Chapter 19
"Naka-uwi na ako, Mahal." papasok ko palang sa pintuan ng bahay ay iyon agad ang nasabi ko.
Umupo ako sa couch para tanggalin ang sapatos at saka iyon itinabi sa gilid bago ako naglakad paakyat ng kuwarto. Inaantok na ang diwa ko, hindi ko na magawang tingnan o i-check ang paligid kung nasaan ba si Hyde.
Nadatnan ko siya sa kuwarto namin. Nagbabasa ng libro habang humihigop ng kape. Nang makita niya ay agad niyang itinigil ang ginagawa, tumayo siya para salubungin ako ng yakap.
"Good evening. Are you tired?"
Umiling ako at ngumisi bago ko siya hinalikan sa pisngi. "Matutulog na ako..."
Hinatid niya ako sa kama at inalalayang humiga roon. "Okay, just sleep. You look so tired today?"
"Okay lang ako, Hyde." binigyan ko siya ng siguradong tango.
"You sure? Mag-aaral muna ako rito. Magpahinga ka na. Good night, Love." lumapit siyang muli sa akin para dampian ng halik ang noo ko.
Nang makabalik siya sa pag-aaral, agad akong nagtalukbong para itago ang sakit na kanina ko pa iniinda.
I almost died yesterday. Halos mabali ang iba't ibang parte ng katawan ko dahil sa huling trabaho na ginawa ko. Tiniis ko lahat ng sakit. I supposed to be in the hospital but I insisted to go home. Ayaw kong mag-alala si Hyde sa akin. Hindi siya makakatulog kapag hindi ako umuwi.
Pag-gising ko masyado ng mataas ang araw. Wala na rin si Hyde sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone para tingnan ang oras at tama nga ang hinala ko. Mukhang kanina pa umalis si Hyde para pumasok.
Sinubukan kong bumangon pero napangiwi ako sa sakit. Kulang na lang ay lagnatin ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Ngunit, pinilit ko paring tumayo. Hindi ko gustong maabutan niya akong ganito ang itsura. Buti nalang ay kabisado ko ang schedule niya.
Pagbaba ko, napangiti ako nang may nakahanda ng pagkain sa sala. May notes pang nakaipit sa baso kaya umupo ako para basahin 'yon.
For my love,
Good morning, Mahal. I did not wake you up dahil masarap ang tulog mo. Don't worry, I've already prepared a breakfast for you and your milk, of course. Kakayod na muna ako para may pambili ka ng maraming gatas. I love you, Erish.
Nilapag ko ang sulat niya. Tse, akala mo naman may trabaho na. Napangiti sa pagkain na hinanda niya para sa akin. Parang sa sandaling iyon nakalimutan ko ang sakit ng katawan.
Hindi muna ako pumunta ng kampo. Pinili kong magpahinga sa bahay. Ayaw ko namang umalis at pumunta sa hospital dahil malalaman ni Hyde ang iniinda ko.
Naabutan niya akong nakahiga sa sala habang nanonood ng pelikula. Dahil masyado akong nalibang sa pinapanood, hindi ko na napansin ang pagdating niya. Hindi pa ako nakakapagsalita para batiin siya pero kumaripas siya agad ng takbo papunta sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakasiksik siya sa leeg ko.
"What's wrong?" I tried to remove his face so I can see him but he didn't let me.
"Let's just stay like this for a minute." ramdam ko ang pagod sa boses nito kaya niyakap ko na lang siya pabalik.
Hinaplos ko ang likod niya, "Napapagod ka?"
"Hm... I have to recharge."
Napapikit ako sa sinabi niya. Katulad ko, siya lang din ang nagbibigay buhay sa akin lalo na kapag napapagod na ako. Naramdaman ko ang pagkirot ng balikat ko dahil sa mahigpit na pagyakap niya pero ininda ko 'yon. I want to feel him, too.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Любовные романы|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...