Chapter 48

267 3 0
                                        

Wala sa sarili siyang nakatingin sa cellphone niya habang tinitignan ang calendar niya. Ganon din sa dalawang basket na nasa gilid niya. Now, she's sure na hindi na siya dinadatnan. Dalawang buwan na. Sa penthouse nila may tig-isa silang bathroom ni Calcifer, doon lagi nilalagay ng binata ang period basket daw niya. Alam ng binata ang cycle niya. Hindi na siya nagulat doon.

Mas kilala pa ata ng binata ang sarili niya keysa sakaniya. Kahit nga changes sa katawan ay preference niya sa mga bagay nasusundan nito kahit paiba-iba pero hindi iyon pino-point out ng binata,he just adjust and even compliment her. Minsan pakiramdam niya nag-iisa lang ang utak niya at utak ni Calcifer. It's funny for her.

Normal lang sakaniya maging irregular ang period niya pero hindi iyon lumalagpas ng dalawang buwan. Naisip niyang i-check iyon matapos ang dinner nila kahapon. It stuck on her the moment  na sinabi ni Calcifer na parang hindi daw nagalaw ang period basket niya. It make sense, hindi sila ginagamit ng comdom ng binata. Hindi naman siya galit o takot. Medyo bahala lang dahil hindi pa nila napag-usapan ang tungkol sa ganito.

I mean napag-usapan na nila iyon pero hindi naman nila plinano na mabuntis siya. Agad naman siya napaigtad ng marinig niya ang katok mula sa pinto ng banyo. Nangunot ang noo niya, walang ibang tao doon kundi siya at alam niyang late na uuwi si Calcifer. Agad niya naman inayos ang sarili niya bago iyon binuksan, doon niya nakita ang binata na may maliit na ngiti sa labi nito.

"Hello, sorry. Nadisturbo ba kita? Gusto ko lang sana malaman kung nasa loob ka." Paliwanag nito.

Umiling siya. "May inayos lang ako sa loob." Lumabas siya mula doon bago ito niyakap. "Welcome home hun, akala ko gagabihin ka." Nasabi kasi nito sakaniya na may business expansion sila ulit sa Canada tapos nagka-problema daw sila sa Denmark, kahit hindi niya tanungin. Alam niya dahil iyon sa sagutan nila ng kung sinong matandang iyon. Si Calcifer lang ngayon ang gumagalaw.

Busy kasi si Luxifer sa taping, modeling gig at kung ano-ano pa related sa pagiging artista nito tapos si Bishop parang wala lately habang si Kyx naman ay hindi naman active sa company ng tatlong ito. Kyx is much confident in the hospitality management type of business. Like restaurant, bars. Bonus lang ang dental clinics nito, nalaman niya rin na medyo nag i-intertwine ito sa mga hospital chains ni Luxifer.

"Nandon pa si Luxifer pero simula bukas ako na in-charge. May ibang gagawin ang dalawa." Ani nito bago hinawakan ang bewang niya. "I'll be busy for the next week or so, I hope you understand but don't worry I'll make time for you anytime you need me, just give me a call."

Natawa siya. "I'll be fine hun. Don't worry. Just do what you need to do. Okay?" Marahan niya minasahe ang balikat nito bago ito hinalikan sa labi, umalis siya mula sa hawak nito. "Hun gusto mo ba noon tayo ng movie buong gabi?" Tanong niya dito. "Bili tayo ng snacks sa convenience store or pwede naman ako na lang baka pagod ka — "

"Nope — "

"Ah! Hun ano ba!" She laughed uncontrollably when Calcifer scoop her up from where she was standing before running jokingly.

"Hindi ako pagod pag-dating sayo, let's go buy snacks for our movie date." Saad ng binata habang tumatawa. Hindi siya binaba ng binata hanggang sa makarating sila sa parking lot. Agad siyang iginaya ng binata papasok and before she knew it nagda-drive na sila papuntang convenient store. Actually may ibang rason siya kung bakit gusto niya pumunta doon.

Hindi niya naman inaasahan na uuwi pala ng maaga ng binata kaya. Hindi niya naman magawa aninang umaga dahil sa classes at sa work niya sa business nila ni Quinn. Sana lang hindi siya mahuli ng binata. Gusto niya kasi muna maka- sigurado bago pa siya magsabi ng kung ano tungkol dito. Iwinaksi niya na lang sa isip niya iyon bago pinag-patuloy ang kulitan sa binata.

I'm yours, Professor (Quadro Series #2)Where stories live. Discover now