ROSE'S POV
"Ahhh so 14 ka palang Sam at si Leo ay 16 tapos ikaw 19?" Tanong ko sakanilang dalawa habang kumakain ng strawberry cake. Mas gusto ko talaga chocolate pero ano ba naman ako para mag reklamo dito no? Kapal naman ng mukha mo kung mag rereklamo ka sa hindi mo bahay.
Btw nandito pala kami naka upo sa kama ni James. sabi ko kanina wag na dito baka madumihan pero mapilit si Sam kaya no choice ako.
"Yup, btw ate May 1 pala birthday ko sana maka punta ka." Naka ngiting sabi saakin ni Sammy.
"Sure pupunta ako." Nakangiting sabi ko sakanya kaya naman mas lalo syang napa ngiti ang cute naman ng Sammy ko.
"Btw ate mahilig kaba mag basa ng mga books?" Tanong nya ulit.
"Umm minsan pero mas gusto kong mag basa nalang sa phone ko. Nagagaspangan kasi ako pag nag nililipat ko yung pages ng books eh." Paliwanag ko.
"Ahhh" patungotungo nyang sabi "Eh ng BL Manhwa po nag babasa kayo?" Tanong nya pa. What the pinapag basa ba sya ng kuya nya ng mga ganon.
"Hindi pero nag try ako." Pero i swear hinding hindi ko na uulitin... "Wait nag babasa kaba?" Tanong ko.
"Hindi po ah." Mabilis na tangi nya. Hay nako kang bata ka. Tsk tsk tsk.
"Nag babasa yan. Kung ano anong books nga binabasa nyan eh pati yung mga books dito sa kwarto ko sakanya, sa sobrang dami banaman ng libro di na kasya dun sa library namin." Biglang singit ni James. What the.
"Hoy Sam alam ko kakakilala molang saakin ah pero sinasabi ko sayo tigil tigilan mo yan." Medyo masungit na sabi ko.
"Umm tumigil na din naman po ako eh, atsaka pag may matured content napo nilalagpasan kona." Sabi nya well mukha namang kapani paniwala.
"Btw tanong ko lang may lahi ba kayo?" Tanong ko sakanila para maiba na topic.
"Anong lahi? Lahi ng aso hahaha." Pag bibiro ni James na medyo ikinatawa ko.
"Oo meron ba haha." Pabiro kong balik "Pero yung seryoso may lahi nga kayo?" Curious na tanong ko.
"Well yung lolo ko sa father side ko pure chinese tapos yung lola ko pure pilipina sa mother side ko naman lolo ko half spanish then lola ko pure pilipina din." Paliwanag nya.
"Ahhh kaya pala." Medyo napatungo tungo pa ako ng konti.
"Oh ubos nayang kinakain nyo gusto nyo ng dessert?" Tanong ni James.
"Eh?" Tanong ko 'di paba dessert tong kinakain namin?'
"Ay hehe, i mean gusto nyo ba ng ice cream?" Tanong nya ulit.
"Yes naman kuya rocky road flavor nung akin ah." Magiliw na sabi ni Samara.
"Haha sige rocky road nalang din akin." Sabi ko
"Sige wait nyo ako dito balik ko lang to tapos kuha ako ng ice cream." Nakangiting sabi ni James at kinuha yung mga platong kinainan namin. Hayst nakakahiya, sya na nga yung nag dala ng food at nag pa kain saakin sya pa yung mag lilinis.
"Hey don't worry bisita ka dito kaya normal lang to." Sabi ni James kaya napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya saakin.
"Ha?" Kunwaring takang tanong ko.
Nag kamot naman sya ng ulo at kinuha na yung mga plato at tumayo. Tumingin ulit sya saakin bago umalis ng tuluyan. Char umalis lang.
"Haha wag kana mahiya ate normal lang talaga yan. Buti nga si kuya umasikaso sayo eh pag sila mama yan nako mas lalo kang mahihiya haha." Natatawang singit ni Sam kaya naman napa tingin ako sa kanya at ngumiti.
"By the way ate anong oras ka pala uuwe 8:39 na kasi eh parang super late nadin para sa babaeng ka tulad mo po." Sabi ni Sam well totoo naman.
"Umm siguro pag natapos nayun, 10 pages nalang naman makakalipat na kami sa kabanata IX eh." Sabi ko 'hoy wag nyo kami ejudge 40mins palang kaya kami gumagawa tapos subrang kapal ng libro mabilis panga yun eh.'
'Hayst pano nya kaya matatapos yun ng 1months lang? Need talaga nya ng help dun eh plus ang dami ding pinapagawa sa school alam ko ng may research pa.' Sabi ko sa isip ko.
"Tatapusin nyo po lahat yan?" Tanong ni Sam habang nakatingin dun sa mga libro. Parang dirin sya makapaniwala eh.
"Oo eh 1months lang yung binigay na time saamin." Sabi ko kasi sabi din namin kanina ni James sakanya na inutusan kaming dalawa ng prof namin na gawin namin yang dalawa, hindi as punishment pero dahil pinag kakatiwalaan kami ng prof namin diba, sure ako sa susunod magigising nalang kaming dalawa nasa empyerno na kami, tapos dadagdagan pa namin.... hayst.
'Pero medyo maganda rin yung naging palusot nya ah, kasi kahit di kami mag kaklase parihas padin naman kami ng prof sa research, so hangat di pa talaga nila nalalaman lahat pwede pa kaming makatakas. Hehe ang bad ko.'
"Grabe naman po mag tiwala prof nyo sa inyo buong lecture ata ng grade 1 to collage yan ah haha." Natatawang sabi nya pati ako natawa nadin eh kasi parang totoo nga naman haha.
Nag kwentuhan pa kami hangang makapasok na ulit si James dala yung ice cream tag iisang cup kami.
"Oh napasarap ata kwentuhan nyo ito na ice cream nyo." Sabi nya sabay abot ng ice cream saamin, nag pasalamat naman agad kami at syempre kinain yung ice cream 'alangan namang titigan namin no?' at nag kwentuhan ulit....
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Teen FictionWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...