CHAPTER 11

516 23 18
                                    

Chapter 11




"We have a field trip." I suddenly looked at Aria. Nag-hihikab pa ako dahil kakagising ko lang. Nasa harap kami ngayon ng hapag para mag-almusal nang bigla niyang sambitin iyon.

I raised my eyebrow, wondering why. "Two days na lang, uuwi na ang daddy at mommy mo. When is that?"

Ngumuso siya sa akin. "Tomorrow."

I stopped. Gulat akong tumingin sa kaniya. "Agad-agad?"

Sa itsura niya pa lang ay alam ko na agad ang iniisip niya. Next day pa ang uwi ng parents niya. Kaya nag-hahanda na rin akong umalis. Ngayon niya lang sinabi sa akin ang tungkol sa field trip nila, bakit bukas agad?

"I forgot to tell you last time, but I already paid it." siguradong wika niya na para bang wala na akong magagawa.

"Paano mo nagawa iyon? How did you pay it? I thought there's a parental consent required for things like that." tanong ko. How dare them! Hindi dapat sila basta-basta pumapayag. Bata pa ang estudyante nila. Hindi manlang ako na-inform.

"The school called my mom and she said yes but I have to inform you first..."

Natawa ako sa sinabi niya. "And you didn't tell me?"

She nodded slightly. I sighed at what she wanted to happen. Wala na akong magagawa. Siguro paraan na 'to para sulitin ang araw na magkasama kaming dalawa. "Okay... I'll be there for you."

Tuwang-tuwa siya at pinagpatuloy ang pagkain. "Thank you!"

Nakangiti akong umiling habang pinapanood siya. Naisahan na naman ako ng batang ito.

Maaga pa lang ay naggayak na kami. Ang sabi ng mga teachers niya seven o'clock ng umaga ang alis ng bus. Hindi ako sanay sa mga gan'to dahil hindi ko naman naranasan. Sumunod lang ako kay Aria. Sa pagkakataong ito, siya ang mas may alam.

Umupo ako sa bench para pumikit. Inaantok pa at parang ayaw kumilos ng katawan ko. Humikab ako pagkatapos ay tumingin sa paligid. Maraming bata ang excited ng umalis, kasama ang mga magulang nila. Nang masiguro ko na wala pa silang balak umalis, pumikit ulit ako.

Nakaramdam ako ng yugyog sa balikat. Naningkit ang mata ko at masamang tiningnan iyon. "Let's go."

Si Aria iyon, pinapadali na ako. "Bakit? Aalis na ba? Hindi pa naman." sabi ko.

Bumaling ako sa bus na nasa harap namin. Hindi pa naman sila nagpapasok.

"That's not our bus! Andoon sa kabila, oh..." tinuro niya ang isang bus sa may likod kaya na patingin ako doon.

Kumamot ako sa ulo. "Iyon ba 'yon? Eh, kanino 'tong bus na nasa harap natin?"

She sighed at me, looking so done. "That's for other section! Let's go and find our seat."

Nagpahila ako sa kaniya. Mabilis kong sinukbit ang bag namin, laman ang mga abubot niya. Mabilis kaming humanap ng upuan. Gusto ko sana sa bandang harap pero gusto niya sa likod. Nag-away pa kami pero hindi siya nag patalo. Medyo nahiya na ako dahil pinagtitinginan na kami kaya pinagbigyan ko na siya.

Napansin ko na sa isang bata, isang magulang lang ang puwedeng sumama. Saktong kase ang set ng mga upuan, pang-dalawahan.

Nang maka-ayos na kami at komportable na sa pwesto, kinuha ko ang doll niya at inabot iyon sa kaniya. Tuwang-tuwa niyang kinuha iyon at niyakap. Napangiti ako at itinuon ang paningin sa bintana.

My forehead wrinkled when I felt something poking my back. Hindi ko iyon pinansin noong una. Pero, tinuloy nitong inukit ang aking pasensya. Uminit ang ulo ko kaya bigla akong napatayo at galit na humarap sa likuran.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon