CHAPTER 18

489 15 19
                                    

Chapter 18

Nanginginig ang kamay ko habang inaalis ang tali sa mga kamay ni Hyde. Napunta ang tingin ko sa mukha niya. May sugat ang labi niya at may ilang gasgas rin ang pisngi.

"Sino 'yan? P-Please tulungan mo ako." pagsusumamo nito nang maramdaman niyang may nagtatanggal ng tali sa katawan niya.

Sorry, kung nahuli ako. Hindi kita nailigtas.

Napapikit ako sa hina ng boses nito. Wala na siyang lakas. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang anumang tunog na maari kong magawa. Pagkatapos kong alisin ang tali niya sa kamay, sinunod ko naman ang nakabuhol sa katawan nito.

I'm so sorry, Hyde. Hindi ka dapat nadamay rito. Huwag kang mag-alala, papatunayan ko na hindi ikaw ang may sala.

Naniniwala ako sa kaniya. Naniniwala ako na inosente siya.

Pagkatapos kong tanggalin lahat ng tali, lumayo ako ng bahagya. "Umalis ka na."

Sinubukan kong ibahin ang boses ko. Mas malaki at malakas. Hindi naman niya ako makikilala dahil may nakapiring sa kaniya.

"S-Sino ka?"

Bakit ba tinatanong niya pa? Lumapit ako sa kaniya at pinadampi ko ang talim ng kutsilyong hawak ko sa leeg niya, "Tumakbo ka na at huwag kang lilingon kung gusto mo pang mabuhay."

Napalunok siya at tumango. Mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.
Pero bago siya tuluyang umalis, sandali siyang huminto ngunit nanatili parin itong nakatalikod.

"Salamat..."

Mapait akong napangiti nang mapagtanto ko na nakatakas na siya. Pinatakas ko siya. Nagtaksil ako sa grupo. Am I a traitor?

Nakayuko habang patuloy na pinapagalitan ni Noe. Wala naman na silang magagawa dahil tapos na. Nagawa ko na.

"Bakit mo pinatakas? Nag-iisip ka ba?"

Hindi ako nagsalita. Hindi ko kailangan magbigay ng paliwanag. Mga bulag ba sila? Bakit sila padalos-dalos? Hindi reliable ang mga nakuha nilang impormasyon. Hindi ba nila naisip na maari silang makadamay ng inosenteng tao?

Mariin niya akong tinitigan, nag-aantay ng sagot. "Ano? Answer me, damn it! Isang araw na lang ang kulang ay ma-a-accomplish na natin ang misyon. What did you do?"

"He's not the killer. Bakit ba hindi niyo muna sinigurado? Pinapangunahan niyo ako, e! Sana ikaw nalang ang gumawa ng misyon na ito." sigaw ko pabalik, tumayo ako para umalis sa puwestong 'yon.

"I am just trying to help you. Para hindi ka na tumagal sa probinsyang 'yan."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Para lang do'n? Anong tingin niya sa misyon na'to, biro-biro?

"Noe... kung wala kang ibang sasabihin, aalis na ako. Pero, kung may sasabihin ka pa, kunin mo na ang misyon at ikaw nalang ang gumawa." tumayo ako at marahas na kinuha ang bag bago umalis. Hindi ko na hinintay ang sagot niya.

Tinitigan ko ang teleponong hawak ko. Inaantay ko ang tawag niya. Kapag lumipas ang dalawampu't apat na oras at hindi pa siya tumawag, sa akin lang ang trabahong ito.

Walang tumawag.

Napasuntok ako sa hangin. Inaamin ko na malambot parin ang puso ko. Hindi ko kayang maging matigas kahit na 'yon ang trabaho namin. Ngunit hindi nila maiaalis sa akin ang katotohanang mabuting tao si Hyde. Sa ikli ng pagsasama namin, alam kong inosente siya.

Kinabukasan, pag-pasok ko ng school, wala siya. Sigurado naman akong nagpapahinga siya dahil puno pa siya ng bugbog at sugat sa katawan.

Sa lalong madaling panahon, dapat mahanap ko na ang killer dahil baka may madamay pa ulit na hindi dapat madamay. Hanggang ngayon pinag-aaralan ko parin kung paano nila na sabing si Hyde ang killer. Ako lang ang nandito sa paaralan para mag-imbestiga. Saan nila nakalap ang ganoong impormasyon?

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon