PROLOGUE
"Stop the wedding!" Sigaw ko dahilan para magsitinginan lahat ng tao sa akin. Para yata akong matutumba sa mga tingin nila.
"Itigil niyo ang kasal," malumanay ngunit malakas kong sabi. "Hindi kayo maaaring ikasal dahil... dahil dinadala ko ang anak niya. Oo, buntis ako!"
Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit na inaalis ang ibang parte ng suot. Muli kong hinampas ang hawak na telepono nang sa pangatlong ulit ay hindi parin ito gumana. Bakit ba ngayon pa ito nangyari? Napahawak ako sa braso ko at nagpunit ng kaperasong tela saka ko ipinulupot sa dumudugong sugat.
"Fuck you, Dreg. Kapag nakita kita, talagang gigilitan kita sa leeg." May bahid ng galit sa mga boses ko.
Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. I will kill him, I swear to God. Pumikit ako at hinayaang magpahinga ang katawan ng ilang minuto.
"Hello? Geñoso? This is Captain Arc. We need to know the situation. Are you still there?" Huminga ako ng malalim nang marinig iyon sa kabilang linya.
"All clear, Cap. That damn syndicate is moving again. They changed the area, but don't worry, I've already tracked their location. Pinaulanan nila kami ng bala kaya nakalayo sila. I'm trying to inspect the place."
Marahan kong pinagmasdan ang paligid. Dumating ang tatlong malalaking truck na sigurado akong dala ang mga produkto.
"Copy. Where's Dreg? Hindi ko siya ma-contact o ma-locate."
"I don't know, Cap. Muntik na akong mapahamak dahil sa kaniya. He left me. Narinig ko pa kanina ang mga tawa niya. That idiot is probably alive and kicking. I will fucking kill him once I finish this."
Malapit na akong maubusan ng lakas. Malaki ang naging tama sa katawan ko. Hindi sana mangyayari ito kung hindi ako iniwan ng Dreg na iyon. Kahit kailan talaga ay napaka palpak niya. But it's alright, I can still complete this task on my own. I don't need that idiot. Kung kasama ko siya ay baka mas lalo lamang akong mahirapan.
"Na-contact na ni Noe si Dreg. Let's just finish this. Nananakit na ang katawan ko. Gusto ko ng magpa-spa." Tumango ako sa narinig at nagsimulang kumilos.
I hacked all the CCTV camera of the place and shut down all of their computer.
"All clear, Cap." Sabi ko matapos kong gawin ang trabaho ko.
"Good. Bumalik ka na sa Campo. We'll do the rest."
Huminga ako at pilit na tumayo sa kinalalagyan ko. Mabilis akong nakabalik sa Campo.
Nasanay na ako sa takbo ng trabaho ko. Sa tuwing may misyon ang grupo, ako ang unang nagpapahinga dahil ako rin naman ang unang kumikilos. I will start the war and they will finish it. The success of the mission relies on me. I will determine whether we win or lose. Because if I make a mistake, the battle will be over.
They called me the ace of the group. Sinong mag aakala na ang ace ng grupo ang siyang unang sumasabak sa gyera. Hindi naman dabat ganoon diba? Dahil ang alam ng karamihan ang alas ang huling inilalabas, ang alas ang tumatapos. Ngunit sa grupo namin, ang alas ang nagsisimula, ang alas ang magdidikta ng tagumpay.
I don't have a permanent position or role. Kung anong dapat unang gawin iyon ang gagawin ko, iyon ang magiging ako. I can be the hacker, the tracker, the sniper, and the bait. I can be everything but of course it depends on the mission we are going to finish. But the most amazing role I could have in my life is being the actress. At ako lang ang nakakagawa no'n. That's my favorite part.
"I said two days, Robe. Two days." Ipinakita niya ang dalawang daliri niya habang idinidiin ang gusto niyang sabihin.
Umirap ako. "Anong gusto mong gawin ko? Sumabak na naman sa misyon na hindi pa ako magaling? Dapat nga two weeks ang pahingang ibinibigay niyo sa akin. I can still feel the pain of my body. Hindi pa ako makakagalaw ng mabuti."
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Storie d'amore|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...
