CHAPTER 6

532 22 14
                                    

Chapter 6

Halos mabingi ako nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Hindi kami agad nakagalaw, hindi iyon inaasahan. Nanlaki ang mata ni Cap, mabilis siyang kumuha ng bala sa kulay itim nitong bag at nilagyan ang hawak nitong baril. Tinutok niya pa 'yon sa amin kanina pero wala palang laman na  bala.

Tumakbo ako at kinuha sa drawer ang dalawa kong handguns. Mabilis kaming lumabas na apat sa kuwarto. Hindi kami masusundan ng mga taong gustong kumuha kay Jham kaya isa lang ang taong puwedeng gumawa nito.

"Nasa labas silang lahat! Dreg! Fin! Protect Ms. Yvarez and Mr. Fargo. Sabihin mo kay Noe papasukin sa loob ng mansyon ang mga katulong," Cap quickly put on the black gloves habang sinasabi niyo iyon. "Fin, call someone to pick us up using your private plane. We need to leave here. There's no other way!"

Tumango ang dalawa, mabilis silang umalis patungo sa may dalampasigan kung saan naiwan ang mga 'to.

Cap looked at me. I nodded. Agad kaming tumakbo sa bungad. Halos masira na ang gate sa sobrang daming bala na pinaputok. Sigurado akong hindi sila makapasok kaya pinaputukan nalang nila ng sunod-sunod ang main gate ng bahay.

Tumingin ako kay Cap, nag-aantay kung anong gagawin. Sumenyas siya sa akin, ikinumpas niya ang kamay. Mabilis akong kumilos. Umakyat ako sa malaking puno ng mangga na nakatayo sa gilid ng gate. Samantalang nanatiling nasa baba si Cap, pinapaputukan pabalik ang mga nasa labas.

Napailing ako, nasisira na ang main gate ng mansyon ko. Tss.

I tucked a gun into my shorts while holding another one with my mouth and quickly climbed to the top of the tree. Sumenyas ako kay Cap nang marating ang tuktok. Cap gave me a thumbs up and I nodded.  Bumaling ako sa labas, tatlong itim na sasakyan ang nakaparada, nasa labas ang mga armadong lalaki na sabay-sabay pinapuputukan ang pag-aari ko. Kung bibilangin mga sampu ang nagpapaputok. Pero alam kong may tao pa sa loob ng sasakyan.

Huwag ka ng magtago sa lungga mo, Guzman.

Muli akong sumenyas kay Cap. Tumango siya sa akin. Mabilis kong inasinta ang mga ito. Minus three.

Pito nalang ang natira. Mabilis silang lumingon-lingon at nagtago. Hinahanap nila kung saan nanggaling ang bala ngunit hindi nila ako makita. Napangisi ako sa reaksyon ng mga ito. I saw a man gesturing inside the car, as if he was asking for their next moves.

Oh, the cat is here, hiding in his lair. Habang ang mga daga niya ang humaharap sa amin.

Sunod-sunod akong nagpaputok sa baba. Mabilis namang naka-ilag ang ilan. Dalawa lang ang natamaan ko. Napa-iling ako, disappointed sa sarili.

"Ano na, Guzman? Hindi ka ba lalabas diyan?" malakas na sigaw ni Cap mula sa loob. Nakatago ito sa likod ng puno. Nabubutas na rin ang gate at malapit ng masira kaya nagagawa na nilang silipin ang loob. Hindi naman nila magagawang makapasok kung aakyatin nila ang gate dahil masyado itong mataas, at may mga bubog din ito sa bunganga.

Nakarinig ako ng malakas na tawa. Dahan-dahang lumabas ang isang matanda sa itim na sasakyan. Halos maningkit ang mata ko habang pinagmamasdan itong lumabas sa sariling lungga.

"Napakagaling talaga ng mga tuta ni Alejandro! Sa sobrang galing niyo ay ang sarap niyong gilitan sa leeg." galit na sabi nito.

Hindi agad sumagot si Cap.

Nakita ko ang pag-utos ni Mr. Guzman sa isa niyang tauhan. Kumuha ito ng mga matatabang kahoy at ipinaghahampas iyon sa gate. Hindi tumigil ang mga iyon hanggat hindi tuluyang nasisira ang gate.

"What do you want from us, Mr. Guzman?! We don't owe you anything!" sigaw ni Cap.

Bumaling ako sa kabila. Tumawa ng malakas ang matanda. Kinuha niya ang isang handgun na hawak ng isa niyang tauhan. "At tinanong mo pa talaga 'yan sa akin, Acosta. Matapos niyong hayaan ang anak kong mamatay!"

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon