Chapter 29

24 3 0
                                    

ROSE'S POV




"Mas malayo pag umuwe kisa pumunta dun." Sabi nya.

"Ha?! Bat parang baliktad?" Tanong ko ulit at natawa sya saakin.

"Haha mas malayo kasi yung nilabasan natin kisa dun sa una nating pinuntahan." Sabi nya.

"Eh diba same lang naman yung lugar na pinuntahan natin?" Sabi ko sakanya pero patanong.

"Oo, pero napansin mo naman na malaki yun diba?" Tanong nya saakin at tumungo lang ako. "Ayun, mag kalayo din kasi yung pinasukan natin dun sa exit. Mas malapit yung una nating pinuntahan pero bawal na dung lumabas." Paliwanag nya.

"Ahh okey." Sabi ko nalang at tumingin na ulit sa daanan namin...

Makalipas ang ilang minuto...





JAMES'S POV






Nakatulog na si Rose habang tumitingin sa daanan namin. Di ko din naman sya masisisi dahil kahit ako inaantok na din.

Hininto ko muna yung kotse namin sa gilid dahil naka bukas yung bintana ng kotse ko at nakapatong dun yung braso ni Rose at ginawa nya yong unan.

Inalis ko yung ulo nya ng dahan dahan pati ang mga kamay at sinarado yung bintana. Kumuha ako ng unan at isinandal yun sa gilid at pinahiga yung ulo nya. Ginawa ko yun dahil masyadong mahamog sa labas, baka mag ka sakit pa sya o sumakit yung ulo.

Nang maiayos ko na sya ay nag start na ulit akong mag drive...

'Hayst sabi ko aamin ako ngayon pero di ko nagawa.' Sabi ko sa sarili ko at umiling pa ng onti.

'Next time nalang siguro.'

By the way yun palang pinuntahan namin, bawal talagang pumasok dun sa pinasukan naming cafe. Meron yung sariling entrance at exit, pero masyadong malayo kaya dun ko nalang dinaan. Buti nga kahit bawal dun pinapasok pa din nila ako, sinabi ko na din naman na dun ako hihinto eh.

....

"Hikab*." Hikab ko habang nag dadrive.

'Inaantok na ako... pero okay lang yan 30 minutes nalang naman nandun na kami sa bahay ni Rose.'

Wala masyadong sasakyan ngayon since 12:30 na din naman na. Tinignan ko si Rose at nakita ko na sobrang himbing ng tulog nya ng biglang may tumawag saakin.

Kinuha ko yung phone ko sa harapan ko at tinignan ang screen. Si Kyzer pala, bago ko sagutin yung tawag ay nag earphone muna ako at hindi masyadong malakas para marinig ko padin kung may sasakyan. 'Kahit na gabi mag ingat padin.

"Hello." Sabi ko ng sagutin ko yung tawag.

"Hoy bat ang bagal mo namang sumagot! By the way nasan kana ba ha? Nasan na si Rose? Baka kung ano na ginawa mo dyan ah, lagot ka saakin." Sabi nya na medyo galit na naiirita.

"Haha kala ko ba okay na tayo?" Sabi ko.

"Oo, pero ibalik mo yang kapatid ko saamin." Sabi nya.

"Natutulog si Rose, 30 minutes nandyan na din kami. Pwede kana matulog." Sabi ko sakanya.

"Hindi ako makakatulog ng wala sa bahay kapatid ko. Aantayin ko nalang kayo, tawagan mo ako pag nandito na kayo." Sabi nya saakin.

"Sige, bye." Sabi ko at binaba na ang tawag. Baka madesgrasya pa kami dahil sa tawag nya.

Pinag patuloy ko lang yung pag mamaneho ko hangang nakarating na ako sa village nila Rose. Tatawagan ko na sana si Kyzer kaso nakita ko na tulog papala si Rose.

"Hayst, di man ako nakaamin sayo ngayon pero i promise aamin na ako sa susunod. I love you." Bulong na sabi ko at gusto ko syang halikan sa nuo pero wag na. Baka magising sya and ayaw ko ding mag nakaw ng halik.

"Rose." Sabi ko at tinapik sya para magising.

"Rose." Sabi ko ulit dahil di sya nagigising.

"Ros-" Sabi ko at nagising na sya.

"Ay sorry nakatulog ako." Sabi nya at umayos ng upo.

"Haha okay lang, nandito na tayo." Sabi ko sakanya.

"Ha?" Sabi nya sabay tingin sa labas.

"Ay, sige thank you." Sabi nya at bubuksan na ang pinto, pero di nya yung mabubuksan kasi nakalock yun.

"Papasok kita sa loob, dilikado dito. Ginising lang kita para alam mo na nandito na tayo." Sabi ko sakanya.

"Ahh sige." Sabi nya at umupo ulit ng maayos.

Nag drive na ulit ako at lumapit dun sa gate at nakita na nag bukas yun kaya naman dumiretso na ako.

Nang makarating na sa tapat ng bahay nila Rose.

"Thank you James." Sabi ni Rose at bumaba.

"Wait." Sabi ko at kinuha yung mga binili ko kanina. Pinag bukod bukod ko nayun, meron din kasi akong ibibigay kay Sam tapos yung hoodie saakin.

"Oh." Sabi ko sabay abot sakanya.

"Ano yan?" Tanong nya saakin habang nakatingin dun sa inaabot ko.

"Regalo ko." Sabi ko sakanya.

"Diba sabi mo ibibigay mo yan sa gusto mo?" Tanong nya saakin.

"Hindi, okay na yun. Pabayaan mo na, oh." Offer ko ulit sakanya nung bag.

"Eh? Mahal yan. Bigay mo nalang kay Sam." Sabi nya saakin.

"Meron na akong ibibigay sakanya. Sayo na to." Sabi ko sakanya at hindi sya nag salita. "Alam kong gusto mo to, and i think bagay din to sayo. Kaya sayo na, wag mo na isipin kung mag kano to. Take it as a gift and pasasalamat ko na din." Sabi ko sakanya, kaya naman kinuha nya nalang. Kahit di nya kunin to, ibibigay ko pa din to sakanya ng hindi nya alam.

"Thank you." Sabi nya.

"Welcome." Sabi ko sabay ngiti ng matamis.

"Sige na, alis na ako." Sabi ko at akmang sasakay na sa kotse pero may nakalimutan pala ako...


The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon