CHAPTER 9

504 20 29
                                    

Chapter 9


Nakatulala ako habang pinapanood ang paghampas ng mga alon. Pagkatapos ng pagputol ni Mr. Yvarez sa misyon namin ay kaniya-kaniya kaming umalis. Hindi ako bumalik sa kampo, kundi dumeretso ako sa Pangasinan. Pinili kong pakalmahin ang sarili bago bumalik sa Maynila at sumabak muli sa misyon.

Naisipan ko ring ayusin ang mansyon. Pinaayos at pinatibay ko ang seguridad ng lugar simula nang wasakin ni Mr. Guzman.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang maliit na pagong na gumagapang sa buhangin. Mabilis akong lumapit dito at kinuha. Hinaplos ko siya at dinala kung saan ako nakaupo. Pinakatitigan ko ito, nasaan kaya ang magulang ng maliit na pagong na ito? May mga kapatid ba siya? O mag isa lang talaga siya? Minsan naiisip kong ihantulad ang sarili ko sa batang pagong na bagong pisa. Lalabas na lang siya sa itlog na sumasalubong ang nakaka-suffocate na buhangin. Minsa'y wala na rin siyang nadadatnan na kasama. Pilit niyang binabaybay ang buhangin ng mag-isa para makarating sa tubig. Nang sa gano'n ay makamit niya ang kalayaan.

Minsan napapaisip ako. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na sumama ako sa Salve. Dahil sumumpa ako sa Semper Fedilis, mawawala ako ng kakayahan  magkaroon ng pamilya at magmahal ng malaya. Pero kung hindi ako sumama kay Arc, saan kaya ako pupulutin ngayon? Siguro sa gantong edad, nasa kalye pa rin ako. Kung hindi man, baka maaga akong nabuntis at pinili nalang mag-asawa para makatakas sa mga sindikato.

Biglang lumitaw ang mukha ni Hyde sa isip ko. Napa-iling ako. Hindi rin, dahil kung hindi ako sumama sa Salve, hindi ko makikila si Hyde. At 'yong mga panahon na nakilala ko siya, iyon na ata ang pinakamasayang parte ng buhay ko.

"Ma'am Erish, handa na po ang sasakyan." lumingon ako kay Manang Nelya nang magsalita siya.

Tapos na ang tatlong araw na pamamalagi ko sa Pangasinan. Natanggap ko ang tawag ni Noe na kailangan ko ng bumalik para sumabak sa panibagong misyon. I really don't know how to react. Naninibago akong hindi si Jham ang kailangan kong puntahan. Halos mag-iisang buwan rin namin siyang nakasama ni Noe. Hindi ko matanggap na ganoon na lang natapos ang serbisyo. It feels like we were useless to her. We failed to save her, and we weren't given a second chance to correct our mistakes.

"Ma'am, kailan po kayo babalik ulit dito?" tanong ni Manang. Tumingin ako sa malayo at dinamdam ang sariwang hangin.

"Hindi ko pa alam, Manang. Pero makakaasa po kayo na babalik ako agad. Mas lalo pa po sanang patibayin ang seguridad ng lugar, Manang Nelya. Kamusta nga pala 'yong papasok na katulong dito?" sabi ko.

"Sa lunes pa ang pasok niya, Ma'am. Dalagita pa at naghahanap lang ng pansamantalang mapapasukan. Hindi ko rin alam kung magtatagal iyon." napakamot sa ulo si Manang, mukhang nag-aalangang tanggapin iyon.

Tipid akong ngumiti. "Hayaan niyo na. Tanggapin niyo na, Manang."

Tumango siya sa akin. Kumaway ako sa ibang kasama sa bahay.

"Mag-iingat ho kayo, Ma'am Erish." lumapit akong muli kay Manang para magmano bago umalis.

"Mag-iingat rin kayo rito."

Mabilis akong sumakay sa sasakyan at umalis. I play the music while driving. Mas nare-relax ang isip ko. Kung hindi traffic ay wala pang limang oras, makakarating agad ako sa lungsod.

After I arrived, I immediately went to the camp to accept my next mission. I'm not sure whether it's only for me or for the team, but I really don't mind. Uunahin ko muna ito bago ko balikan ang mga Yvarez. I'll fix what I broke.

Seryoso akong pinagmasdan ni Cap Arc bago inabot sa akin ang envelope card, kung saan nilalaman nito ang misyon. Para bang sinusukat nito ang reaksyon ko.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon