Chapter 14
I always want something more in my life. I never get contented. I wonder if it's because I don't have anyone in my life? I am always a loner. Parati kong kino-compare ang sarili ko sa kanila. Buti pa si Cap na kilala niya ang pamilya niya. Si Noe, Fin, at Dreg, buti pa sila kahit hindi naging maganda ang pinag-daanan nila, naramdaman nila kung paano mag-mahal ang isang magulang. Ako? Kahit kailan hindi ko naranasan. Wala akong pamilya. Wala akong magulang. Kahit pare-parehas lang kaming naiwan mag-isa lahat, pakiramdam ko parin ako lang ang naiiba. Ako lang ang nahihirapan. But I was wrong.
When I met Jham, I slowly understood everything. Na hindi dahil galing ka sa mayamang pamilya, hindi dahil may nagmamahal sa'yo ay magiging masaya ka na. I learned that I shouldn't compare my life to people because everybody has their own flow of problems, and imperfections.
Na sa huli, pare-parehas lang pala tayong tao.
Kinuha ko ang bote ng gamot saka ko ito inabot sa kaniya. Kumuha siya ng dalawang piraso bago niya inabot pabalik sa akin ang bote.
"Tubig?" tanong ko saka ko inabot ang isang basong tubig, ngumisi siya sa akin bago ininom ang gamot, "Ang dami mo parin palang iniinom na gamot."
She nodded. "My wounds aren't fully healed yet, and my therapist prescribed me calming medication and sleeping pills."
Tinitigan ko ang mga gamot niyo sa maliit na basket. Sarisari ang laman nito. Hindi ba siya ma-o-overdose rito? "Alam ba ng kuya mo 'to?"
Umiling siya at lumabi. "He doesn't need to know. You see, Erish, I am mentally and emotionally unstable. I need these pills to calm myself. I don't want to disturb my brother, and I don't want him to worry."
Tumango ako sa sinabi niya. I stared at her for a moment. Her eye bags were showing, revealing how exhausted she was, but she kept smiling to hide it. Lumingon kami sa pintuan nang may magbukas nito. Sumisilip si Noe at sinenyasan si Jham.
"Let's go, Jham." tumango ito kaya tumayo rin ako at sumunod palabas.
"Sigurado ka bang okay ka lang rito, Erish?" she asked softly.
"Mag-text nalang kayo kung anong oras kayo uuwi." sabi ko.
Nagtanguan kami ni Noe sa isa't isa. "Huwag kang mag-alala sa kaniya. Mas komportable siya rito mag-isa."
Pinanood ko muna silang umalis dalawa bago ako pumasok sa loob.
Noe and I switched places. Ako na ngayon ang maiiwan sa mansyon para bantayan ang kalagayan nila, at si Noe ang sasama sa kaniya sa labas. Noe continued her job as her secretary, nang sa ganun mas mabantayan niya ito nang mabuti. Jham felt bad for me being alone here. Little did she know that I am more comfortable with this. We made this plan so I have more excuses to avoid Hyde.Between us, one of us must stay here, and the other has to be with Jham. Hindi puwedeng dalawa kami ang kasama niya sa labas because we will not know if there's someone targeting us. The purpose of me being left alone in her house is to track the people who have the potential to harm Jham.
Alas-nuebe na ng gabi ngunit wala pa ang dalawa. Ilang beses ko rin silang tinatawagan pero parehas nilang hindi sinasagot. When I track their location, they're still at the office. But, I don't understand why neither of them is answering my calls. Are they that busy? I shrug my shoulders before I drink my milk. Iisipin ko nalang na nasa meeting sila pareho.
Lumipas pa ang dalawang oras, patuloy parin ako sa pag-antay. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan papasok sa gate ng mansyon. Tumayo ako at sumandal sa pintuan habang inaantay silang pumasok.
Unang lumabas si Noe sa sasakyan pagkatapos ay lumipat ito sa kabilang pintuan. Lasing at lugmok na Jham ang sumalubong sa kaniya. Napa-iling ako sa kanila habang pagewang-gewang silang pumasok sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romance|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...