Chapter 12
Lumingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko parin mahanap si Denden. Kumakalat na ang usok at nahihirapan na akong huminga. Nag-punit ako ng kaperasong tela sa damit ko. Humanap ako ng tubig saka ko iyon binasa. I covered my nose and mouth using it.
"Denden, nasaan ka na?" sigaw ko.
Pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Inikot ko ang paligid, kahit ang mga maliliit na sulok ay hindi ko pinalampas. Denden magpakita ka na sa akin!
"Kuya, may nakita ba kayong batang lalaki?" pinigilan ko ang isang lalaki sa pagtakbo.
Nagmamadali siyang umiling sa akin. "Pasensya na, Miss. Hinahanap ko rin ang anak ko!"
Wala na akong nagawa matapos siyang umalis. Napahawak ako sa ulo ko. Napapagod na ako. Umiikot na rin ang mata ko dala ng usok na nalalanghap ko.
"May bata sa loob ng bus!" sigaw ng kung sino kaya agad akong bumaling doon.
Tumakbo ako papalapit sa kanila. "Saan niyo po nakita ang bata?"
Gulat silang napatingin sa akin sa biglang pagsulpot ko sa harapan. "H-Hindi ako sigurado, Ineng, pero may narinig kaming iyak ng bata sa bus..."
Tumango ako, "Salamat po!" sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa kung saan pinarada ang mga bus.
"Ineng, teka-"
Tatlo ang bus na nakaparada at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Bahala na. Kung ano ang pinaka malapit sa akin ay iyon ang una kong tiningnan at pinasok.
"Denden! Denden nariyan ka ba?!" malakas kong sigaw, nagbabakasakaling maririnig ako ng bata.
Tiningnan ko lahat ang upuan pero wala akong Denden na natagpuan. Lumabas ako sa unang bus at pinuntahan ang sumunod pero naka-lock ang pinto. Lumayo ako para bumwelo saka ko sinipa ng malakas ang pinto pero wala. Hindi pa rin mabuksan.
Napa-upo ako sa pagod. Namamaga na ang paa ko at nahihirapan na akong maglakad. "Denden, nasaan ka na ba?"
I breathe heavily. I forced myself to stand. Tinanaw ko ang huling bus. Iyon nalang ang natitira. Wala naman siguro si Denden sa bus na 'to dahil nakasarado. Ngumiwi ako sa sakit nang subukan kong tumakbo. Hindi pa ako nakakalapit sa huling bus nang makarinig ako ng iyak mula sa pangalawang bus.
Mabilis akong lumapit doon at kinatok-katok ito. "Denden! Nasaan ka?! Denden, nariyan ka ba?!"
"T-Tulong p-po..." rinig kong iyak ng bata mula sa loob. Boses niya iyon.
Sinubukan ko ulit itulak ang pinto ng bus pero hindi parin tumalab. "Denden kumapit ka lang!"
Lumayo ako at naghanap ng bato at kahoy. Nang makahanap ay mabilis ko iyong pinukpok sa pinto hanggang sa masira. Hindi ako nag-aksaya ng panahon nang sa wakas ay nabuksan din ito. Tumakbo ako papasok sa bus at agad siyang hinanap.
There. I found him.
Nahihirapan na ito sa paghinga at halos i-ubo niya na ang lahat. Lumapit ako sa kaniya at binuhat siya. "Denden..."
Sinubukan ko siyang gisingin. Nakapikit siya pero buhay pa ang diwa ng bata.
"Rhyden!" gulat akong napabaling sa likod nang marinig ang boses ni Hyde. Mabilis siyang lumapit sa amin at inagaw ang bata sa akin.
"What are you doing here? Nasaan si Aria?" tanong ko habang sabay kaming lumabas sa loob ng bus.
"Aria is safe. Umalis na tayo rito." habang hawak niya sa bisig si Denden, gamit ang isa niyang kamay, hinapit niya ang baywang ko para alalayan ako sa paglakad.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romance|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...