Chapter 1
Nasa iisang silid kaming lahat. Nakaupo kami sa mahabang lamesa. Galit na galit na tumingin ang babae sa kaniyang nakatatandang kapatid.
"Why did you do that? Kuya naman! Sinabi ko sayo kaya ko ang sarili ko. You just ruined my wedding. You ruined my plans!" The woman clutched onto her senses.
Habang si Mr. Zack Yvarez ay parang natutuwa pa sa nangyayare. Tumikhim ito at ikinumpas ang mga kamay.
"That's what you get for not listening to me, Jhammaica. Dapat nga ay magpasalamat ka. I just saved your ass. I saved your life my dear sister."
"No, kuya. You did not save me. Mas lalo mo lang akong pinapahamak. Why can't you just trust me even for once? I need to marry him, kuya! Para sa negosyo. Para sa buhay ko. Tapos nag utos ka pa talaga ng mga tao para sirain ang kasal ko! Kayo? P'wede ba? Leave us alone!" Galit itong tumingin sa grupo namin. Lalo na ako. Feel ko ay masasampal niya ako mamaya. Nagkunwari lang naman akong nabuntis ng mapapangasawa niya.
Sumama ang timpla ng mukha ni Mr. Yvarez. "Huwag mo silang idamay dahil sumusunod lang sila sa akin. Saka bakit mo ba siya pakakasalan kung hindi mo siya mahal? He's not good for you, Jhammaica. I'm doing this for you!"
"No. You're doing this for yourself. I love him at mahal niya rin ako. Don't ruin my plans, kuya. Please, I beg you."
Bakit ba hindi nalang siya makinig kay Mr. Yvarez? I don't have any idea about their family's affair. But I do understand where's Mr. Yvarez coming from. He just want to protect her. Pero kung mahal naman pala nila ang isa't isa bakit hindi nalang sila hayaan? What's the point of stopping the wedding when they will still look for each other. Hindi man sila ikasal, hindi parin mawawala ang pag mamahal. Alam kong hindi ganoon kadali mawala ang pagmamahal sa isang tao. Mahirap ng hukayin ang punyal na matagal ng itinanim.
Bakit galit si Mr. Yvarez kay Hyde? Hindi ko maintindihan. Dahil sa pagkakaalam ko, si Hyde ang pinakamabuting taong nakilala ko. He can't be dangerous, I knew him. I knew the man I loved. And if he will be happy with Ms. Jhammaica, I will be happy for him.
"Makinig ka nalang sa akin. Balang araw maiintindihan mo rin ako," tumayo si Mr. Yvarez at muling tumingin sa kapatid.
"Kuya! This is my life. I will choose my own path. You can't just control my life," tumayo na rin si Ms. Jhammaica at sumunod sa kapatid. "You're not helping me. You're killing me, kuya. Bakit ba lagi mo nalang ako pinangungunahan? Wala na ba akong karapatang magdisisyon para sa sarili ko?"
Iniwas ni Mr. Yvarez ang tingin sa kapatid. Napapikit ito ng mariin.
"I can't lose you," aniya sa mahinang boses.
"I promise to myself that I will protect you until I die. Mamatay muna ako bago ka nila makuha sa akin. I can't bear losing you, Jhammaica. Ikaw nalang ang mayroon ako. And will do everything to protect you. Kung kailangan kitang ikulong gagawin ko."
Sinubukang lumapit ni Ms. Jhammaica sa kaniyang kapatid. Humihikbi na ito, "Kuya..."
"No. My decision is final. You will not marry that asshole. Babantayan ka ng mga tauhan ko bente-cuatro. Hindi ka lalabas kung hindi mo sila isasama. Papayagan kitang makipagkita sa lalaking 'yon pero hindi ka tatakas! I'm done."
Pinagmasdan ko ang likod ni Mr. Yvarez palabas ng pinto. Lumingon ako kay Jhammaica. Natatandaan ko mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon. Tulala siyang nakaupo. Pinupunasan niya ang mga luha niya.
"Kayo? Hindi pa ba kayo aalis?" Naiinis na sabi niya sa amin. "Umalis na ang boss niyo. Bakit hindi pa kayo sumunod sa kaniya?"
Tumikhim si Noe at bahagyang lumapit sa kaniyang puwesto. "I'm sorry, Ms. Jhammaica. But we can't do that. Trabaho naming bantayan ka bente-cuatro oras."
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romans|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...