter 11

39 3 0
                                    

ROSE'S POV



Katabi ko ngayon si James, well dapat talaga di kami mag katabi. Pero tong mga kaibigan nya at tong mga kaibigan ko, pinag tabi kami. As in sadya, mga bwesit sila huhu.

Btw sila Alex at Josh pala ang kumuha ng mga order namin. Nung una ayaw pa namin pero sabi nila sila nalang daw bahala, treat na lang din daw nila kami pasasalamat daw kasi pumayag kaming makiupo sila. Pumayag nalang kami kasi mukhang di sila papatalo eh. By the way ulit kilala ko na silang lahat Alex, Josh, Ace, Jake, at James. Lima pala silang mag kakaibigan kala ko apat lang eh.

"So may utang ka palang kwento saamin Rose." Nakangiti habang nakangisi na sabi ni Jayda saakin, kaya naman napalingon ako dito at pinanlakihan ng mata na nag sasabing tumigil pero mukhang di papatinag ang isang to. 'Lagot ka talaga sakin mamayang babaeta ka'.

"Tumigil ka baka gusto mong sabihin ko kay Nick na pumunta kang bar nung nakaraan." Pabulong na banta ko dito naikina laki ng mata nya 'haha kala mo mananalo ka saakin'.

Tumahimik naman sya at napatingin ako kay James na nakatingin din pala saakin. Ay beh narinig nya ba? Pero biglang nabaling ang atensyon ko ng biglang dumating sa entrance ng canteen si kuya kasama ang mga kaibigan nya. Pero mas ikinagulat ko ng mapatingin ito saakin at kumunot ang nuo ng makita ang katabi ko. Sana walang away...




TRISHA'S POV



Masakit padin ang ulo ko ngayon pero i think nawala ng makita kong dumating sila Kyzer. 'Shit sana walang away' kanina nabigla din ako nang marinig namin na may boyfriend na si Rose. At hindi lang yun ah si James pa.

Oo seneset namin sya sa mga blind dates para naman mainjoy nya yung pag ka teen nya. Pero last na yung nakaraan kasi parang napapansin nanaming sumusobra na kami, pero di namin expect na may boyfriend na sya at isa pa sa mga sikat na tao dito sa school ah, kasi kung dati pa silang nag dadate dati pa nalaman ng school yun, kasi madami talaga laging nakapalibot kay James. Kaya nga nalaman din namin agad na may boyfriend na si Rose eh. Pero dahil dun sa nangyari kagahapon iniisip ko na baka gamitin lang ni James si Rose pangganti kay Kyzer.

Nawala ako sa iniisip ko nang bigla kong mapansin na papalapit saamin si Kyzer. Sana wala namang gulo, sa totoo lang din ako lang ang nakakaalam saaming mag kakaibigan na may nag kagulo dito sa canteen kagahapon kasi nag paiwan ako dito bago sugudin ni James si Kyzer. Hindi ko alam dahilan ng away nila pero i think tungkol yun sa babae kasi narinig kong may binangit na pangalan si James eh Lea ata.

"Here." Biglang singit nung Josh, kaya naman naagaw nya agad ang pansin ko.

"Thanks." Sabi naming mag kakaibigan at kinuha na ang order namin. Cake lang ang inorder ko ayaw ko ng rice, gusto kolang sweet para gumaan naman ulo ko.

Nang makuha ko na yung order ko tumingin ulit ako sa entrance pero wala na sila Kyzer dun at nilibot ko ang paningin ko nakita ko silang nakaupo na pero nakatingin padin saamin, nang bigla nya akong makita at tumitig sa mata ko. Pero binigyan ko sya ng titig na nag sasabing 'may alam ako. At binaling nalang ang atensyon ko sa pagkain ko. Nang biglang mag salita tong Ivan ata.

"Ano may gusto pa ba kayong kainin?" Tanong nya at umiling naman kami.

"Sure kayo?" Tanong nya pa, iling ulit.

"Sure talaga?" Tanong nya ulit, ano ba to? Sirang plaka? Iling nalang ulit sagot namin.

"Sure sure talag--" pinutol ko na.

"Oo nga kulit." Sabi ko sabay ikot ng mata.

"Sur--"

"Isa pang sure mo sisipain na kita." Naiinis na sabi ko na medyo mataray.

"Hahaha high blood ka?" Tanong nya.

"Para ka kayang sira dyan sinong di maiinis ha?" Sagot ko mukhang bumalik din kasi sakit ng ulo ko.

"Oh oh tama nayan haha high blood kananaman eh." Sabi saakin ni Jasmine pero tinarayan ko lang sya at nag tawanan naman silang lahat, eh? Nag tataray ako tatawa sila, ano sila baliw?

"Pabayaan nyo na yan masakit lang ulo nyan kaya ganyan." Natatawang sabi ni Rose. "Ay wow kala mo di rin masakit ulo nya ah.'

"Di na masakit ulo mo?" Tanong ko at umiling naman sya. "Bumalik sakit ng ulo ko dahil dito eh." Sabay turo kay Ivan na tinawanan lang ako. Sinimangutan ko naman sya.

"Haha hindi na ata mawawala sa mag kakaibigan ang masungit ah." Sabi ni Ace na nakatingin saaming tatlo nila Alex at Josh.

"Eh? Bat ako na sama?" Sabay na tanong namin ni Josh, oo sabay na sabay teh. Kaya naman nag tawanan nanaman ang mga baliw tsk tsk tsk tsk.

"Hayst tumigil na nga kayo mukhang di natutuwa sa mukha nyo tong si Trish haha." Natatawang dagdag ni Alex 'kala ko ba masungit to eh bat parang maloko din?'. Nag tawanan nanaman sila napatingin naman ako kay Jayda na mukhang mamamatay na sa tawa 'ay oa yarn'. Pero dahil din sa kanya natawa ako. Pero napatigil din ako nang mapansin kong may nakatingin saakin. Excuse me? Tinaasan kolang ng kilay si Josh pero bumalik na sya sa pagkain nya.

"Ehem*" Sabay siko saakin ni Faula, katabi ko kasi sya. "Mukhang may mabubuo nanaman akong love team ah." Mahinang sabi ni Faula at mahinang tumawa...

The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon