Chapter 32

21 3 0
                                    

JAMES'S POV






"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Rose saakin, medyo malayo na din kasi yung na dadrive ko. Siguro mga 1 hour na haha, dadalhin ko lang sya sa park, picnic kami.

"Park." Sabi ko nalang habang di tumitingin sa kanya. "Malapit na din tayo wag kang mag alala." Dagdag ko pa.

"Ha? Park?" Takang tanong nya at tumungo lang ako. "Eh bat ang layo ng nilakbay natin?" Takang tanong nya padin kaya naman natawa ako sakanya.

'Haha sino ba namang di mabebwesit, meron namang park dun saamin na medyo malapit pero ang layo ng binyahe namin. Tapos park lang pupuntahan haha dami na nga din naming nadaanan eh.'

"Mas maganda yung park dun." Sabi ko nalang.

"Sige ah, pag mas maganda pa yung park na mas malapit saatin, lagot ka saakin." Sabi nya at tumawa lang ako ng onti at nanahimik na sya.

Pinagpatuloy kolang ang pag dadrive ko at 15 minutes after ay nakadating na kami sa pupuntahan namin.

Merong malapit na dagat dito kaya mas maganda yung tanawin. Actually meron din talagang bayad kung pupunta ka dito sa park na to, kasi nga private din to. Walang masyadong tao dito kaya mas magandang mag stay.

Dito ko din balak na sabihin kay Rose yung nararamdaman ko.

'Haha diba sabi ko sasabihin ko na sa next date namin? Pero di ko yun nagawa kasi again, tumiklop nanaman ako. Pero ngayon promise, sasabihin ko na.'












ROSE'S POV







Nandito na kami sa park, in fairness ang ganda naman dito... Hayst sige na nga, ang ganda talaga. Grabe naman kasi pumili ng lugar to si James eh. Lahat ata ng napuntahan namin wala pang hindi extraordinaring lugar.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay James at tumingin naman sya saakin.

"Mag pipicnic." Nakangiting sabi nya.

"Huh? Eh nasan yung blanket natin? Wala rin tayong foods." Sabi ko sakanya, 'di naman nya sinabi na mag pipicnic pala kami eh. Sana bumili kami dun sa mga shop na nadadaanan namin.'

Hindi naman sya sumagot at sininyasan lang ang likod namin. Kaya naman tumingin ako sa likod namin at nakita na may basket na malaki. Oh i think merong food dun, 'lagi din pala syang handa.'

"Ano? Meron kapang kailangan?" Tanong nya saakin at umiling nalang ako.

"Tara na, baba na tayo." Aya nya saakin at bumaba muna para pagbuksan ako ng pinto. 'Lagi nya kayang nilolock yung pinto ng kotse nya dito sa part ko, gusto nya daw sya daw ang mag bukas. Kaya nasanay na ako.'

Pag ka bukas nya ng pinto ay sumalubong agad saakin ang malakas na hangin. 'Ang presko hehe, siguro nandito si kuya.' Mas maganda din pala ang view sa labas kisa dun sa loob ng kotse.

"Ano? Ayos ba?" Nakangiting tanong ni James kasi mukhang napansin nya na nagustuhan ko naman yung pinuntahan namin. Inikutan ko lang sya ng mata at nauna ng mag lakad, nung medyo nasa malayo na ako ay tumingin ulit ako sakanya.

"Uy bagal mo!" Sigaw ko at nakita ko naman syang tumawa.

"Wait antayin mo ako." Medyo mahinang sigaw nya pero rinig naman at tumakbo sya papalapit saakin dala yung basket.

"Saan pala tayo pepwesto?" Tanong ko nang makalapit na sya.

"Saan ba gusto mo?" Tanong nya kaya naman napa ngawi ako. 'Ako nga nag tatanong, tanungin ba naman ako pabalik.'

"Basta dun sa kita yung sunset." Sabi ko.

"Sige, dun tayo." Sabi nya sabay turo dun sa may bandang dagat. Well may bato kasi dun tapos pag dun ka pumwesto makikita mo yung buong dagat, atsaka mukhang presko dun.

"Pwede ba dyan?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman." Sabi nya at nag lakad na kaya sumunod nalang ako sakanya.

Nang makalapit na kami ay binaba na nya yung basket at nag sapin na.

"Manipis lang pala tong blanket natin haha, wait kunin ko lang yung isa dun sa kotse." Sabi nya at iniwan ako... makalipas ang ilang minuto ay wala padin sya kaya nilibot ko nalang ang paningin ko at may nakita akong taong nag lalakad.

'Wait ngayon kolang na realize, bat pala wala masyadong tao dito? Atsaka what? May dagat sa park?' Naguguluhang tanong ko sa isip ko, ang alam ko kasi pag park madaming tao, and walang dagat sa park no, river pwede pa.

"Uy bored kana ba?" Napatingin ako sa likod ko ng biglang sumingit si James.

"Medyo, bakit ang tagal mo?" Tanong ko sakanya.

"Hinanap ko pato eh." Sabi nya sabay angat ng nasa kamay nya, blanket din yun pero fluffy na.

"Ayusin ko lang to." Sabi nya at nag latag na ulit...






The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon