ROSE'S POV
Habang may ginagawa kami napansin ko ULIT napasulyap sulyap nanaman si James saakin. Ano bang trip ng lalaking to naiilang na ako eh.
"Umm.. may tatanong kaba?" Tanong ko kasi naiilang na talaga si me.
"Huh?" Tanong nya na parang walang alam.
"Napapansin ko na pa lingon lingon ka saakin may tatanong kaba ulit o may problema o may dumi lang talaga mukha ko?" Tanong ko at tinuro ko ang mukha ko kasi baka nga naman may dumi lang talaga.
"Ha? Ay wa-wala umm..." Parang na iilang nyang sagot ang weird nya sa totoo lang.
"So wala kang sasabihin?" Tanong ko ulit habang naka taas na ang kilay.
"Wala lang pero gusto ko sana mag sorry kanina sa mga pinag sasabi nila mama. Ganon lang kasi talaga sila eh." Sabi nya kaya naman napa tungo ako.
"Ahhh yun lang pala. Okay lang yun ang cute nga nila eh haha." Sabi ko habang naka ngiti. Ngumiti din naman sya at dun ko napansin yung buong mukha nya. Sobrang gwapo nya din pala, matutulala ka haha. Matangos ilong nya at may maliit na nunal sa bandang kaliwa ng mata nya. Medyo singkit din sya at kung titignan mo sya ay parang may lahi talaga, at kung titignan mo naman ang katawan nya mukha syang laging pumupunta ng gym, kasi naman ang laki ng katawan nya. Then kung susuriin ko ang height nya kanina habang nag lalakad kami, kasi hangang dibdib nya lang ako at 5'2 lang ako ay masisiguro ko na 6 feet na ito.
"Hoy!!" Nagulat ako sa sigaw nya.
"Ano ba?" Medyo nainis na sabi ko.
"Nakatulala ka kasi dyan okay kalang." Natatawang sabi nya.
'Omg naka tulala ba talaga ako?'
"O-Oo naman okay lang ako." Sabi ko nahihiya na tuloy ako.
"Haha gutom kana ata. Gusto mo nabang kumain kuha ako sa baba gusto mo?" Tanong nya sabay tingin sa orasan. Luh 8 na agad wait parang may nakalimutan akong gawin... shit.... nakalimutan kong mag paalam kala mama.
"Uy okay kalang bat namumutla ka?" Tanong ni James.
"Naalala ko nakalimutan kong mag paalam kaka mama." Sabi ko sabay kuha ng phone sa bag ko. Shit ang daming massage at call patay ako nito huhu. Binuksan ko nalang yung sa kuya ko.
From: Kuya Ky
- Hoy nasan kana?
- Pumunta ako sa classroom nyo sabi nasa library kadaw.
- Pumunta nako dun pero wala ka.
- Sabi ni tita Amber umalis kadaw at may kasamang lalaki sino yun.
- Nasa bahay na ako 7:30 na Rose wala kabang balak umuwe!!!?.Patay.
From: You
- Sorry kuya nakalimutan kong mag paalam kanina. Yung kasama ko kanina kaibigan ko yun, tinulungan kolang sya gumawa ng school works nya. Siguro baka 9 or 10 na ako makauwe. Sorry talaga ya.
...
Sa totoo lang di lang talaga yung mga kaibigan ko yung pumipilit saakin pati nadin parents ko. Pero si kuya ayaw na ayaw talaga nya sa topic nayun...
"Rose okay kalang?" Tanong ni James kaya napatingin ako sa kanya.
"Ahh oo nakapag paalam na ako sana lang maintindihan ni kuya." Sabi ko.
"Okay lang yan hatid nalang kita mamaya then kung gusto mo pwede na nating sabihin na boyfriend mo na ako." Sabi nya. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi nya dun sa mga kaibigan nya na isang beses lang sya mag papakilala. Hindi totoo yun ang usapan namin pag naka graduate na kami dun lang kami titigil.
"Sige." Nasabi ko nalang medyo kinakabahan din kasi ako.
"Wait kalang dito ah kuha kang ako ng pagkain sa baba. Gusto mo ba ng rice?" Tanong nya at umiling lang ako. "Sige wait lang." Sabi ni ulit at umalis na.
Nang maka alis na sya tumayo ako at pumunta dun sa set ng mga libro at tinignan ang mga yun. Mga story ito at *ehem* may mga bl books. Hayst di ko nalang sasabihin nakita ko. Tumingin tingin pa ako at meron akong nakitang mga limited edition na books. Tapos na pa tingin ako dun sa isa Love Story yung title nung book, di ko alam kung anong kwento nito pero alam ko sobrang hirap nito kuwain tapos mahal din.
'Pano kaya nya to nakuha?' Sabi ko sa utak ko. Tapos bumalik na ako dun sa table baka ano pang magawa o makita ko dun eh haha. Nang maka upo na ako nag isip ulit ako kung ano bang gagawin. Ipakilala ko na ba sya? hayst parang gusto ko na umatras ah. Iniisip ko din kasi yung sinabi nung Josh bayun kanina eh. Kasi baka isa saamin mahulog tapos yung isa ang tingin lang pala sa lahat ay laro. Medyo mabilis pa naman ako mafall hayst sana wag naman huhu.
Habang nag iisip di ko na napansin na nakabalik na pala si James. Nag lalakad na sya papunta saakin at dala ang mga pagkain then napa tingin ako sa likod nya at na kita si Sammy na nag pangiti saakin.
"Hi ate!!" Magiliw na sabi nya habang naka ngiti.
"Hello anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong ko.
"Wala mangungulit lang." Sabi ni James haha.
"Ehhhh?" naka ngawing panimula nya kay James. "gusto ko lang naman maka kwentuhan future ano mo eh hehe." Sabi nya at natawa nalang ako.
Author: Pero deep inside kinikilig nayan.
'Hoy di ah, wait bat ka nandito? Alis dito story ko to.'
......
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Roman pour AdolescentsWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...