ROSE'S POV
Kanina nag paalam na kami kala tita na uuwe na ako 9:41pm na ng huli kong tingin sa orasan. Ngayon nandito ako sa kotse ni James para ihatid nya ako. Well hindi nya alam kung nasan ang bahay ko kaya, ngayon mukha ako google na nag tuturo ng deriksyon. In short waze.
"Dun, dun sa may malaking gate." Turo ko sakanya dun sa malaking gate. "Tapos tigil ka" Sabi ko ulit dahil di naman sya papapasukin dito no. Nang makatigil na sya ay lumabas ako ng kotse at pumunta dun sa guard at sinabing papasukin kami.
"Ah sige po ma'am, kala kopo kasi kung kaninong kotse yan kaya diko binuksan." Sabi ni kuya guard di ko alam name nya bago ata sya dito 'ngayon kolang nakita eh tapos mukhang bata pa, siguro ka age lang namin to.'
"Ahhh okay lang kuya btw ano pala name mo ngayon lang kita nakita dito eh." Tanong ko
"Ahh tawagin nyo nalang po akong Mark mukhang mag kalapit din naman po age natin eh." Sabi ni Mark 'ayun sabi nyang itawag ko sa kanya eh'.
"Sige po Mark, pwede po mag request?" Tanong ko.
"Opo naman po, ano po bayun?" Tanong nya.
"Pwede PO bang patigil na yang PO mo nag mumukha PO akong matanda eh." Naiinis na kunwaring naiiyak na sabi ko 'Oo na oa na kung oa pero ayaw ko talagang may nag po po saakin lalo na kung mukhang mag kasing edad lang naman kami.'
Tapos tinawanan nya lang ako dun sa sinabi ko.
"Sige po ma'am madali lang naman ako kausap eh haha." Natatawa pa nyang sabi lakas din trip ni kuya guard."Sige na kuya pasok na kami, pag may time ako tapos nandito kapa mag chikahan tayo, kung pwede." Sabi ko madalas din kasi talaga ako nakikipag usap sa mga guard dito saamin, lahat nga sila close ko eh kahit matanda na. So lahat sila kilala ko minsan nga din pag may problema ako sakanila ko nadin sinasabi eh.
"Pwede naman ma'am pero di ko sure kung mag tatagal ako dito 1 week lang ako dito eh." Sabi nya 'wait bat puro ma'am to... ahhh diko papala nasasabi name ko'.
"Ahh sige kuya bukas try ko pumunta dito madami na agad akong tanong sayo hehe. Btw Rose name ko, Rose nalang tawag mo saakin wag na ma'am. Sige na kuya byee." Sabi ko sabay takbo pabalik ng kotse at sumakay na, napasarap pakikipag kwentuhan ko kay Mark nakalimutan ko may nag aantay pala saakin haha.
Nakabukas nayung gate at pinaandar na ni James papasok yung kotse. Onti lang bahay dito saamin pero malalaki ang bahay.
"Dun yung panglimang bahay, ayun bahay namin." Sabi ko kay James at sinunod nya naman ako at ng huminto na ay lumingon muna ako sakanya.
"Gusto mo inom kamuna ng tubig sa loob 30mins din naging byahe natin." Sabi ko sakanya kasi mukhang nauuhaw nadin sya.
"Ahhh sige." Sabi nya at bumaba na kami, kinuha ko yung susi ko sa bag ko ay nilabas baka kasi tulog na sila. Lumapit ako sa gate at binuksan yun nag park lang din pala ng kotse sa labas si James wala namang mag aalis nun dun eh.
"Pasok ka." Aya ko kay James at pumasok na kami, merong maliit na garden dito saamin pero di kasing laki nangkala James. Nang makapasok na sabahay ay dumiretso ako ng kusina at pinaupo muna si James, then kumuha na ng tubig. Pinag sama ko yung malamig tapos mainit na tubig para di masyadong malamig at binigay sakanya.
"Ano gusto mo pa?" Tanong ko umiling naman sya at akmang tatayo na ng mapatingin sya sa likod ko.
Lumingon naman ako at nakita ko ang may bangas na mukha ng kuya ko at masama ang tingin sa kasama ko. Shit.'Wait what?? May bangas ang mukha ng kuya ko? Kailan sya nakipag away?' Tanong ko saisip ko.
"Kuya okay kalang? bat may pasa ka sa mukha? sino gumawa sayo nyan? And by the way bat ka pa gising?" Sunod sunod na tanong ko.
"Okay lang ako, may bigla lang sumapak saakin ng kung sino dyan." Medyo may diin na sabi nya. "Inaantay kita kaya gising pa ako." Dagdag pa nya.
"Ahhh okay." Nasabi ko nalang kasi bat parang may tensyon sa paligid.
"Sino yang kasama mo?" Mahinahon na sabi ni Kuya well bat parang galit o nag pipigil ng galit?
"Kuya si James, ummm boyfriend ko." Sabi ko sabay iwas ng tingin.
"WHAT?!?" Medyo nagulat ako sa sigaw ni kuya.
"Ako boyfriend nya bakit may problema ba?" Tanong ni James kaya naman napalingon ako sakanya bat parang ang yabang ng dating.
"Yes may problema, bakit kasi sa dami dami ng lalaki dyan ikaw pa napili ng kapatid ko tsk." Naiinis na sabi ni kuya, what the diko alam ng yayari.
"Mag kaaway ba kayong dalawa?" Tanong ko at tumingin sakanilang dalawa si kuya umiwas ng tingin at si James parang gustong manapak. Eh?
"Paalisin mo nayan, babalik na ako sa kwarto ko, kumain kanadin kung nagugutom ka." Mahinahon na sabi ni kuya at umalis na.
"Sige alis na ako. Bye." Malamig na sabi ni James at umalis, eh? may nangyari bang diko alam?
Susundan ko sana sya para makapag pasalamat pero ng makalapit na ako sa gate nakaalis na yung kotse nya...
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Teen FictionWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...