ROSE'S POV
"Aray ko." Sabi ko habang dinikit ni kuya yung ice pack saakin.
"Wow oa di naman masakit to." Sabi nya saakin kaya naman tinignan ko sya ng masama.
"Ikaw kaya lagyan ko nito tapos idikit ko ng malakas sayo yan." Sabi ko sakanya sabay turo dun sa ice pack.
"Tsk manahimik ka na lang." Sabi ni kuya. "Hawakan mo to, di yung may taga hawak ka." Sabi nya sabay hawak ng kamay ko then pinahawak yun dun sa ice pack. Syempre hinawakan ko pag yun nahulog ako lang din yung lalamigin.
"Uy kuya anong pinagusapan nyo ni James kanina?" Tanong ko sakanya kaya naman na patingin sya saakin.
"Bakit?" Tanong nya.
"Wala lang, baka ano na kasi pinag usapan nyo eh." Sabi ko sakanya.
"Wala ka na dun." Sabi nya saakin at lumapit dun sa table nya para kunin yung phone nya, at ako naman tumayo kaya na patingin ulit sya saakin.
"Umupo ka nga at hawakan mo ng maayos yang ice pack." Nakakunot ang nuong sabi nya saakin.
Umiling lang ako at walang sinabi.
"Hayst ano ba gusto mong malaman?" Tanong ni kuya saakin.
"Wala, basta gusto kong malaman kung anong pinag usapan nyo kanina." Sabi ko.
"Haha bata, sige na umupo kana dyan." Sabi nya saakin kaya umupo na ako. Tapos sya lumapit saakin at iniwan yung phone nya then tumabi saakin.
"Tinanong ko lang sya kung seryoso talaga sya sayo." Panimula nya. 'Ano kayang sinabi nun? Hindi rin naman kasi kami totoong couple eh. Sana nakaisip sya ng maayos na palusot at kapanipaniwala.'
"Oh anong sagot?" Tanong ko kay kuya.
"Sabi nya mahal na mahal ka daw nya at hindi kayang lukohin. Atsaka habang sinasabi nya yung mga salitang yun yung mata nya parang inlove na inlove kaya pinabayaan ko nalang." Kwento nya saakin habang nakatingin saakin. 'Wait bat parang kinilig ako?'
"Huh pinabayaan mo nalang? Eh bat ang tagal nyo?" Tanong ko sakanya kaya naman napakamot sya ng ulo nya.
"Umm pinag usapan din kasi namin si Lea." Medyo paiwas na tinging sabi nya saakin at tumingin sa sahig.
"Kuya pwede mag tanong?" Tanong ko ulit.
"Sige lang." Sabi nya, nakatingin padin sa sahig.
"Ano mo yung Lea?" Tanong ko kahit may idea naman na talaga ako.
"Naging gf ko..." Sagot nya habang nakatingin padin sa sahig at malungot ang mga mata.
"Bat kayo nag hiwalay?" Tanong ko ulit at bumuntong hininga naman sya at tumingin saakin.
"I cheated." Sabi nya habang walang emosyon ang mukha. Pero kung makikita mo ang mata ni kuya sobrang dami nun.
"Bakit?" Tanong ko ulit nakikipagtitigan na ako sakanya.
"Hayst next time nalang natin pag usapan yan. Pumunta kana sa kwarto mo at matulog maaga pa bukas." Sabi saakin ni kuya at tumayo, tumayo nadin ako dahil ayaw ko naman pilitin si kuya na ikwento saakin lahat.
"Oh." Pag aabot ko ng ice pack sakanya.
"Dalhin mo na yan." Sabi nya saakin sabay hila saakin papuntang pinto at tulak.
"Goodnight." Sabi nya sabay sara ng pinto.
"Ay wow." Nasabi ko nalang at pumunta na sa kwarto ko.
Nag hilamos muna ako ng mukha ko at nag toothbrush bago matulog. Well humiga lang pala sa kama kasi di naman ako agad agad nakakatulog.
Kinuha ko yung phone ko at nag bukas ang messenger, at nakita kong nag chat si James saakin. Nakaoff na ata sya pero binuksan ko padin yung message nya.
From: James
-Sorry di na ako nakapag paalam nung umalis ako.
-Btw see you tomorrow.
-Good night din pala and have a sweet dream.
-James unsent a messageFrom: You
-Hi sorry ngayon lang nakapag online
-Okay lang yun
-See you tomorrow din and good night...
-Have a sweet dreams
-I love you. --You unsent a messageThen binaba ko na yung phone ko.
"Haha omg nakaoff naman sya diba? di nya yun makikita... sana lang talaga." Sabi ko ang lakas ng tibok ng puso ko haha. Kalokohan ko...
"Buzzzzz*" Biglang tunong ng phone ko... shit...
"Buzzzz*" Tunog ulit at tinignan ko yung name nung tumatawag at si James yun....
"Omg." Nasabi ko na lang at tumunog ulit yung phone ko at akmang sasagutin ko na ng mawala yun at may pumasok na message saakin.
From: James
-Nakita ko yun
'Omg nakita nya kaya talaga?!?' Tanong ko sa utak ko at nag chat.
From: You
-Yung ano?
Kunwari walang alam...
From: James
-James send a voice message
-pakingan mo good nightKinabahan naman ako at binuksan ko yung voice message nya.
"Hi nakita ko yun... Btw i love you too... goodnight..." Sabi nya sa voice message. As in...
"OMMMMGGGGGGG-----!!!!!." Sigaw ko at tinakpan ang bibig ko.
'Omg behhhhhhh!!!!'
'Whaaaaaaa!!!!'
Sigaw ko sa utak ko at nag pa gulong gulong sa kama. Omg hahaha kung wala lang tao dito nag sisigaw na ako hahaha.
Nang maayos na ako pero kinikilig padin syempre. Tinignan ko ulit yung phone ko at inunsent nya nayun. Awww sayang.
From: James
-Mukhang napakingan mo naman na eh
Nag seen nalang ako at di na nag reply.
Beh mamamatay na ako haha. Pero mas mamamatay ako bukas.....
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Teen FictionWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...