CHAPTER 8

494 21 13
                                    

Chapter 8


I felt the cold wind caress my skin. My hands were trembling, and my whole body was shaking. I could hardly breathe as I looked at them. Gusto kong tumakbo palapit, but I couldn't. In a split second, I felt the fear.

Mabilis na lumapit si Noe upang akayin ang dalawa. Dreg ran quickly toward them. Hindi ako umiiyak pero wala akong makita. Kinurap-kurap ko ang aking mata pero hindi parin nagbabago ang paningin ko. It's like my feelings are on fire, and I can no longer control them. Wala akong marinig.

Nag-aalalang binuhat ni Hyde si Jham. Sumisigaw ito at pilit na ginigising ang dalaga. Kitang-kita ko rin ang pag sigaw ni Noe at Dreg habang akay ang dalawa. Pero wala akong marinig. Nakita ko rin ang pag tawag sa akin ni Dreg pero hindi ako gumalaw. Gusto pa sana niya akong lapitan at hilain pero tinawag na siya ni Noe para dalhin sa sasakyan si Jham. Sa isang iglap, nawala silang lahat sa paningin ko.

I left alone, feeling abandoned by everyone.

Hindi ako ang nabaril pero patong-patong ang sakit. Sobrang bigat sa dibdib. I tried to move, but in just a second, my body gave way, and I felt nothing until everything turned black.




"Arc, kailan kaya ako makakalaya?" sabi ko habang kinakain ang puting puto na malapit ng mapanis. Ayaw ko sanang kainin pero kumakalam na ang sikmura ko. "Kapag ako yumaman, Arc. Bibili ako ng maraming bahay para hindi na tayo matulog sa kalye."

Natawa siya sa sinabi ko. Humarap siya sa akin at inabot sa bibig ko ang softdrinks na hawak niya. "Sige! Kapag ikaw yumaman, bigyan mo rin ako ng bahay."

Sumipsip ako sa straw ng softdrinks niya pagkatapos ay sinubo ang huling kapirasong puto. "Basta hindi mo ako iiwan, Arc."

"Promise hindi kita iiwan, Erish. Kung iiwan man kita, babalikan kita." sabi niya at ngumiti.

Lumukot ang noo ko at umiling. "Ayaw! Hindi mo 'ko puwedeng iwan, Arc! Kapag iniwan mo ako hindi na kita tatanggapin!"

Natawa siya at hinaplos ang ulo ko. "Minsan kailangan kitang iwan, para magkapera. Kapag nagkapera na ako, itatakas kita."

Lumambot ang mukha ko sa sinabi niya, kalaunan ay ngumiti rin. "Promise 'yan ha? Walang iwanan?"

"Promise! Mamatay man si Dreg!" tinaas niya ang dalawang kamay.

Nanlaki ang mata ko at tumingin sa paligid. "Huwag mong sabihin 'yan, Arc! Baka batuhin na naman tayo ni Dreg the baboy! Ang laki-laki pa naman niya, baka dag-anan ako ng baboy na 'yon!"

Tumawa siya ng malakas habang hawak ang tiyan. Tumango-tango siya tumingin sa harap. Natahimik kaming dalawa. Sabay naming pinagmasdan ang mga taong naglalabas pasok sa simbahan.

Sana balang araw, makatikim naman kami ng masarap na pagkain. Luminga ako sa paligid. Tapos na ang misa pero hindi ko parin nakikita si Arc. Nasaan na ba siya?

Naghintay ako ng tatlong oras pero hindi dumating si Arc. Bumalik ulit ako kinabukasan at naghintay pero walang Arc na dumating. Nakalipas ang tatlong araw at dalawang linggo, walang Arc na nagpakita.

Ang sama-sama ng dibdib ko sa kaniya. Sinungaling siya! Pero inisip ko nalang na baka nagtratrabaho lang siya para may makain na kami ng masarap na pagkain.

Sobrang lakas ng ulan at padilim na rin ang paligid. Kinuha ko ang karton na inuupuan ko saka ko nilagay sa ulo. Sumiksik ako sa harap ng pinto ng simbahan na ngayon ay nakasarado. Ilang linggo na, hindi parin ba tapos magtrabaho si Arc?

Nakatayo lang ako doon habang nakasiksik upang hindi mabasa ng malakas na ulan. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malakas na tawanan sa bandang gilid. Doon ay nakita ko ang grupo nila Dreg the baboy kasama ang tatlo niyang mga biik. Madudungis sila at may tag-iisang payong na hawak.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon