Chapter 5
"Manang Nelya, halina kayo rito! Let's go guys, let's eat." sigaw ni Jham habang nakaabang sa labas ng kubo.
Mula sa malayo tanaw ko si Manang Nelya na may hawak na bilao. Sigurado akong 'yon ang specialty niyang bibingka. Kasunod naman niya ang isa pang katulong na si Ate Karla.
Bumalik si Jham sa loob ng kubo pagkatapos magtawag. Nakangisi ito na lumapit sa akin. Hinawi niya ang buhok na lumipad sa kaniyang mukha. She adjusted the sunglasses on her head. Her cheeks were flushed, na bumagay sa kaniya. She was wearing a white two-piece outfit underneath, but she had a long-sleeved top on, na sigurado akong pag-aari ni Hyde. Ang ganda niya.
Sa unang pagkakataon, bigla akong nanliit sa sarili ko. I checked myself, I'm just wearing a white plain t-shirt at shorts na hiniram ko pa sa mga katulong. Hindi kase ako komportable na mag-dress gayong marami na kami na naririto. Hindi ko kailangan ikumpara ang sarili ko kay Jham pero paulit-ulit kong siniksik sa utak ko na tama lang sila ni Hyde. Bagay silang dalawa.
Binuksan ni Dreg ang Coca Cola at sinalinan ang mga baso. Nakabalandra pa ang katawan nito sa amin. Hindi manlang nahiya ang unggoy, wala naman siyang abs na maipagmamalaki. Si Fin naman ay naka sando at short lang. Nasa may gilid siya, nakatingin sa dagat habang kumakain ng hipon.
Tumingin ako sa paligid. Wala parin si Hyde.
"Hindi po ba natin ilalagay sa dahon ng saging ang mga pagkain, Manang?" tanong ni Jham na tinutulungan si Manang sa pag-ayos ng pagkain.
"Meron tayong dahon ng saging. Hintayin niyo nalang si Sir Hyde, parating na iyon. Tiyak na dala niya ang mga dahon ng saging." kinuha ni Manang Nelya ang garapon na may maraming kalamansi.
Gulat na tumingin sa kaniya si Jham. "Po? Pinagkuha niyo po siya ng saging? Saan po?"
Natawa lang ang matanda. "Nasa likodan lang naman ng mansyon ang mga saging at iba pang tanim, hija. Huwag kang mag-alalala siya ang nagpresintang kumuha para naman may maitulong daw ito."
Nahimasmasan si Jham sa narinig. Tila'y hindi niya alam na wala lang ang mga gawaing iyon sa lalaki. Napangiti ako nang maisip na ako parin ang lubusang mas nakakakilala sa kaniya. Ngunit nawala din agad iyon nang mapagtanto ko na kinukumpara ko na naman ang sarili ko kay Jham. Umiling na lamang ako at uminom ng tubig.
"Manang Nelya, nasaan po si Mang Kanor? Hindi po ba siya pupunta rito para makisalo sa atin?" biglang tanong ko.
"Hindi siya makakadalo sa kasiyahan ngayon. Sinabi niya sa akin na kailangan niyang umuwi sa kanila pansamantala." paliwanag naman ng matanda. Tumango ako doon.
Matagal ko na ring kilala si Mang Kanor. Simula noong tinayo ang mansyon ay naririto na siya. Isa talaga siya sa pinagkakatiwalaan ko rito. "Diba po ay sa kabilang baranggay siya nakatira? Nasa kabilang isla po?"
"Paano mo naman nalaman, Erish?" biglang tanong ni Jham. Nakakunot ang noo niya, inosente itong nagtataka kung bakit parang kilalang-kilala ko ang lahat.
"Sinabi lang lahat ng kuya mo ang mga dapat malaman bago tayo nakapunta dito." sabi ko.
Tinaas niya ang kilay habang kumukurot ng laman ng isda. She tilted her head, a sign of curiosity. "Nagpa-imbestiga ba siya? How did you all find out about these things so quickly? Especially since we only decided to come here yesterday and we just arrived last night."
"Huwag kang magtaka. That's our job from the first place."
Ang totoo niyan ay walang alam si Mr. Yvarez sa mga nangyayari. Hindi ko rin sinabi na iniba ko ang pupuntahan ni Jham. Hindi ko rin binanggit sa kaniya ang plano ko. Huwag sanang magtanong si Jham sa kuya niya patungkol sa lugar na ito lalo na't sinabi ko pa namang pag-aari 'to ng kaibigan niya. Siguradong malalagot ako.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romansa|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...