Chapter 3
Sumignal ako sa dalawa bago ako pumasok sa gate ng mansyon. Naglakad ako papasok. Malayo pa lamang ay tanaw ko na si Manong Eteng, ang guard dito.
"Saan po kayo nanggaling, Ma'am? Kanina pa po naka-uwi si ma'am Jham kasama ang nobyo niya. Kanina pa po niya kayo hinihintay." Sabi niya at inabangan ako.
"Maayos po ba siyang naka uwi, Manong Eteng?" Pag-iiba ko sa usapin.
"Maayos naman po, ma'am." Sagot niya.
Napakamot ako sa ulo pagkatapos sumulyap sa taas ng mansyon na nasa harap ko. "Huwag niyo na po akong tawaging ma'am, Manong. Pare-parehas lang naman tayong tauhan dito."
Saglit na natawa si Manong.
"Alam ko naman pong mataas parin ang katungkulan niyo kaysa sa akin. Hayaan niyo na po ako, ma'am. Mas komprotable ako sa ganito dahil ito ang nakasanayan ko," tumango na lamang ako sa sinabi niya.
Naiintindihan ko siya. Maski ako noong sinabi ni Ms. Jham na tawagin ko na lang din siya sa unang pangalan ay medyo nanibago rin ako.
"Sige, Manong. Una na ho ako."
Dumeretso ako sa loob ng mansyon. Luminga ako sa paligid. Tahimik na at nakapatay na rin ang ilaw. Sigurado akong natutulog na siya ngayon. Ang mahalaga ay nagawa ko ng maayos ang trabaho ko ngayong gabi. Buti nalang walang ibang taong napahamak.
Napahilot ako sa sentido nang makaramdam ng kirot doon. Naglakad ako papasok ng kusina at uminom ng tubig.
Bumalik ako sa sala para umupo. Maluwag akong huminga, napatigil ako nang ilang saglit. Nilabas ko ang cellphone ko pagkatapos ay nagtipa ng mensahe.
Ako:
where are you? tulog na ba ang alaga natin? bumaba ka
Pagkatapos kong ma-isend 'yon, nilapag ko ang cellphone sa lamesa at tumingin sa labas.
I wonder kung nasaan siya. Natutulog na rin ba ang babaeng iyon? Napakasuwerte naman niya. Araw-araw lang siyang nasa mansyon. I drummed my fingers on the table while lost in thought. Bumabagsak na ang mga talukap ko. Kailangan ko na ring magpahinga.
Noe:
I'm doing a mission rn. Nasa kwarto ako. Natutulog na siya kanina. Kung ayaw mo umuwi, dito ka na matulog sa kwarto ko.
Napa-irap ako sa nabasa. She has a solo mission. Buti pa siya. Napa-isip ako kung anong serbisyo ang kapalit na hiningi niya. Thousands of free diamonds sa mga online games niya? Or puwede ring private event para sa mga katulad niyang adik sa anime. Noe is a gamer. 'Yon lang naman ang ang hobby niya. Kapag may solo mission siya doon lang din naman umiikot ang bayad na sinisingil niya.
Sigurado akong may solo mission narin ang dalawang unggoy. While me? I'm stuck with this mission. Lalabas lang naman ang mga iyon kapag kailangan ko ng assistant.
Ako:
what are you doing? mission online?
Noe:
Yes, hacking.
Ako:
good for you, uuwi na ako.
Noe:
Ingat.
Humikab ako. Sandali muna akong umupo sa couch na inuupuan. Kung sana ay dito rin ako nakatira ay makakapag-pahinga pa ako ng mabilis. Ngunit ayaw ko rin, dahil kapag dito pa ako tumira baka madagdagan lang ang trabaho ko. Hindi naman ako kailangan ni Jham hanggat andirito lang siya sa mansyon at hindi siya aalis.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romance|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...