Chapter 34

21 3 0
                                    

ROSE'S POV






Tinapos lang namin yung sunset ni James at umuwe na. Ngayon nandito ako sa kotse nya at hangang ngayon din ang awkward.

'Huhu bat ba kasi ako umamin eh, wala yun sa script ko!'

...

'Di naman siguro nag jojoke si James kanina diba? Pero what if.. what if nag bibiro lang talaga sya tapos umamin ako, tapos di nya naman pala talaga ako gusto?'

...

'Pero pano kung gusto talaga nya ako?'

'Eh kung gusto nya ako, bakit ang awkward na?'

'What if nahihiya lang sya?'

'Eh pano nga kung nagulat sya sa sinabi ko dahil joke nga lang talaga nya yun!!!'

'Wahhhh!!! Ayaw ko na mabuhay, gusto konalang mawala!'

(Author: Mga overthinker be like HAHAHA.)




Makalipas ang trial ko sa impyerno...


"Umm baba na ako ah." Sabi ko at akmang bababa na ng mapansin kong nakalock nanaman tong pinto kaya naman tumingin ako kay James.

"Lets date." Biglang sabi nya na nag pa nganga saakin.

"I mean real date, let me court you." Dagdag pa nya at ako naman tong hindi makapag salita.

"Rose." Tawag nya saakin. "Mag salita ka naman." Sabi nya sabay pout. Eh?

"A-- ano." Ang nasabi ko lang, hindi ko alam sasabihin ko.

"Hayst." Buntong hininga nya at binalik sa daan ang tingin.

"Umm sige." Sabi ko kaya naman napatingin sya saakin at ngumiti ng pilit.

"No, it's okay kung ayaw mo." Sabi nya na ikinagulat ko.

"Huh? Bat mo naman naisip yan?" Gulat na tanong ko.

"Haha okay lang talaga kung ayaw mo, di naman kita pinipilit eh." Sabi nya pa kaya mas lalong lumaki yung mata ko.

"Hindi ah, totoong gusto kita, and gusto ko ding makipag date sayo." Sabi ko na mas lalong ikinahiya ko. Worst day of my life!!!

"Sige, pero kung mag bago isip mo. Okay lang naman na wag na." Nakangiting sabi ni James at mukhang di na pilit.

"Di na mag babago isip ko wag kang mag alala." Nakangiting sabi ko para gumaan ang loob nya at mukhang gumaan nga kasi mas lumaki yung ngiti nya.

"Sige, wait pag buksan kita ng pinto." Sabi nya at lumabas na at binuksan yung pintuan ng kotse nya para makalabas ako.

"After graduation mag date tayo, friday. Okay lang ba sayo?" Tanong nya at tumungo lang ako.

"Sige na, pasok na ako ah." Sabi ko at kumaway sakanya. Inantay nya muna akong makapasok ng bahay ko bago sya umalis.

Author: Ayieeee ngingiti nayan.

'Wag ka epal author bye.' Nakangiting sabi ni Rose habang namumula.

'Hoy bat ganon?!'

Author: HAHAHAHAHA.

nakangiti akong pumasok ng bahay at nakita ko sila mama na nag hahanda ng pagkain. 7 pm na pala.

"Oh anak, kamusta date nyo ni James?" Nakangiting tanong ni mama.

"Ayos naman po." Nakangiting sabi ko at lumapit para mag mano, tinignan ko din yung niluto nya. 'Gusto kong kumain huhu, kanina busog ako pero ngayong nakita ko na yung hinahanda ni mama parang nagutom ulit ako haha.'

"Buti naman, kumain kana ba?" Tanong ni mama saakin at umiling ako haha. Tinignan nya ako ng matalim kaya naman natawa ako.

"Sabihin mo nalang na kumain kana, nagugutom ka nga lang ulit." Biglang singit ni kuya sa likod at tumawa naman si pala at mama.

"Bat ba?" Nakasimangot na sabi ko at umopo na sa upuan.

"Tara na kumain na tayo at baka lumamig ang pag kain." Sabi ni mama at nagsiupo naman sila Kuya.

"Sabi ni James madami kadaw nakain kanina ah." Natatawang sabi ni Kuya ng makaupo sya.

"Di masyadong madami yun, pero sapat na para mabusog ako. Atsaka busog naman na talaga ako eh, nagutom lang nung makita ko luto ni mama hehe." Sabi ko at tumawa naman ng kaunti si mama.

"Sige na at kumain na kayo." Sabi ni mama kaya't nag simula nakaming kumain habang nag kekwentuhan.

~~~

Nang matapos na kaming kumain ay nag hugas muna kami ni mama ng mga pinagkainan namin.

"Kamusta yung date nyo?" Biglang tanong ni mama saakin.

"Okay lang naman po." Sabi ko at di na sya tinignan.

"Haha di mo ako maloloko Rose." Sabi ni mama kaya naman napatingin ako bigla sakanya.

"Huh?" Takang tanong ko...

'Imposible namang malaman nya yun diba?'

"Anak kita at alam ko kung nag sisinungaling ka ba o hindi." Sabi nya na mas lalong ikinakaba ko kaya tumingin ako sa mga kamay ko.

"Alam kong di totoo yung relationship nyo ni James,  pero alam ko din na totoo na ang feelings nyo sa isa't-isa." Nakangiting sabi nya kaya naman napatingin ulit ako sakanya.

"Po?" Ang nasabi ko nalang.

"Haha sabihin mo na kasi saakin yung totoong nangyari sa date nyo." Sabi ni mama na ikinapula ko kasi naalala ko yung nangyari.

"Ano po." Panimula ko at napakamot sa ulo, may sabon pala kamay ko nakalimutan ko.

"Ano? Umamin naba sya?" Nanunuksong tanong ni mama at tumungo naman ako ng paonti onti.

"Ayieeee dalaga na nga ang anak ko." Medyo malakas na sigaw nya at nakangiti.

"Ano ba ma." Nahihiyang sabi ko.

"Haha basta ako, kahit anong mangyari. Boto ako kay James." Nakangiting sabi nya kaya naman napangiti din ako.

"Sabi mo yan ma ah." Nakangting sabi ko sakanya at nginitian nya naman ako.

"Basta kung sino ang gusto mo, dun ako. Ay sya tapusin nanatin to, baka bukas pa tayo matapos." Sabi ni mama naikinatawa ko...





The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon