CHAPTER 24

443 16 11
                                    

Chapter 24

As I lay in my hospital bed, I couldn't help but think about everything that had happened. The accident, the pain, the fear. It had been a whirlwind of emotions, and I wasn't sure how I was going to get through it all. Napabangon ako nang makita ko si Mikka Hernandez. She's standing in the doorway with a bouquet of flowers and a smile on her face.

Sinubukan kong umupo ng deretso. Hindi ko siya inaasahan na dadalawin niya ako. Kahapon lang, si Denden ang dumalaw sa akin. Hindi talaga ako nagkamali ng mga taong pinagkatawilaan. Pinalaki nila ng maayos ang anak ko.

"Kamusta ka na? I-I'm sorry, ngayon lang ulit ako nakadalaw. Are you doing fine? Nakakagalaw ka na ba ng maayos?" Mikka said, her voice soft and sincere.

I nodded as I struggled to find the words to respond, "I-I'm okay..."

She took my hand in hers and looked me straight in the eye. "Thank you for saving my son's life. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa'yo. I-I'm so sorry that you experienced-this..." she said.

Hinawakan ko ang kamay niya, at binigyan siya ng isang ngiti. "Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin. Ginawa ko 'yon dahil ginusto ko siyang iligtas..."

"I'm sorry, I've been too emotional these past few weeks." tumawa siya, at inabot sa akin ang bulaklak na hawak niya.

"Nag-abala ka pa," mahinang sabi ko. Sa totoo lang, hindi nya kailangan gawin ang lahat ng mga 'to. Kusa at buong loob kong iniligtas si Denden. Dahil kung nabigo akong gawin 'yon, ikamamatay ko.

"Pasensya ka na pala sa maglolo kahapon. Hindi ka ba ginulo ng mga 'yon? Sabi ko naman kasi kay Lolo na ako na ang sasama kay Denden. E, makulit silang dalawa." Dahil sa sinabi niya, naalala ko ulit ang nangyari kahapon.

Ginagambala pa rin ako ng mga salita na iniwan ng dalawa sa akin. Parang may gusto silang iparating. Napatingin ako kay Mikka. She's right here in front of me. Siguro, kung tatanungin ko siya tungkol doon ay may alam siya.

"Mikka..." I called, "May sinabi sa akin ang dalawa kahapon."

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero hindi niya iyon pinahalata. 'Di kalaunan ay ngumiti ito sa akin. "Anong sinabi nila? You know, there's something about those two. They're always together, like two peas in a pod. Lagi silang magkakampi. And the secrets they share, well, they're only known to them. It's quite intriguing, isn't it?"

"Anong sikreto?" I muttered.

She looked away. Tila'y binabalikan ang mga nasaksihan niya tungkol sa dalawa, "Hindi ko alam, Erish. Sila lang ang nakakaalam no'n. But..."

"But?" tanong ko, sinubukan kong maging hindi seryoso. Ayaw kong isipin niya na nanghihimasok ako.

She laughed. "Is it okay if I share it with you? Mabuti ka namang tao, at alam kong mapagkakatiwalaan ka."

I nodded immediately. "Walang problema sa akin."

"If you don't know... my son, Denden, was adopted," She said as she smiled at me while her face said the opposite. "Nahihirapan ako magbuntis no'n, tapos isang araw pumunta si Lolo sa bahay. May bitbit na bata, si Denden iyon. He was small. It was obvious that he was a newborn baby. Noong araw na iyon, nasagot ang problema naming mag-asawa na magkaanak."

Kaya pala hindi kinilala ni Hyde ang anak namin bilang anak niya dahil sa pinsan niya ibinigay ang bata. Si Mikka at Ymund Hernandez ang tumayong magulang ni Rhyden, at hindi iyon alam ni Hyde. Habang lumalaki ang anak namin, kinilala nito ang bata bilang pamangkin niya kay Mikka. That answered a lot of questions that have been weighing on my mind for years. But now, knowing that he was adopted by such a loving family, it feels like a weight has been lifted off my shoulders. I can't even begin to describe the relief and gratitude I feel knowing that my son is in good hands.

Fatal Trouble | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon