CHAPTER 20

506 15 6
                                    

Chapter 20


We woke up late the next morning, still basking in the afterglow of what had happened. I didn't regret anything, but I couldn't help feeling scared about the consequences of our actions. I loved him and wanted to be with him, but there was a part of me that worried it might make things worse.

Hindi iyon natapos sa couch. Palipat-lipat kami ng puwesto. Dumaan muna kami sa kusina, sa hagdan pati sa sahig bago kami makaabot ng kuwarto. It was wild and amazing. Even though it was the first time for both of us, we moved together with a natural rhythm as if we had been doing it for years.

Hindi manlang namin napansin na ginagawa namin 'yon habang naple-play ang TV. Nadungisan na ang kainosentehan ni SpongeBob dahil sa live show namin kagabi.

Hinawakan ni Hyde ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Hapon na ulit at naisipan naming maglakad-lakad sa dalampasigan. We walked along the beach, watching the sun set, the waves dance, and the shore sing. Being with him was so relaxing, and I felt at peace in the moment.

Huminto kami nang makarating kami sa dulo ng isla. Mayroong isang malaking kahoy doon kaya naisipan naming umupo habang hinihintay na lumubog ang araw. Nakayakap ako sa braso niya at sinandal ko ang ulo sa kaniyang balikat. Inikot niya ang sariling leeg upang madampian ng halik ang aking noo.

"Gusto kong pakasalan ka dito, sa tabing dagat." nakangiting wika nito, habang hawak ang kamay ko.

Ngumiti ako at pinagmasdan ang karagatan, "Talaga? Bakit naman? Ayaw mo ba sa simbahan?"

"Gusto kong pakasalan ka kahit saan. Pero tuwing nakikita ko ang dagat, ikaw ang naalala ko. You make me feel as calm as the sea does, washing away my worries and bringing peace to my soul." tumingin siya sa mga mata ko pagkatapos ay pinisil nito ang aking ilong.

"Wow, ang lalim no'n ah." natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Perhaps it's because my love for you runs deeper than the ocean, and just as the sea has a calming effect on me, your love has the same effect on my heart." muli siyang nagseryso habang sinasabi iyon. Na para bang pinaparating niya na hindi biro ang pagmamahal niya para sa akin.

My heart melted at his words. Sinuklian ko na lamang ng isang halik ang lahat ng sinabi niya sa akin. Hindi ako magaling magsalita tungkol sa nararamdaman ko. Pero babawi ako sa gawa.

Dalawang linggo na ang nakalipas noong pumunta kaming resort. Bumalik ulit sa si Hyde sa mga pinagkakaabalahan niya. Habang napapalapit ang pagtatapos nila, mas nadadagdagan ang mga ginagawa nito. Marami rin kasi siyang inaasekasong papel na kakailanganin niya pagkatapos niyang grumaduate.

Pagsapit ng weekend, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya dahil inaya akong dalawin ang lolo niya. Gusto niyang kamustahin ito dahil ilang taon na siyang hindi nagpapakita. Masama ang loob niya dito pero hindi tumigil ang lolo nito sa pagbibigay sustento at pagsuporta sa kaniya. Hindi ko gustong kwestyunin ang relasyon nila ng lolo niya dahil wala akong alam sa pinagdaanan niya. Kung ano man ang mga disisyon niya, susuportahan ko siya.

Halos malula ako sa laki ng bahay na sumalubong sa amin. Hindi ako makapaniwala. Sa mga nalaman ko pa lang na napakaganda sana ng buhay niya kung hindi siya naglayas. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako naglayas din naman.

"Bahay niyo talaga 'to?" manghang tanong ko.

"Bahay ng lolo ko." pagtama niya sa akin. Sumimangot ako nang pigilan niya ako na hawakan ang mga antik na gamit na naka-display. Hinila niya ako pa-upo sa sofa, "Behave, Love."

Mayamaya may lumapit sa aming matandang babae. Unang kita ko palang sa kaniya, halatang siya ang mayordoma ng bahay. Nang mapabaling sa kaniya si Hyde, tumayo ito at nagbigay galang sa matanda kaya sumunod nalang din ako sa ginawa niya.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon