JAMES'S POV
Tinitignan lang namin ang tanawin dito at hindi nag uusap, dahil wala din naman akong matopic. Inaantay namin yung pagkain, di ko nga alam kung dadating pa. Nag pa reserve na ako dito nung friday pa kahit di ko pa alam kung papayag ba si Rose o hindi. Kaya nga nag tataka ako kung bakit parang di pa sila handa at naiinis ako dun, dahil nung nakaraan pa ako nag pa reserve pero di man lang nila hinanda ng maayos.
Bumuntong hininga nalang ako, at bigla ko namang na ramdaman ang pag tingin saakin ni Rose kaya napa tingin na din ako sakanya.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang... btw okay lang yan di pa naman ako masyadong nagugutom eh." Sabi nya sabay ngiti at tingin sa tanawin namin. Tinignan ko lang sya at biglang may naalala ako, di ko papapala nasasabi yung dapat kong sabihin.
'Hayst paano ko ba sasabihin yun?'
"Hayst." Buntong hininga ko at tingin sa langit.
'Lord good luck saakin.' Napapapikit na sabi ko.
"Umm Rose." Panimula ko, kaya naman napatingin sya saakin.
"Ano yun?" Tanong nya.
"Ano kasi eh." Napapakamot ulo kong sabi. Putek di ko talaga alam pano ko sasabihin, natataranta ako.
Ginilid naman ni Rose yung ulo nya na nag tatanong ng 'ano yun?' At ipag patuloy ko yung sinasabi ko.
"Umm i lik--" Masasabi ko na sana ng BIGLANG BUMUKAS YUNG PINTO!! ANO BA WRONG TIMING NAMAN EH!
"Good evening sir and ma'am, ito na po yung food nyo." Nakangiting sabi nung nag hatid ng food.
"Ako ba kukuha or ikaw na?" Tanong ni Rose.
"Ak--" Pinutol ni Rose.
"Ako nalang pala hehe." Sabi nya kaya naman tumungo nalang ako, at pinabayaan syang kunin yung food.
"Hayst malas." Sabi ko nalang...
"Wait, mabigat pala yung pagkain since madami din yun. Ano bayan." Napapabuntong hininga kong sabi sabay tayo para tulungan sila. Pero nung nakatayo na ako at nakatalingon na ay papalapit na pala sila saakin.
"Ang bilis naman nila." Sabi ko, sabay lapit para salubungin nalang sila.
"Sir saan po ito ilalagay?" Tanong nung nag seserve.
"Ikaw Rose? Saan mo gusto ilagay yan?" Tanong ko kay Rose.
"Umm ikaw bahala..." Sabi nya, kaya naman napalamot nalang ulit ako ng ulo. Di ko din alam kung saan ilalagay eh.
"Umm siguro dun nalang din malapit sa dagat, tapos paiwan nalang muna nyang lalagyanan at pwede po bang pakidalhan kami dito ng table?" Sabi ko dun sa server.
"Opo naman sir, wait lang po." Nakangiti nitong tugon at akmang itutulak nanaman yung nilalagyan ng mga pagkain pero pinigilan ko sya.
"Ako nalang po mag dadala dun, pakidala nalang po ng table." Nakangiti kong sabi dito, mukha din kasing mabigat yung dala nya.
"Umm sige po... alis napo muna ako ah." Sabi nya at tinunguan ko nalang sya na nag sasabing sige.
Nang makaalis na sya ay tinulak ko na yung lalagyanan ng mga pagkain sa pwesto namin.
"Kain kana." Sabi ko kay Rose kasi mukhang kanina pa sya gutom haha.
"Mamaya na, antayin muna natin si kuya." Sabi nya kaya naman tumungo nalang ako at umupo ulit.
"Btw ano pala yung sinasabi mo kanina?" Tanong nya nung makaupo na din sya.
'Haha patay, pano ko ba sasabihin yun.'
"Umm.... wala eh, nakalimutan ko na." Sabi ko, hayst torpe.
"Ahhh, pag naalala mo sabihin mo saakin." Nakangiting sabi ni Rose at binaling nalang ulit nya ang atensyon nya dun sa tanawin...
'Ano ba naman yan, pag kakataon ko na eh. Bat di ko pa kasi sinabi tsk. Tanga mo James ang torpe mo.' Sabi ko sa utak ko.
Author: Okay lang yan, chair up.
'Hay nako author, di ko kailangan ng tulong mo.'
Author: Edi hindi, bahala ka dyan. Bye!
Pag kalipas ng ilang minuto ay dumating na yung table na hinihingi ko.
"Thank you po kuya, bye." Pasasalamat ko dun sa server.
"Sige po sir, ma'am alis napo ako ah. Have a great day po." Nakangiti nitong sabi saamin.
"Sige po, bye po." Sabi ni Rose at umalis na si kuya, kaya kami nalang ulit natitira dito.
"Lagay ko lang yung food sa table." Sabi ni Rose.
"Sige, tulungan na kita." Sabi ko at nilagay na namin yung pagkain dun sa table. Nang na lagay na namin lahat ng pag kain ay umupo na ulit kami.
"Kain kana." Sabi ko kay Rose.
"Sige." Sabi nya, alam ko naman na nagugutom na sya. Kanina pa. Nag simula na syang kumain kaya naman kumain na din ako...
~~~
Tapos na kaming kumain at bored na kami...
"Wahh boring." Biglang sabi ni Rose sabay takip sa bibig haha.
"Boring ba? Gusto mo mag laro?" Tanong ko, kaya naman mukhang ginanahan sya.
"G na g ako dyan, anong laro ba?" Tanong nya.
"Umm ano ba gusto mo?" Tanong ko sakanya kaya naman nag isip sya.
"Gusto mo truth or dare nalang tayo?" Sabi nya kaya naman nag isip ako saglit.
"Masyadong common, pero alam ko namang di mo pipiliin yung dare eh. At di ko din pipiliin yun, what if Q and A nalang tayo?" Tanong ko kaya naman natawa sya.
"Sige haha." Natatawang sagot nya kaya naman nag start na kaming mag laro.
"Sino mauuna?" Tanong nya.
"Ikaw na, lady's first naman eh." Sabi ko.
"Sige, may nagugustuhan kana ba?" Biglang tanong nya...
BINABASA MO ANG
The Deal Of Love ♥︎{Completed}♥︎
Fiksi RemajaWhat if habang nag lalakad ka may makilala kang isang babae? What if makipag deal sya sayo na mag panggap kayong mag kasintahan? What if inaccept mo yung deal without knowing na kapatid pala sya ng kaaway mo? What if ma inlove ka sakanya? Anong gaga...