ROSE'S POV
"Rose ihatid mo muna kaya sa labas si James at baka mapapaano pa." Utos saakin ni mama.
Kinausap na ni papa si James kanina at medyo kinabahan din ako kasi lumayo sila saamin, pero nawala naman yun nung nakita kong bigla nalang ngumiti si papa kay James at nag tawanan sila. Btw pinakain din pala nila mama si James dito kahit sinabi na naming busog na kami at ngayon ay pinapauwe na nila si James kasi 10:30pm na!!!
"Ako nalang kaya." Biglang singit ni kuya sa likod namin kaya naman napatingin kami ni mama sakanya. Btw nandito pala kami ngayon sa kusina at nag huhugas ng plato.
"Bakit?" Tanong ko sakanya baka kasi kung anong mangyari kung papabayaan ko silang dalawa mag sama.
"Wala lang kakausapin kolang." Sabi nya saakin at mag sasalita na sana ako pero pinigilan ako ni mama.
"Sige na at umalis kana dito." Taboy sa kanya ni mama kaya naman napa nguso ako. Umalis naman agad si kuya hangang di ko na sya makita.
"Oh bat ganyan ang mukha mo?" Natatawang tanong saakin ni mama.
"Ma naman eh bat mo naman kasi pinabayaan yun." Turo ko dun sa pinto kung saan lumabas si kuya.
"Bakit ba? Pabayaan mo silang mag boys talk ng kuya mo haha." Natatawang sabi ni mama at nag patuloy na sa ginagawa nya.
"Ma naman eh." Napapakamot ng ulong sabi ko. Hindi ko din kasi masabi sa kanya na mag kaaway si kuya at yun si James. Well alam ko namang di sila mag aaway dito pero kahit na nag aalala padin ako.
"Haha sige na onti nalang tong hinuhugasan natin. Bilisan mo na dyan." Sabi saakin ni mama kaya naman nag hugas nalang ako tsk. Pag kalipas nang ilang minuto ay natapos nadin kami. Medyo madami kasi kaming hinugasan kahit na 5 lang kaming kumain oa din kasi minsan mag handa to si mama eh. Tapos sabi nya pa kanina kulang padaw yun di pa sya nakapag handa, wow ah pwede na ata sa 20 tao yun eh.
Pag katapos namin ay lumabas na kami sa kusina at nakita namin si papa na naka upo sa sofa habang nanunuod ng TV.
"Oh wala pa si Kyzer?" Tanong ni mama kay papa.
"Wala pa eh pabayaan mo nalang sila." Sabi ni papa at binalik ang tingin sa pinapanuod nya. Lumapit naman si mama at umupo nadin sa sofa.
"Rose dito ka." Sabi saakin ni mama at tinapik ang sofa na inuupuan nila kaya naman lumapit ako sa umupo at nakinood nalang din.
Pero sa totoo lang iniisip ko talaga yung dalawa baka kung ano na kasi ang nangyari dun eh.
"Ma punta lang ako sa labas ah." Paalam ko hindi na kasi ako mapakali.
"Tsk sige na nga." Sabi ni mama at medyo natawa pa. Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa pintuan namin, pero ng makarating na at nahawakan ko nayung doorknob eh biglang bumukas ng malakas yung pinto at natamaan ako sa mukha at napaatras, buti di ako napaupo.
"Awww" Nakapikit na daing ko habang naiiyak na nakahawak sa ilong at nuo ko. Sakit kaya.
"Oh Rose okay kalang?!" Nagulat na natatarantang tanong sakin ni kuya.
"Bakit naman kasi ganon ka mag bukas ng pinto huhu." Naiiyak na talagang sabi ko, may tumulo nading isang patak ng luha ko na mas lalong ikinataranta nya.
"Luh sorry di ko naman alam na nandito ka eh. Tara gamutin kita saan ba masakit?" Nag aalalang tanong nya saakin at tinignan nangmaige ang mukha ko. 'Nakaharang naman yung kamay ko pano nya makikita.'
Hinawakan nya ang kamay ko at inalis yun sa mukha ko. 'Ang sakit huhu.
"Kawawa naman kapatid ko mukhang nagkakabukol haha." Natatawang sabi ni kuya. 'Wow galing amazing tawanan ba naman ako, tapos sya pa may gawa nito ah.
"Susumbong kita kala mama." Naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Sumbong kana haha." Sabi nya na ikinasimangot ko lalo. Lakas nya talaga mang asar, kanina nag aalala ngayon nangiinis. "Haha joke lang, sobrang sakit ba?" Tanong nya saakin bumalik yung pag aalala sa boses nya. Baliw ata tong kapatid ko.
"Oo sobrang lakas kaya ng pagkabukas mo." Naiinis na sabi ko sakanya.
"Sorry na tara dun tayo sa kwarto ko nandun first aid kit ko eh." Napapakamot ng ulong sabi nya saakin.
"Huh? Bat pa tayo aakyat eh meron din naman dun sa kusina?" Tanong ko saakanya.
"Ano eh..." Ay parang alam ko na no need sa explanation. Kasi pag pupunta pa kaming kusina makikita kami nila mama. Pag naman dumiretso na kami sa taas hindi na.
"Kala ko ba mag sumbong ako kanina? Eh bat ngayon natatakot kang makita nila ako?" Pangiinis ko sa kanya.
"Eh basta sa taas tayo, tara na." Sabi nya sabay hila saakin.
"Sakit kaya!" Sigaw ko pero nag pahila nalang din hangang makaakyat kami.
Nangmakaakyat na ay pumunta kami sa kwarto nya. Well mag katabi lang naman kami ng kwarto kaso wala akong first aid kit saakin. Atsaka ngayon lang ako na umpog hindi ko alam kung pano to gamutin.
"Umupo ka muna." Sabi saakin ni kuya at pumunta ng drawer nya kaya umupo nalang ako sa kama nya.
Kumuha si kuya ng ice pack at lumapit saakin pero wala pang ice yun. Nilagay nya sa tabi ko yung ice pack at pumunta sa mini ref nya.
"Tsk wala pala akong ice tube dito." Sabi nya at humarap saakin. "Baba muna ako." Sabi nya at mag sasalita na sana ako pero tumalikod na sya at nakalabas na ng kwarto...
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Teen FictionWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...