Chapter 13
"Lagot kayo! Nalaman na ni Cap ang nangyari noong last week." hinampas ni Dreg ang lamesa at ngumisi ng nakakaloko sa amin ni Noe.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Na-realize ko kung anong tinutukoy niya kaya maang-maangan akong tumingin sa malayo. Wala naman ng magagawa si Cap dahil tapos na. Mababago niya pa ba? Hindi na.
"Ano kayo? Tayo, Dreg. Kasama ka rin doon." singhal ni Noe sa kaniya.
Ngumisi ako pabalik kay Dreg. Akala niya ba makakatakas siya? Kahit sabihin niya pang hindi namin siya kaanib alam niya parin ang plano namin ni Noe.
"No, no, no!" umiling-iling ang tukmol sa amin, "Wala akong kinalaman diyan."
"Huh?" tumawa ng malakas ang katabi ko, "Ulol, Dreg. Nangako ka sa amin, walang iwanan. Kaya sasama ka sa amin hanggang sa hukay."
"Hindi tayo kasya sa kabaong, Noel." sagot nito pabalik. Namula naman sa inis si Noe. Ayaw na ayaw pa naman niyang tinatawag siya gamit ang pangalan ng tatay niya. Itong si Dreg hindi na talaga natuto, baka gusto niyang magkabukol ulit.
"Huwag ka ng magkabaong. Mabubulok din naman ang katawan mo, gastos lang." sabi ko.
"Ano? Hindi ako nagpakahirap ngayon para lang ilibing sa lupa."
"Bakit saan mo ba gusto ilibing? Sa buhangin? Gago!" binato ko siya ng ballpen, agad naman siya umilag pero natamaan parin siya sa pisngi. Akala niya ba makakalusot siya? Sharp shooter kaya ako.
Dahil sa ginawa ko, nagkaroon ng sulat at gasgas ang makinis nitong pisngi. Bigla akong nakosensya, mahal pa naman ang skin care niya. Tapos sinira ko lang lahat ng pinaghirapan niya. Pero okay lang, marami namang supply ng kojic si Noe, hihingi nalang ako para sa kaniya.
Tumalim ang titig ni Dreg sa akin. Sa pagkakataong iyon handang-handa na niya akong sunggaban. Nakita ko ang pag-bwelo niya mula sa kabilang lamesa papunta sa akin kaya tumayo ako. "Bitch."
"Hoy, Dreg, bumaba ka nga diyan. Tarantado talaga! Napaka-isip bata." sermon sa kaniya ni Noe nang tumukdo ito sa ibabaw ng mesa.
"What will you do, Dreg?" panuyang sabi ko.
Handang-handa na siyang lumundag sa akin nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat ito kaya naiwan ang katawan niya sa ere dahilan para malaglag siya sa sahig.
Si Cap na suot ang black slack, white t-shirt at ang kaniyang paboritong salamin. Nakakunot ang noo nito sa amin. Lumipat ang paningin niya kay Dreg na nasa sahig. Lumapit siya rito at hinila pataas ang kuwelyo nito.
"Aray, Cap," he blinked rapidly.
"What are you doing, Dregorio Juan?" I could feel Cap's blood boil.
Tinaas ni Dreg ang dalawa niyang kamay. "Wala, Cap. Naglalaro lang kami."
Binitawan siya ni Cap kaya nakahinga ito ng maluwag. Bumalik ito sa upuan niya at inayos ang nagulong gamit. Ngumisi ako sa kaniya, bumalik na rin ako sa upuan ko. Sinenyasan ko si Noe na gisingin na ang katabi niya na kanina pa natutulog sa sulok.
Hindi ko alam kung bakit pa pumupunta si Fin sa Kampo. Pagdating niya rito, matutulog din lang naman. Binatukan siya ng malakas ni Noe kaya napabangon ito bigla. Handa niya na sanang bugahan ng apoy kung sino mang gumising sa kaniya pero si Cap ang unang pigura na nakita niya kaya bigla siya napaayos at sinuklay ang sarili gamit ang kamay.
"Okay na ba kayong lahat?" si Cap na kanina pa pala kami pinapanood.
Walang sumagot sa amin kaya tumayo ito ng tuwid at nilapag ang samo't saring papel sa mesa. "Nakatanggap tayo ng yellow warning galing sa taas. Nalaman lang naman nila ang pinaggagawa niyo."
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
عاطفية|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...