Chapter 17
"Saan mo kami dadalhin?" nagtatakang tanong ko. Naramdaman ko ang pagkapit ni Immanuel sa dulo ng damit ko nang dumaan kami sa madilim na pasilyo na gawa sa metal.
Tumingin si Arc ng saglit, "Kung saan puwede mong matupad lahat ng pangarap mo."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Ngumiti siya ng tipid, "Basta. Pero bago 'yan kailangan niyo munang sumalang sa scanning para malaman kung qualified kayo. Sigurado naman ako na makakapasok ka pero kailangan parin nating sumunod sa rules."
Pumasok kami sa isang kuwarto. May mahabang lamesa roon kaya umupo kami sa ilan sa mga upuan. Tinitigan ko ang buong lugar. Bawat sulok ng building ay kakaiba ang pagkakagawa at pagkakadesinyo. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar.
Para akong nasa hideout ng mga movie na pinapanood ko noon sa DVD player ni Tiyong Robin.
"Paano mo kami nahanap?" tanong ko sa kaniya.
Pinaikot niya ang ballpen sa kamay at nagtaas ng kilay. Ibang-iba na siya ngayon. Halos hindi ko na siya makilala. Mas tumangkad at lumaki ang ibang bahagi ng katawan niya. Sa bagay, sa nasusukat ko bente na siya ngayon dahil limang taon ang agwat namin. "Bago ko kayo matagpuan, halos ilang araw rin akong palibot-libot sa tondo para hanapin kayo. Bumalik ako kay Tiyong Robin para kunin kayo pero inakusahan niya ako na ako ang dahilan kung bakit kayo nawala."
"Pero paanong nahanap mo ako? Ni wala akong sinabihan sa mga plano ko." hindi ko lang maintindihan kung paano dahil malaki ang pilipinas, araw pa lang ang lumipas ay nahanap niya kami agad.
"Si Dreg."
Hindi lang ako ang kumunot ang noo sa sinabi niya kundi pati rin si Immanuel. "Si Dreg? Pano niya malalaman?"
"Hindi niya alam. Pero, nakausap ko siya at binigay niya ang mga posibleng lugar kung saan kayo puwedeng pumunta. Nagkataon na inuna ko ang Cavite kaya nahanap ko kayo agad." paliwanag niya kaya napatingin ako kay Immanuel.
Sigurado akong siya ang nagbigay ng ideya kay Dreg. Tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Namula siya at yumuko. Noong nagplaplano palang kami sinabi ko na huwag siyang papahalata at huwag babanggitin ang mga puwedeng mangyari. Pero, makulit talaga.
Naputol ang ilan pa naming pag-uusap nang may dalawang tao na pumasok sa loob. Sa tindig palang ng matandang lalaki ay sigurado na agad ako na hindi siya kung sino-sino lang. Sa paraan pa lang kung paano tumayo ng tuwid si Arc sa kaniya, alam ko na agad. Ang itsura niya ay naiiba sa mga matatanda sa labas. Makikita mo ang awtoridad sa dating na binibigay niya. Hindi rin siya mukhang matanda na malapit ng mamatay dahil kahit maputi na ang buhok, bakas parin ang kakisigan at kagandahang lalaki nito.
Umupo siya sa pinaka dulong upuan at sandali kaming tinitigan ni Fin, "So, you made it on time, huh?"
Ngumiti ng nakakaloko si Arc sa kaniya, "You know that failing is not on my vocabulary."
Natawa ang matandang lalaki na wari'y sanay na sa kayabangan na pinakita ni Arc. Nang makabawi, sa amin naman ito tumingin at ngumisi, "Are you ready?"
Hindi namin alam ni Fin kung anong isasagot sa tanong na 'yon, dahil wala kaming ideya kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung tatango ba ako o magtatanong kung anong ibig niyang sabihin.
May sinabi siya sa kasama niyang lalaki pagkatapos ay muling ngumisi sa amin.
"Let the game begin."
Nanginginig ang buong katawan ko. Sinubukan kong itaas ang mga kamay ko sa ere para timbangin ang lakas nito pero paulit-ulit na bumibigay. Sumasakit na ang tiyan ko sa gutom at tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa uhaw.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romance|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...