Chapter 4
Sometimes, the silence says more than words ever could. Tahimik akong naglalakad habang nakasunod sa kanilang dalawa. Nasa likod ang dalawang kamay ko habang deretso ang tingin. Maraming pagkakataon sa buhay ko na mas pinipili ko na lamang manahimik at huwag magsalita. Mas napagmamasdan mo kase ang paligid kapag nakatutok ang buong atensyon doon. Mas nagagabayan mo ang galaw ng bawat bagay. Mas naiintindihan mo ang lahat.
Magsasampung minuto na ang nakalipas pagkatapos namin dumating sa Pangasinan. Dito ko sila naisipang dalhin. May parte rin sa aking gusto itong dalawin. Kakarating pa lamang ay nagmamadali na agad si Jham pumunta sa tabing dagat kaya wala na kaming nagawa kundi ang magpahila sa kaniya.
"Wow. Ang ganda rito, Erish. Ang lamig ng simoy ng hangin. Nakaka-refresh ng utak," tinangala nito ang kaniyang ulo, dinadama ang malamig na hangin dulot ng hampas ng mga alon at kaway ng mga puno sa likodang bahagi namin. "How did you know this place? This is paradise."
Sandali itong sumulyap sa akin, nag-aantay sa sagot ko. Bago pa kami makarating dito ay pinaghandaan ko na ang lahat.
"This place is own by your brother's close friend. Siya ang nagsabi na rito tayo dapat pumunta. Don't worry, sa akin niya na binilin lahat. Mag-enjoy ka na lang." I said softly.
Tumawa siya habang dahan-dahang sinawsaw ang paa sa malamig na tubig ng dagat. "Ang ganda rito, diba Hyde?"
"Hmm," lumingon ako kay Hyde, deretso lang ang tingin nito sa karagatan. "Maganda nga."
Umiwas ako ng tingin. Ayaw ko siyang tingnan pa ng matagal. Lalo na't ganiyan siya makatingin sa dagat. Parang bumibigat ang pag-hinga ko.
Tumingin na lamang ako sa malayo. Sabay naming tatlo pinagmasdan ang paglubog ng araw. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang paghampas ng mga alon.
Sa dinamirami kong bahay na pag-aari, ewan ko pero sa lugar na 'to ko lang nararanasan ang katahimikan. I feel safe whenever I'm here. The smell of the ocean gives me comfort. Nakakapapahinga ako kapag nandito ako.
Walang ibang nagmamay-ari ng mansyon at lupa lang ito dati. I bought this place at saka ko tinayuan ng mansyon. This place was built three years ago. Kaya siguro ganitong lugar 'yong pinili ko kase maraming masasayang alaala ang bumabalik sa akin kapag nakakakita ako ng dagat.
Pero kahit ito ang pinaka paborito ko sa lahat alam kong meron paring kulang.
"Let's go na sa loob. Dumidilim na," sabi ko sa kanila matapos tuluyang lumubog ang araw.
Tumango naman sa akin si Jham. "Right! Nilalamok na rin ako."
Nauna ako sa kanila. I lead the way to the mansion. Dinaanan pa namin ang malaking garden na siyang inaalagan ni Manang Nelya. Si Manang Nelya ang mayordoma ng malaking bahay na ito. Mahilig siya sa mga bulaklak kaya hinayaan ko siyang taniman ng mga bulaklak ang paligid. Tatlo lamang ang mga kasambahay, sapat na iyon para magawa ang mga gawain sa buong lugar. Ang tagapangalaga naman ng buong lupa at nagbabantay ng main gate ay si Mang Kanor. Kung bibilangin ay lima silang nagbabantay dito.
Ngunit sa ngayon, pito na sila.
Bago pa kami makarating dito ay naunahan na kami ni Fin at Dreg. Sigurado akong ginamit nila ang private plane ni Fin kaya alam kong makakarating sila agad dito bago pa kami dumating. Magkukunwaring mga tauhan ang dalawa upang masubaybayan ang paligid. Sinabihan ko rin si Manang Nelya na magpanggap. Mabilis namang sabihan ang matanda kaya alam kong binilinan niya na rin ang iba pang tauhan.
Una akong lumapit kay Manang Nelya na nakaabang sa amin sa may pintuan.
"Kayo po ba si Manang Nelya? Ako po pala si Erish. Kami po 'yong pinapunta ni Mr. Yvarez dito," makahulugan akong tumingin kay manang.
![](https://img.wattpad.com/cover/337955144-288-k42092.jpg)
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romansa|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...