ROSE'S POV
Fast forward*
Lumipas ang mga araw at nakagraduate na din kami sa wakas. Kumain lang kami sa labas ng pamilya ko para mag celebrate dahil nga collage na kami ni kuya. At nalaman ko din pala na nalaman na din ni kuya na di totoo yung relationship namin ni James at sya din pala ang nag sabi nung nakaraan kay James na umamin na, dahil kung hindi ay erereto daw nya ako dun sa kaibigan nya. 'As if namang gagawin nya yun eh ayaw nya nga akong nag kakaroon ng manliligaw.'
Friday na ngayon and katulad ng pinagkasunduan namin ni James ay mag dadate kami. Lagi din pala syang nag chachat saakin at nag papadala ng kung ano ano sa bahay, or kung minsan sya pa ang pumupunta sa bahay. Well lagi pala syang pumupunta dito at nanliligaw. Lagi din nya akong nilalabas sa date, di sana ako papayag kaso nandito sila mama at kakontsaba nya, parang araw araw tuloy naalis kami, at parang araw araw din first date namin.
"Rose ang bagal mo!" Sigaw ni kuya saakin sa baba, 'bat ba nag mamadali to? Sya ba may date?'
"Wait lang!" Sigaw ko pabalik at tinignan muna ako mukha sa salamin kung okay na ba at bumaba na.
"Bat kaba nag mamadali?" Nakabusangot kong bungad kay kuya.
"Ang tagal mo kaya." Natatawang sabi nya. "Pinapasok ko nadin pala si James." Dagdag nya pa kaya naman napatingin ako sa sofa namin at nakitang nakaupo dun si James at kaharap nya mga magulang ko.
"Umm hi?" Sabi ko at inayos ang mukha ko.
"Haha hello." Balik na bati saakin ni James.
"Sige na, baka malate pa kayo sa date nyo." Nakangiting sabi ni mama kaya naman nag paalam na kaming dalawa at umalis na...
~~~~
"Saan mo nanaman ako dadalhin?" Tanong ko kay James na ikinatawa nya.
'Kung saan saan ba naman ako dinadala, kulang nalang dalhin ako sa ibang bansa eh'
"Gusto mo? Pwede naman diretsyo na tayo airport." Sabi nya, 'sautak ko lang naman yun sinabi ah?'
"Hindi." Sabi ko nalang at nag tanong ulit. "So saan mo nga ako dadalhin?" Tanong ko.
"Just wait and see." Nakangiting sabi nya at sumulyap pa saakin.
"Ilang oras byahe natin?" Tanong ko ulit.
"Umm siguro mga 3 hours din." Nagiisip na sabi nya pero di pa sure.
"Nag pa reserve kaba?" Tanong ko.
"Oo, lagi naman ako nag papareserve eh." Natatawang sabi nya.
"Ilang oras tayo dun?" Tanong ko ulit.
"Kung hangang ilang oras gusto mo, pwede din namang whole day na tayo dun haha." Pagbibiro nya at tumawa pa, nawalan tuloy sya ng mata.
"Huy mag drive ka nga ng maayos." Sabi ko na mas lalo nyang ikinatawa. 'Talaga naman.'
"Bahala ka nga dyan." Sabi ko at sumandal nalang sa bintana.
"Basta mga 7 uuwe na tayo." Sabi nya at nag oum nalang ako na nag sasabing okay. At nagulat nalang ako ng biglang huminto yung sasakyan namin.
"Anong nangyari?" Tanong ko at tumingin sakanya, at sya naman nakatingin lang sa daan.
"Nag tatampo kaba?" Tanong nya bigla.
"Ha?" Takang tanong ko. 'Problema nya?'
"Sorry." Sabi nya tapos tumingin saakin na parang nag mamakaawa.
"Huh???" Nalilito na ako sa kanya.
Author: Nahihilo~~~ Nalilito~~~
"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko sakanya.
"Eh nag tatampo ka eh." Sabi nya kaya naman napangawi ako.
"At sinong nag sabi sayo nyan?" Medyo may pag ka masungit na tanong ko sakanya.
"Wala..." Sabi nya habang nakasimangot.
"Tsk haha, mag drive ka na nga." Sabi ko sakanya, pasalamat sya wala masyadong sasakyan dito sa dinadaanan namin. Bumalik nalang ako sa pag kakasandal ko sa bintana at sya naman nag drive na.
~~~
Makalipas ang ilang oras
"Ay salamat na tapos din." Sabi ko sabay baba, nakalimutan atang ilock ni James yung pinto haha.
"Bat bumaba ka agad?" Tanong nya ng makababa na.
"Di mo nilock eh haha." Natatawang sabi ko at tinignan ang paligid. Maraming building dito at mukhang mamahalin ang lugar nato. Siguro kung nag pants at t-shirt ako ngayon mag mumukha akong manlilimos, buti nalang nag dress ulit ako.
"Ano ayos ba?" Tanong ni James saakin kaya naman napalingon ako sakanya.
"Oo." Sabi ko nalang, 'Lahat naman ata ng napuntahan namin walang di maganda.'
"Tara na." Aya nya saakin kaya naman nag lakad na ako.
"Uy wait." Tawag nya saakin kaya naman napalingon ako sakanya.
"Bakit?" Tanong ko nang makalapit na sya.
"Ano.." Sabi nya at ginalaw ang braso nya. Nag taka pa ako ng una pero nagets ko din agad at hinawakan yun.
"Tara na." Sabi ko at nag simula na kaming mag lakad. Kahit di ko pa alam kung saan kami pupunta, i think alam ko na. Ang laki ba naman ng entrance dito, parang nag lalakad kana sa red carpet.
Hindi lang kami ang nakikita kong taong nag lalakad dito papunta dun sa entrance, kundi ang dami din at mga mukha silang mayayaman.
'Grabe, walang wala itsura at pananamit ko sakanila ah.'
Author: Next chapter na...
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Teen FictionWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...