JAMES'S POV
Kakagaling ko lang sa office at ngayon ay naka upo sa upuan habang bored na nakikinig kay Miss Ramos.
"Okay Class Dismiss" Sabi ni Miss Ramos at lumabas na ng room. Nag tayuan na din ang mga kaklase ko at ng tatayo na sana ako ay may biglang humawak sa balikat ko at pinaupo ulit ako.
"James mag uusap tayo" mautoridad na sabi ni Alex habang nakatingin sa mga mata ko, pero tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Tungkol saan?" Kunwaring walang alam kong tanong.
"Hayst" buntong hininga nya "Alam ko na, alam mo kung tungkol saan yung tinutukoy ko James." Mahinahon na sabi nya pero mukhang nagpipigil na ng galit haha.
'Minsan sarap pag tripan nito eh'.
"Kala ko ba titigil kana sa pakikipag away ha?" Medyo na iinis na dagdag nya.
"Okay fine, mag eexplain ako" sabi ko at nag simulang mag explain sa kanila kung bakit ko sinugod yung kyzer nayun.
"Owwwsss" patungo tungong sabi ni Jake. "So pinsan mo pala yung Lea, kala ko may girlfriend kana ng di sinasabi saamin eh haha" dugtong nya pa at sumang-ayon naman yung iba at tumawa. Nakitawa nalang din ako kasi wala talaga silang alam kung anong nangyayari kanina.
"So kanina sa office anong nangyari?" Tanong ni Ivan saakin.
"Hayst" buntong hininga ko "pinapabuod lahat ng nang yari sa buong mundo simula year 1500 hangang ngayong 2029." Naiiyak na sabi ko, kasi naman, di naman ako nakikinig ng maayos sa mga ganyan eh. Pag tapos na ang lesson ay kinakalimutan ko na agad.
Nag tawanan naman sila at sabing "Good luck" habang naka ngisi at iniinis ako. 'Hayst kaibigan ko ba talaga tong mga to?'
"Hangang kailan deadline nyan?" Tanong ni Alex habang natatawa.
"Binigyan naman ako ni miss Mendoza ng 1 month, pero pag hindi ko daw natapos yun ay di daw ako makakagraduate." Paliwanag ko na medyo nanlumo sa huli kong sinabi, second semester na kaya at 2 months nalang makakagraduate na kami.
"Haha good luck talaga tol. Saan kaba gagawa at kailan ka mag sisimula?" Tanong Josh.
"Umm sabi ni Miss Mendoza sa library nalang daw ako kumuha ng libro, lahat naman daw ng kailangan ko nandun na eh." Sabi ko "Mamaya nalang ako mag sisimula, pwede namang iuwe yun." dagdag ko pa, pwede naman talagang iuwe yun eh basta ibabalik mo lang haha. ewan ko kung pwede yun sa ibang school, basta saamin pwede.
"Sige na, tama na daldalan. Susunduin kopa kapatid ko eh, una na ako ha?" Paalam saamin ni Alex.
"Sige tol bye" sabay sabay na sabi namin at tumakbo na sya. Nag simula na din kami mag kwentuhan at tinanong ko kung anong nangyari nung napunta ako sa office. Sabi nila pinapunta daw ng clinic si Kyzer at punauwe na kaya di ko na makita. Well wala naman akong pake sa kanya eh, wag na wag lang talaga nyang lalapitan pinsan ko at sasaktan, dahil ako talaga makakalaban nya.
Masyado akong protective pag dating sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil ako ang panganay. Isa sa mga close kong pinsan si Lea, sobrang kulit nya. Tinuturing ko nading kapatid, kaya nung makita ko syang umiiyak dahil sa mokong nayun. di ko mapigilan sarili ko at nasapak ko. Atsaka kasalanan din naman nya eh, una palang sinabihan kona sya na wag na wag ang pinsan ko. Pero anong ginawa nya? Nilapitan nya padin at sinaktan.
Nandito kami ngayon sa canteen, nag aya kasi si Ivan. Sabi ko sa bahay nalang kumain pero sabi nya dito nalang daw. 'Hayst gastos talaga ng lalaking to'.
"Kumuha na kayo ng gusto nyo, libre ko na kayo" sabi ni ivan kaya naman kumuha na kami ng chichirya, yung malaki tag iisa.
"Ano okay nayan sa inyo?" Tanong ni Ivan saamin.
"Oo okay nato, baka maubusan kapa ng pera" naka ngising sabi ko at tumawa, tinaasan naman nya ako ng kilay.
"Excuse me? Ako? Mawawalan ng pera? Baka hampas ko sayo laman ng wallet ko." Sabi nya saakin at nag tawanan kami. Alam ko naman na nag bibiro lang sya, pero diko maitatanggi na sya ang pinaka mayaman saaming lahat.
Binayaran na nya ang mga binili namin at umupo muna sa isang table na malapit, dahil nag order din sya ng rice para sakanya. Nag kwentuhan kami saglit at dumating na ang order nya. Kinuha nadin namin yung isang chichirya na malaki at binuksan para may makain naman kami habang kausap sya.
Nakakatamad pa kasing umuwe eh, kaya inantay nalang namin sya matapos. Sabi din nila sasama sila saakin mamaya sa library dahil may kukunin din sila.
Pagkatapos nyang kumain ay dumiretso na agad kami sa library...
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Teen FictionWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...