CHAPTER 10

537 24 11
                                    

Chapter 10

"Nagugutom ka na ba?" tanong ko kay Aria pagkatapos ay binuksan ko ang pintuan ng sasakyan para makapasok siya. Sumunod agad ako at pinaandar ang sasakyan.

"Partly yes." she said softly.

"Do you want to eat na? Gusto mo daan tayo sa Cafe?" tanong kong muli.

She shrugged her shoulder. "It's up to you."

Hindi na ako nagtanong muli pagkatapos ng sinabi niya. Napagdesisyon ko na idaan siya para kumain. She seems so tired. Mukhang inaantok na rin ang bata.

"What do you want? Gusto mo ba ng cake? Milk tea?" tanong ko nang makarating kami. Tiningnan ko ang menu at nakapalumbabang nag-isip ng kakainin.

"I want cookies and milk." tipid niyang sabi.

Tumango ako at nag tawag ng waiter. "Sige. Sandwich nalang kakainin ko and milk."

Napatitig siya sa akin. "You also like milk?"

Napabaling ako sa kaniya. I smiled when I realized her question. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Yes! I love milk. Gusto mo rin 'yon?"

"You can say that." tipid niyang sabi at binalik ang atensyon sa libro na hawak niya.

Saan kaya nagmana ang batang ito? Napakatipid magsalita. Kahit ang mga tingin ay napakalamig. Dumidistansya rin siya sa ibang tao. Bumaling ako sa ginagawa niya. Tahimik siyang nagbabasa.

"Anong binabasa mo? Is it some cliché story?" curious na tanong ko.

She furrowed her brow. "Nope. This is a science book."

"Science book? Anong grade ka na ba? Bakit ang aga mo namang magbasa ng mga ganiyan?" sabi ko, nagulat pa roon ng bahagya. Mukhang matalino ang batang ito. Sa kakabasa niya ng ganiyan baka matalo niya na si Albert Einstein.

"I'm just doing advance reading because I can't lose to that bastard." sabi niya bago binalik ang atensyon sa binabasa.

Dumating naman na ang order namin kaya inabot ko sa harap niya ang cookies at gatas niya. Binalingan niya lang ng tingin iyon at muling binalik ang atensyon sa libro.

"Bastard? May kaaway ka ba sa school?" mapanuring tanong ko.

"Yes... He's my enemy. Napaka-annoying niya and he always bothers me." sabi niya na hindi manlang ako tinapunan ng tingin, nangangasim pa ang mukha nito.

I smiled mischievously. "Hulaan ko. He's your academic rival? Eh, baka crush ka niya!"

She gave me a disgusting look. "No! He's so ugly kaya."

Natawa ako. "Sus, baka crush mo rin siya kaya nagmamaldita ka sa kaniya."

"Why? Minamalditahan mo rin ba ang crush mo that's why you know it?" sabi niya kaya napatigil ako sa pagtawa.

Hindi ako umimik. Minamalditahan ko ba si Hyde? Hindi naman eh! Napa-iling ako sa naisip. Ano bang nasa isip ko? Fucking childish. Gusto kong masuka.

"Huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Let's change the topic." napaayos ako ng upo.

She grinned evily as she raised her eyebrow. "You cut your tounge now?"

Umirap ako sa sinabi niya. Sabi ko talaga may kakaiba sa batang ito. Saan kaya siya pinaglihi ng nanay niya? I should be really careful when I speak next time.

Pagkatapos naming magmeryenda ay dumeretso narin kami pauwi. Gusto ko sana siyang iwan sandali noong gabi ngunit nag-aalala ako na baka may mangyari habang wala ako. Kaya nang maihatid ko siya sa school niya kinabukasan, saka ako umalis para bumalik sa kampo.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon