Chapter 23
Nagising ako sa isang lugar kung saan wala akong ibang makita kundi kadiliman. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagpatak ng tubig. I don't feel anything. It's as if I've been swallowed up by the darkness, my body numb and unresponsive.
Sinubukan kong magsalita at sumigaw pero walang lumalabas na tunog sa bibig ko. Napayuko ako. I try to move, to feel something, anything - the cold floor beneath me, the fabric of my clothes against my skin - but there's nothing. It's like I'm floating in a void, disconnected from my own body.
Nasaan ako? Namatay na ba ako? Makakasama ko na ba si satanas? Sabagay, masama naman akong tao. Kinurot ko ang sarili, baka sakaling makaramdam ako ng kahit ano. But, it didn't work. I strain my senses, desperate for a sign that I'm still here, still alive, but all I'm met with is silence. It's a terrifying, lonely feeling, like I'm lost in a sea of darkness with no way out. I'm trapped in my own body, a prisoner in my own skin, and I don't know how to escape.
"Nanay..."
Luminga ako sa paligid. Tama ba ang narinig ko? May tumawag sa aking nanay. Tinukod ko ang tuhod para makatayo. Gusto kong makaalis dito. Gusto kong sundan ang boses na iyon.
"Gumising ka na, Nanay." That voice. It's familiar, comforting and warm.
Napaluha ako. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. The sound of his voice pulls me back, grounding me. I fight against the darkness, pushing through the numbness that has taken over my body. I need to see him, to hold him, to reassure him that everything will be okay.
Slowly, the darkness begins to recede. I feel a sensation, a tingling in my fingers, a warmth spreading through my body. I open my eyes, and for the first time in what feels like forever, I see light.
"Gising na siya! Tumawag ka ng doktor, bilisan mo!" bumaling ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Jham na kausap si Hyde. Hindi na nagawang tumingin nito sa akin dahil mabilis siyang tumakbo.
"Gising na po kayo, Binibini?" napalingon ako sa kanan ko nang marinig iyon. Nakita ko si Denden na inosenteng nakatingin sa akin.
Hindi ko mapigilang maluha at ngumiti. Tinaas ko ang palad ko upang haplusin ang pisngi nito, "Ligtas ka..."
Ngumiti siya ng matamis sa akin, pagkatapos ay tumango. Gusto ko pa sanang maramdaman ang anak ko sa mga palad ko pero nawala ang atensyon ko nang dumating ang mga doktor, kasama roon si Noe at Cap.
Mabilis silang lumapit sa akin para tingnan ang kung ano-anong nakalagay sa akin. Saka ko lang napagtanto kung ano ang kalagayan ko. Hindi ako masyadong makapagsalita dahil may bagay na nakaharang sa bibig ko. I glance down and see a myriad of tubes and wires snaking across my body, connecting me to machines that beep and whir with a steady rhythm. The sight of it all is overwhelming, a stark reminder of the severity of my condition.
Humarap ang doktor sa amin at binigyan ng ngiti ang mga tao roon, "Stable na ang lagay niya. Pero hindi pa maayos ang lagay ng ibang parte ng katawan nito. Recovery will be a long process and will require physical therapy and constant monitoring. It's going to be a long road, but we are doing everything we can to ensure she recovers fully."
"Gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo, Doc. Utang namin sa kaniya ang buhay ng anak ko." I heard a woman's voice. Si Mikka Hernandez iyon.
Sa labas nila pinagpatuloy ang pag-uusap. Para bang hindi ko na kailangang marinig ang iba. Lumabas din sila Jham, at ang tanging natira na lang ay si Noe at Cap.
Bumaling ako sa kanila, "Ilang araw na akong nandito?"
Suminghap si Cap, para bang may mali sa sinabi ko. Umiling-iling naman si Noe. Lumapit ito sa akin para kutongan ako. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romance|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...