Chapter 22
Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan ko ang repleksyon sa salamin. Kumuha ako ng suklay para ayusin ang magulo kong buhok, pagkatapos ay binuhol ito gamit ang puting ipit. Hindi ako nag-me-make up kaya hindi ako sanay kung ano bang dapat una kong gawin. Base sa mga napapanood ko, inuna kong lagyan ng white cream ang mukha ko. Sinunod ko ang tatlong shade ng powder. Panghuli, nilagyan ko ng pangpapula ang aking labi. Hindi ko na ginalaw ang kilay ko dahil maganda naman ito, at hindi na kailangang baguhin.
Nang muli kong tingnan ang sarili, nawala ang ngiti ko. Ikaw ba talaga 'to, Erish? You are beautiful.
"This time... you can face the rain.
Next time you can beat the pain.
No more tears will come again..." I whispered.Tumayo ako para makita pa lalo ang sarili. Hinaplos ko ang tiyan ko. Ako palang ang nakakaramdam nito. Kung titingnan kasi sa malayo, flat pa rin ang tiyan ko. Ayaw ko munang isipin ang mga bagay na magpapagulo pa lalo ng isipan ko. Pero hindi ko maiwasan. Nang mapagtatanto ko ang oras. Mabilis kong kinuha ang bag at umalis.
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong agad sa akin si Hyde na may malapad na ngiti. Tinitigan ko siya. Maayos na ang suot nito.
"Okay lang ba?" tanong ko sa kaniya habang pinapakita ang itsura.
Kumaway ako dahil hindi naman siya nagsasalita. Nakatitig lang ito sa akin. Nang makabangon siya sa pagiging manikim, lumunok ito at lumapit sa akin. "Ang ganda mo..."
Tumawa ako sa naging reaksyon niya. Kung makapagsalita ang lalaking ito parang hindi niya ako nakikita araw-araw. Hahalikan niya na dapat ako pero tinakpan ko ang labi niya. "Ops... Hindi pa nagsisimula ang kasal."
He licked his lips, "Kailangan pa bang hintayin ang kasal bago kita halikan? Eh, nakagawa naman na tayo ng bata."
Tinasan ko siya ng kilay, "Aba, Mr. Fargo. Nagiging pilosopo ka na."
"Hindi naman, Mrs. Fargo." Umikot siya sa likod ko para yakapin ako.
Ilang sandali kaming ganoon ang puwesto habang nakayakap. Natigil lang 'yon nang dumating ang camera man para sabihin sa aming okay na ang lahat, at magsisimula na ang kasal.
Humarap ako sa kaniya at ngumisi. "Mauna ka na ro'n. Alam ko namang kanina kapa excited. Susunod na lang ako."
A big grin spread across his face, showing pure happiness. "Why, love? May gagawin ka pa ba? Sobrang ganda mo na, ano pa bang kulang?"
"Stop... Sabi ko sa'yo h'wag mo na akong bolahin." kinurot ko ng mahina ang pisngi niya at kunwari naman itong nasaktan, "May tatawagan lang ako. At saka, ang bride naman talaga ang huling lumalabas."
Hindi siya nagpatalo. Ang sabi niya, hihintayin niya parin ako. Pero, muli kaming tinawag ng camera man kaya wala siyang nagawa kundi mauna. Umiling ako habang tinatawanan siya. Kahit nasa loob ako ng rest house, rinig ko pa rin ang mga alon mula sa dalampasigan.
Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang bulaklak. Hindi magiging kompleto ang kasal namin kung wala iyon. Nang makuha ko ito ay lumabas na rin ako. Napatigil ako nang mag-ring ang telepono na nasa bag na bitbit ko. Nilapag ko muna ang bulaklak para masagot ang tawag.
"Hello..."
"Rob! Hindi mo puwedeng ituloy ang kasal." Nagulat ako sa sigaw na 'yon mula sa kabilang linya. It was Arc.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Anong pinagsasasabi niya? Pinag-usapan na namin 'to. Hindi nila ako puwedeng pakialaman.
"Ano na naman ba 'to, Arc?" Napapikit ako habang tinanong 'yon.
BINABASA MO ANG
Fatal Trouble | Completed
Romansa|BOOK ONE OF TRILOGY| Erish Rob Geñoso, a spy agent, faces a past she thought she'd left behind. Her mission: disrupt a wedding, but the groom, Hydenioz Agapito Fargo, is the man she once loved and left. Habang ang mga anino ng kanilang nakabahaging...