Chapter 18

50 3 0
                                    

ROSE'S POV





"Una na kami ni Jayda ah." Paalam saamin ni Trish nasa loob naman na sila ng kotse nya eh.

"Sige na una na kayo ako na mag hahatid dito kay Rose." Sabi ni James.

"Ay wow sana all may mag hahatid ako kasi wala eh, baka naman." Mapag birong sabi ni Faula. 'Ay beh naka limutan ata nya si Jasmine.

"Hatid kita gusto mo?" Biglang sabi ni Jake kaya naman natawa ako.

"Joke lang eh." Biglang sabi ni Faula sabay talikod tapos punta sa kotse nya pero bago pasya maka pasok sinabi ko na.

"Pahatid kana kawawa ka naman eh." Natatawang sabi ko kaya naman na palingon sya saakin.

"Di ko na kailangan ng taga hatid kaya ko sarili ko, baka strong endifindent women to." Sabi nya tapos tinaas yung braso at pinakita muscle nya. Well meron naman talaga kasi nag ggym naman kami minsan tuwing weekend. Pero sya may sarili na silang gym sa bahay nila so araw araw na syang nag ggym haha.

"Haha sige na pumasok kana 9 na mag ingat ka ah." Sabi ko sakanya sabay kaway. Nakita ko din kumaway sila Jayda sa kanya, di papala sila umaalis.

"Sabay sabay nalang tayong mag drive pariparihas lang naman dadaanan natin eh." Sabi nya.

"Ahhh oo nga, sige na tara na." Aya saakin ni James sabay bukas ng pinto nangkotse nya. Lumapit naman ako at pumasok na, nakita ko din na pumasok nadin sila Ivan sa mga kotse nila kaya naman nag seatbelt na ako.

Pumasok na si James sa kotse at nag seatbelt nadin at inistart na ang kotse nya.

"Guys bibilang ako pag sinabi kong Go." Sabi ni Ivan.

"Go!!!" Biglang sigaw nya na ikinagulat namin dahil bigla nalang sya nag patakbo ng kotse nya ng sabihin nya yun.

"Tsk baliw talaga ayaw linawin ah." Sabay sabay na sabi nila James haha cute nila.

"Guys tara na!" Sabi ni Alex at pinaandar na yung kotse nya kaya naman sumunod na kaming lahat sa kanya.

Nangpaliko na kami may nakita kaming kotse na nakatigil 'haha i think alam ko kung sino to.' Nang makalapit ay tumigil sila James sa pag dadrive at nakita ko yung mukha ni Ivan na naka pout. Eh?

"Nag sabi na akong Go bat di kayo sumunod?" Tanong nya saamin kaya naman na tawa nalang kami sakanya.

"Eh kasi di mo nililinaw." Natatawang sabi ni Josh sa kanya.

"Tsk bahala nga kayo dyan papanget nyo naman." Sabi nya sabay nag paandar na ulit kaya naman sumunod sila James sa kanya.

'Naisip ko lang may saltik din si Ivan no? Kasi kanina kung ano ano pinagsasabi ngayon naman parang bata tsk.'

Naunang humiwalay saamin sila Jayda at Trish dahil iba yung deriksyon ng bahay nila sumunod naman sila Josh and Faula then si Jake at Ivan 'ang pinaka mayaman' then si Jasmine. Ngayon papunta na kami kung saan ako na katira.

Pag karating sa Village namin ay bumukas na agad yung gate papasok 'i think kilala na nila yung kotse ni James. Ay wait bat parang may nakakalimutan ako. Author...'

Author: Yawn* ano? Nagising ako dahil parang may tumawag saakin. Ano bayun pagod ako pakibilisan ah.

'Ahhh wala tatanong kolang sana kung may na kalimutan ako?'

Author: Ahhh you know si Mark... tahimik lang.

Back to the story... tulog na ulit author nyo eh.

"Hey nandito na tayo." Sabi ni James kaya naman napatingin ako sakanya.

"Ahh sige thank you." Nakangiting sabi ko sakanya at tangal nang seatbelt at labas ng kotse nya. Well di ko pa nasasara yung pinto.

"Gusto mo uminom muna?" Tanong ko sakanya.

"Ahhh sige." Sabi nya sabay baba nadin ng kotse.

Nauna na ako sa gate namin at binuksan yun then nag lakad na papunta sa pinto at pumasok. Pag kapasok ko ay nagulat ako kasi bukas pa ang ilaw. 'Di paba sila tulog?'

"Rose buti at nandito kana kanina kapa namin inaantay, halika dito at kumain ka muna." Aya saakin ni mama.

"Ahh hindi na po ma kumain napo ako dun sa bahay nung..." di ko alam anong sasabihin ko nang biglang may naramdaman akong may pumasok sa pinto namin.

"Good evening po." Awkward na ngiting bati ni James.

"Oh good evening din iho, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ni mama kay James.

"Ahh ako po pala si James... boyfriend ng anak nyo..." Awkward...

"Boyfriend ng anak ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama. 'Omg patay ako char haha.

"Opo ma eh." Sabi ko habang nakayuko.

"Ha?! Bat di mo naman sinabi saakin na may nanliligaw na sayo? Hay nako ka anak dalaga ka na nga omg!" Natutuwa na medyo may pag tatampo na sabi ni mama. 'Well ang gusto kasi talaga nya pag may nanliligaw saakin ay papakilala ko muna sakanila.

"Sorry ma biglaan eh." Napapakamot ulong pagsisinungaling ko. Pero atleast hindi sya na galit ah.

"Oh bat may naririnig kaming sumisigaw dun?" Takang tanong ni papa na kakalabas lang ng kusina at kasunod nya si kuya. Shit patay sana okay lang kay papa na may boyfriend ako. I mean okay lang naman talaga basta pinakilala pero di ko pinakilala eh, ngayon lang haha...

The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon