"Morning hun." Bati niya sa binata ng bumaba ito galing sa kwarto. Halos isang linggo na din nakalipas simula ng bumalik sila galing Negros. Pakiramdam niya nawala lahat ng bigat sa dibdib niya. Ngayon kakatapos niya lang mag-luto ng breakfast. "Hali kana. Kain ka muna bago ka umalis. Nag bake din ako ng chocolate pie."
Calcifer greet her before hugging her from her back and kissing her cheek. She close her eyes feeling the sensation Calcifer make her feel at that very moment. Binitawan siya ng binata bago siya nito pinaupo. "Thank you so much darling. Na-miss ko ang chocolate pie, pwede ko ba dalhin iyan?" He hopefully ask, eyeing the pie.
"Oo naman." Agad niyang sagot bago tinuro ang isang lunch bag sa kitchen counter. "Ginawan kita ng lunch at dinner doon. May isang buong pie din doon kaya pwede mong ubusin ito." Saad niya. "Alam ko naman na first class ang sasakyan niyo pero baka hindi mo magustuhan ang mga foods at least may kakainin ka." Minsan kasi may mood swings din ang taste buds ng binata.
Aalis kasi si Calcifer papuntang Denmark kasama si Bishop at Luxifer para daw sa business expansion nila doon. Una parang ayaw pa sumama ng binata pero napinilit niya itong sumama, lalo na gusto ni Bishop ang tatlo pumunta. 3 of them are known to be the business prodigy of the Crest. Kyx is good but these 3 are on a different level, understandable. Kyx is a sweetheart unlike these 3.
Business man with degrees.
Mabuti din na wala ang binata dito dahil sa balak niyang gawin. Nasa Negros pa lang sila nabuo na ang plano niya. Ang plano niyang mag-salita. She's doing it for herself and for Calcifer. She's gonna end all assumption and talks about her.
"Thank you darling but are you sure you're gonna be okay here?" Tanong nito. Tumango lang siya bilang sagot. Lately, she's paler than usual, nangangayat din siya. Mabilis din siya mapagod. Minsan parang nanlalabo din ang paningin niya. Alam niya ito ang rason kung bakit ayaw umalis ng binata. "Kaya naman nina kuya doon. Hindi ako mapakali iwan ka dito."
"I'm fine, really." She assure him, pero mukhang walang tabla. "Kailangan ka ng mga kakambal mo. Tsaka andito naman sina Quinn. You can call and text me anytime." Hinaplos niya ang mukha nito, he really look worried. Mahaba din ang nguso nito. "Pagbalik mo. Papayag na ako magpa-check up. Kaya huwag ka ng ngumuso diyan. Para kang duck."
Napabuntong-hininga na lang ito, mukhang malapit na sumuko. Agad niya itong inasikaso habang nagkikipag-text sa isang reporter sa TV 7. Meron kasi ang mga ito ng isang show kung saan nagi-interview sila ng mga tao na magaling sa artworks or even a well known people. May 30 minute talk show sila kung saan cino-cover ang mga tao na kagaya niya.
They've been inviting her for a long time but they're so persistent now. Nakita niya itong opportunity para mag-salita. Alam niya naman na iyon din ang dahilan kung bakit sila persistent ngayon. Bahala na kung ano mangyari pero magsasalita na siya. Habang kumakain si Calcifer, tinitignan niya naman ang dala nito para siguraduhin na wala itong nakalimutan.
Hindi niya alam kung bakit pero lagi naiiwan ni Calcifer ang maliliit na bagay na kailangan nito para maging komportable. Kagaya ng neck pillow nito, minsan ang pares ng medyas nito, minsan mga neckties nito. Kaya sinisigurado na niya ang dala nito. Nang matapos itong kumain agad na lumapit sakaniya ang binata bago siya nito niyakap na parang nanlalambing.
She chuckle. "Okay lang talaga ako." Ani niya, alam na niya ang itatanong nito sakaniya kahit hindi pa ito nagsasalita. He's really bothered kahit habang kumakain ito ang atensyon nito ay nasa kaniya, halata mabigat ang dinadamdam nito. "Pumayag ako na may bodyguard para panatag ka." Hinalikan niya ito. "I love you."
He sigh, mukhang suko na ito. Natawa na lang siya. "Okay. Wala na akong sasabihin." Ani nito. "Basta tawagan mo ako kung may problema ka." Masuyo ang pagsabi nito pero seryuso ang expression nito. Tumango siya bago umalis sa hawak nito at kinuha ang duffel bag nito na agad kinuha ni Calcifer mula sakaniya. "Sasamaham mo ko pababa? "

YOU ARE READING
I'm yours, Professor (Quadro Series #2)
RomancePlease note, this story is currently unedited and will undergo revisions after the final book of the series.