Chapter 13

3.7K 109 0
                                    

RHIANE

"So anong plano mo?"

"Hindi ko alam Maybs" I sighed at kinuha ang ice coffee sa table.

We are at the Bean Box, a coffee shop near the university. She wanted to tell me something so I  just went along since break time naman.

I also mentioned to her about what happened to me and Miss Selene yesterday.

Hindi ko pa rin nakaka usap si Miss Selene dahil agad itong umalis kanina bago ko pa tangkaing kausapin.

I think she's trying to avoid me,  which is nakaka inis dahil gusto ko siyang makausap.

"I can't believe na pina investigate mo pa ang buhay niya girl, kaloka ka"

"Yun lang kasi ang naisip kong pinaka madaling way para malaman lahat tungkol sa kan'ya" I said.

"So you're using your money now huh" she chuckled.

"I'm just curious kung bakit hindi Cortez ang ginamit niyang apelido" sabi ko naman.

Well, hindi naman kasi ako ganito, I'm not really using my money kapag hindi importante ang pinag gagamitan ko.

"So anong nalaman ni Jake sa inutos mo?" She asked.

She's talking about my private investigator, kilala niya rin kasi si Jake since nagtatrabaho s'ya sa law firm nila Maybs. Her dad owns one of the famous law firm in our country kaya duon ako kumuha ng sarili kong private investigator.

I only need him kapag may mga importante akong pinapa lakad sa kan'ya. Malaki ang tiwala ko kay Jake at alam kong mapag kakatiwalaan talaga siya kaya hindi na ako nag hanap ng ibang investigator.

"Anak si Miss Selene sa pag kabinata ng dad niya kaya itinago siya nito sa US at ginamit ang apelido ng nanay niya. Then ang nanay talaga ni Amaris ang kasal sa dad nila. Sinabi rin ni Jake na may isa pa silang kapatid na babae and she's in Thailand with their dad. " paliwanag ko.

"So mag-kapatid nga sila ni Amaris?"

"Yup" I replied before sipping my ice coffee.

"Grabe, hindi ko talaga ni expect yon. Gosh! What small world. " Hindi parin makapaniwala si Maybs.

"Kahit naman ako hindi makapaniwala, kung hindi ko pa siguro nakita yung tatay niya for sure wala rin akong alam. "

"Pano na ngayon? Lalo na gusto ka pala ni Miss Villafuentes?" She asked.

Pano na nga ba? Naguguluhan din ako.

"Ayoko naman mag padalos dalos, kilala mo ko" I looked at her.

"Alam ko, pero kung saan ka sasaya...yun ang sundin mo"

"Hindi pa'ko sure" Napa hinga nalang ako ng malalim.

"To be honest I want you to start your life again Rhiane, maging masaya ka kung anong meron ka ngayon. Don't waste you life dahil lang hindi mo pa rin matanggap na wala na siya." She said.

"Pano kung maulit yung nangyari? Remember they have the same dad at alam ko kung gaano ka galit ang tatay nila sa akin dahil sa pagkawala ni Amaris."

"Gusto mo ba si Miss Selene?" She suddenly raised her brows.

"Hindi ko alam"

"Eh bakit na i-stress ka?"

"Kasi nga umamin siya sa'kin"

"You won't feel bother kung hindi mo rin siya gusto" She suspiciously raised her brows.

"Ewan ko, naguhuluhan ako"

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon