CHAPTER 7

533 19 11
                                    

Chapter 7

Sinamaan ko ng tingin si Hyde habang iniinom nito ang mainit na gatas na tinimpla ko kanina. "Why are you looking at me like that?"

Napaismid ako. "Hindi ka pa ba aalis?"

Umiling siya pagkatapos ay pinasadahan ang suot ko. Nakapagpalit na ako ng damit. Hindi ko alam kung bakit sa dinamirami ng puwedeng makakita sa akin na gano'n ang suot ay siya pa. Hiyang-hiya akong tumakbo sa kuwarto kanina, kaya mabilis akong nagpalit. Paglabas ko, nakaupo na siya sa couch. Kanina ko pa siya gustong sipain palabas ng condo. Ano na naman bang gusto niya? I really can't predict this man.

Hinigop ko na lang rin ang gatas ko at bumaling sa bintana.

"Do you have eggsandwich?" naningkit ako sa tanong nito. Kung ano-ano ang hinahanap niya sa akin. Hindi ko naman siya kaano-ano.

"Wala." pabalang kong sabi.

Napaismid ito, kinuha niya na lang ang gardenia bread sa lamesa at iyon ang sinupalpal sa bunganga. "Mas healthy ang egg with fried rice sa umaga, kumpara sa mga de latang kinakain mo."

Napahinto ako sa pagkain. "Bakit mo ba pinapakailaman ang mga pagkain ko? Kung hindi mo gusto ang mga ito, huwag kang kumain."

He shrugged his shoulder. Parang hindi alintana ang sinabi ko. "I'm just giving a suggestion."

"Sabihin mo nga, Hyde. Why are you here? Magkalinawan nga tayo ngayon, kagabi ka pa nandito. Ang akala ko nagkataon lang na may pinuntahan ka rito. Maaga ka bang pumunta sa condo para lang mang-gulo sa akin?" seryoso kong tanong. Hindi ko parin maintindihan kong bakit siya nandito. At una sa lahat, paano niya na lamang dito ako nakatira.

"Yes... pumunta ako dahil nagugutom na ako. Masyadong matagal kong kakain pa ako sa labas." aniya, at muling uminom.

Nanlaki ang mata ko. "Masyadong matagal? Pero malayo ang bahay mo rito? Paano mo nasabing masyadong matagal kung kakain ka lang sa labas? Eh, mas malayo ang condo ko!"

"Nasa kabilang pinto lang ang bahay ko. Ikaw ang pinakamalapit, kaya sa'yo ako lumapit." kampante ito, samantalang gulat na gulat akong tumingin sa kaniya.

What did he say? Huwag niyang sabihin na bagong lipat siya dito? Ano bang iniisip niya?

"Bagong lipat ka? At dito ka pa talaga lumipat? Katabi ko pa! Hyde, please stay away from me." pag-mamakaawa ko.

His eyes darkened. Hindi ito tumingin sa akin, he clenched his fists, "I didn't know. Hindi ako lumipat dito dahil nandito ka."

"Liar!" sigaw ko, "You're lying. Alam ko kung anong ginagawa mo, Hyde"

Tumayo ako. Gusto ko na siyang paalisin. Napapikit ako sa pangyayari, ayaw ko siyang tingnan.

"Ano bang alam mo sa ginagawa ko? I'm telling the truth. Saka bakit ka ba nagagalit? Why? Are you hiding something from me?" he tilted his head. I looked away.

"Wala!" I said.

"Then why are you acting like that?"

Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo? Tinatanong niya pa talaga 'yan. Paano na lang kapag may nakaalam ng ginagawa niya. Hindi ko gustong makasakit pa ng iba. Pagod na akong makasakit dahil doble ang bumabalik sa akin. Ang gusto ko lang naman ay layuan niya na lang ako. Alam ko namang wala siyang balak na pagbayarin ako sa mga nagawa ko noon, dahil hanggang ngayon hindi niya ako magawang gantihan o saktan. Pero sa paglapit niya na naman sa akin, masasaktan ko na naman siya.

"Anong sasabihin ni Jham kapag nalaman niya 'to? Lapit ka pa ng lapit sa akin! Baka kung anong sabihin niya. For godsake, Hyde. You're the fiance of my boss! Importante na rin si Jham sa akin, ayaw kong masaktan siya." I shook my head in disappointment.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon