Chapter 10

43 3 0
                                    

ROSE'S POV




Nandito ako naglalakad sa hallway ng school papunta dun sa classroom ko, at ang daming nag titinginan saakin o saamin hayst tsk. Bakit ba kasi sumabay pa saakin si kuya eh.

"Oh anyare sayo bat naka kunot noo mo?" Tanong ni kuya.

"Haha" pekeng tawa ko sakanya. "Parang di mo naman alam dahilan eh noh?" Sarkastikong tanong ko sakanya at bahagya syang natawa. Sa totoo mag kaiba talaga yung building namin pero ewan ko ba dito bat to sumunod saakin. Btw mag ka year lang pala kami ni kuya, oo mas matanda sya ng isang taon saakin pero nung mag uumpisa na syang mag aral napag desesyonan nila mama na pag sabayin nalang kami.

"Bakit ayaw mo bang kasabay ang gwapo mong kuya?" Natatawa habang naka smirk na sabi nya, eh bat ang lakas naman ng hangin dito tinatangay na buhok ko.

"Uy kuya tigil tigilan mo na nga yan kaya laging nag kaka typhoon sa pilipinas eh, dahil sayo." Sabi ko with serious face para dama nya, pero tinawanan lang ako ng magaling kong kuya, galing palakpakan.

"Haha sige na bunso hahatid lang kita sa classroom mo then aalis na ako." Sabi nya.

"Bat hangang sa classroom pa eh pwede naman sa tapat lang ng building ah." Sabi ko tapos sa di ko alam na dahilan bigla syang sumeryoso. Okay sumunod kanalang Rose.  Nag lakad nalang ako at ng makarating sa tapat ng classroom ko ay huminto kami.

"Hayst" Buntong hininga nya. "Boyfriend mo ba talaga yun?" Biglang tanong nya at taka naman akong napatingin sakanya, 'ha? Ahhh'

"Umm... opo?" Bat parang patanong sagot ko?

"Hay nako bat sa dami dami ng lalaki si James pa nagustuhan mo tsk." Parang problemadong bulong nya pero medyo malakas at biglang umalis. Eh???
Pinag masdan ko lang sya umalis at nang makaalis na sya ay papasok na sana ako at tumalikod ng biglang...

"AAAHHH!" Napasigaw ako kasi bat ba namang. Hay nako tsk.

"Haha kape pa." Natatawang sabi ni Faula.

"Anong kape kadyan? Lahat naman talaga magugulat kung pag talikod mo may multo na sa harap mo." Pangaasar ko sakanya at nag tawanan naman yung iba pati narin yung ibang nakarinig.

"Ay wow grabe ka naman." Naka pout na sabi nya saakin haha. "Di kita kakausapin tignan mo." Dagdag nya pa ay na offend talaga sya?

"Uy joke lang yun ano kaba." Nagugulat na ewan na sabi ko, pero di nya padin ako pinansin shit. "Uy sorry na." Sabi ko.

"Sige papatawarin kita pero need mo mag explain tungkol dun sa sinabi ng kuya mo na may boyfriend kana at hindi lang yun si James pa ah." Nakangising sabi nya, ay chismis pala ang need.

"Di ba kayo mabubuhay ng walang chismis?" Tanong ko habang naka ngawi.

"Yes naman beshie, kung merong food is life kami naman ay chismis is life char haha." Natatawang sabi ni Trish at nag tawanan na sila. Hay nako haha.

"Chismis is the key kasi haha." Dagdag ni Jayda at tumawa lang naman si Jasmine.

"Oh tama na tama na, mag kekwento ako mamaya pag lunch break na natin. 11:45 na din mag sisimula na klase baka pag nag simula akong mag kwento mabitin lang kayo haha." Sabi ko nalang at umupo nasa upuan ko. mag kakatabi kami nila Jayda at Faula then nasa likod naman namin si Trisha at Jasmine.

Nag antay lang kami saglit at nang pumasok na si sir ay nakinig na agad kami. Pag katapos ng dalawang subject ay lunch break na at pumunta na kami ng canteen.

"Teh dito tayo upo." Turo ni Jayda dun sa table na merong walong table.

"Hoy teh trip mo walo yan di yan lima" Panimula ni Faula. "Malabo naba mata mo? Need mo na ba mag pa check up? Okay kalang ba? May nang yari ba sayo? Nasobrahan kanaba sa stres---

"Hep hep hep!!" Patigil ko sakanya. Okay lang naman na ganyan sya eh pero di ngayon medyo masakit ulo ko, ganto ako lagi minsan pag alis sa isang lugar, ewan ko kung bakit.

"Umupo nalang tayo mukhang masakit din ulo ni Rose pati ako masakit din eh." Sabi ni Trisha at umupo mukhang masakit nga din ang ulo nya. Umupo nalang din ako at sumunod naman yung dalawa.

"Sino kukuha ng order?" Tanong ni Jayda ng makaupo na sila nila Faula at Jasmine, mukhang gutom na ang isang to ah.

"Ako nala---" naputol ang sasabihin ni Faula nang biglang may umupo dun sa isang upuan.

"Hi ako pala si Jake, pwedeng makiupo kami ng mga kaibigan ko wala na kasi kaming uupuan eh." Sabi nya at may biglang bumatok sa kanya. Eh? Tumingin naman ako sa paligid at 'ang dami pa namang pwesto ah.

"Sira ka." Sabi nung bumatok sa kanya at tumingin saamin. "Hi ako pala si Alex pwede kaming maki upo madami pa naman kayong upuan dito eh." Sabi nya at napatingin ako sa likod nya ng may lumapit pang mga lalaki. Shit lumaki ata mata ko ah.

"Hi Rose sorry lalakas ng tama ng mga kaibigan ko eh lipat nalang kami." Sabi ni James, Oo si James kaya pala parang pamilyar saakin yung Jake.

"Pwede naman kayong makiupo dito eh." Biglang sabi ni Trish, ay bat parang kinikilig?

"Ahh oo pwede naman ilan ba kayo?" Tanong ko.

"Lima kami." Sagot ni James.

"Eh pano yan tatlo lang upuan dito eh." Me.

"Edi kumuha ng dalawa. Easy." Sabi ni Ace at biglang kumuha ng bangko dun sa kalapit na table, pati si Jake at kumuha din ng sakanya habang natatawa kay Ace...

The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon