Chapter 15
"Handa na bang sumabak sa labas 'yang alaga mo, Romelito?" Kinuha nito ang yosi sa bibig at pinagpag sa maliit na lata.
Saludong tumango si Uncle Lito at inayos ang sariling damit. Tumingin ako sa kaniya. Ngayon na ba kami magtratrabaho? Ang sabi niya sa amin, marami kaming pupuntahan na lugar at makakasalamuhang tao. Ang gagawin lang naman namin ay magtinda. Pagkatapos ng mga 'yon, makakakain na ako ng pagkain na gusto ko.
Muli kong inalala ang mga tinuro sa akin ni Uncle. Dapat maging matalino ako pagdating sa labas. Pero hindi lang dapat utak ang gamitin, kailangan ko rin sanayin ang mga binti ko. Dapat mabilis akong tumakbo.
Yes, at the age of 5, I was trained to sell drugs.
Walang umimik sa kanila. Tila'y kabisado na ang gagawin at sanay na sa ganoong sitwasyon. Sumenyas siya kay Uncle Lito na tawagin ang ibang bata. Limang grupo ang nabuo namin. Pumila kami paharap sa kanila.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Makakalabas na rin ako sa wakas.
May inabot sa aming supot. Tag-iisa kaming lahat. Binalingan ko ang iba kong mga kasama. Ang iba sa kanila ay umiiyak at malungkot. Bakit ganoon ang mga reaksyon nila? Hindi ba sila masaya?
Hindi pamilyar ang iba sa akin. Ako lang ang bata na kabisado na ang lugar. Dito na ako pinanganak at tumira. Wala na akong magulang. Tanging ang aking Uncle Lito nalang ang kasama ko sa buhay.
"May kaniya-kaniyang lugar kung saan kayo magsisimulang mag-abot. Iyong iba ay naka-toka sa palengke, mall, simbahan at ang iba ay sa kalye lang aabang." Napaayos ako ng tayo nang magsalita ang lalaki. Isa-isa niya kaming pinagmasdan at kinilatis habang hinihimas nito ang kaniyang balbas. "Alam niyo naman ang panuto na laging sinasabi namin sa inyo. Huwag kayong magpapahuli sa mga pulis."
Tiningnan ko ang supot na hawak ko. Maraming nakare-pack na kulay puti na parang asukal na pino. Ito ba ang ibebenta namin?
"O'siya, umalis na kayo." Naglakad ito pabalik sa upuan niya at muling humarap sa amin. "Kabisado niyo na ang gagawin. Ang may pinaka-maraming customer ay bibigyan ko ng reward."
Nagsimula kaming umalis, pagkalabas sa syudad ay tuluyan kaming naghiwa-hiwalay ng puwesto. Habang naglalakad ako sa may eskinita, nakita ko agad ang dalawang lalaki na nakaabang sa akin. Hindi ko kilala kung sino ang mga pag-bibintahan ko, pero sila kilala ako. Inabot ko agad ang tatlong plastik sa dalawang lalaki saka ko kinuha ang bayad at mabilis na umalis.
And at the age of 6, I've been a drug seller.
Takam na takam ako habang tinitingnan ang isang bote ng gatas. Ang sabi sa narinig ko galing pang probinsya 'yon at dito lang binagsak sa syudad kaya puro at walang halong kemikal. Noon ko pa gustong makatikim ng gatas. Kape na three in one lang kasi ang pinapainom sa amin sa umaga. Inabot ko sa Ale ang bayad ko pagkatapos. Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya sa binayad ko. Puro barya kasi iyon na pinag-ipunan ko pa ng ilang linggo.
"Bilisan mo, Erish. Malalagot tayo kay Boss nito. Magagabihan na tayo." Reklamo ni Angelika sa akin na kanina pa nag-aantay.
Ngumiti lang ako sa kaniya at sinabayan siyang maglakad. "H'wag ka mag-alala, Ange. Hindi tayo papabayaan ni Uncle ko."
Hindi ko man magawang maramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya kay Uncle Lito pero nakikita ko naman kung paano niya ako pagtakpan at ipagtanggol kay Boss.
"Sus, ginagawa niya lang naman sa'yo 'yon kasi may pakinabang ka pa sa kaniya. Paano kapag wala na?" Sabi niya kaya natahimik ako.
Paano nga kung wala na akong pakinabang kay Uncle? Hahayaan niya rin bang akong ipatapon? O kaya ipapatay? Katulad na lang ng mga ginawa nila sa ibang bata na wala ng silbi para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romantik|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...
