Chapter 22

3.2K 100 2
                                    

RHIANE

"I'm here to visit my future girlfriend" Rinig kong masayang sabi nung lalaki na nasa labas.

Napa-kunot ang noo ko sabay tingin sa pintuan. Hindi ko siya makita dahil naka harang si Miss Selene.

"I don't have time for you Clark kaya umalis kana" she rolled her eyes at akmang isasara sana n'ya ang pinto pero pinigilan ito nung lalaki.

" Please Selene, kahit ngayon lang wag mo ko ipagtulakan, lumipad pako mula Thailand para lang makita ka" he said.

Thailand? Wait teka parang familiar yung lalaki.

"Hindi ko naman sinabi na pumunta ka dito." Iniwas n'ya ang tingin sa lalaki at nabaling sa akin.

The she realized na kasama n'ya nga pala ako dito sa office, nakita kong napalunok pa siya dahil seryoso lang akong naka tingin sa kanila.

"Wait, may bisita ka pala" the guy said when he finally entered the room.

Sabi na nga ba eh, yung manliligaw niya pala.

Sarap talaga lamukusin ng muka ng lalaking to, sa lahat ng oras ngayon n'ya pa naisip sirain yung mood ko.

"She's my student"

Medyo nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

Student? Pagkatapos mo akong papakin? Goshhh... What do you expect Rhiane?

"A-ahm, mauna na po ako Ma'am" iniwasan ko s'ya ng tingin. I tried to compose myself para hindi niya mahalata na affected ako sa sinabi niya.

"Stay" rinig kong sabi niya pero hindi ko siya tinignan.

"Pasensya na po pero baka nakaka istorbo pa ako"

"No, you can stay. I-aabot ko lang naman kay Selene itong lunch na dala ko para sa kan'ya" ipinatong ng lalaki ang paper bag sa table.

"Hindi na po. Kailangan ko na rin umalis" sinubukan ko tignan so Miss Selene. I can see the worry in her eyes. I think she knows that I don't like what she said earlier.

'Let me explain' binasa ko ang mga labi n'ya na sinabi yon. Iniwas ko ulit ang tingin sa kan'ya para balingan ng tingin ang lalaki sa tabi niya.

Clark? Ang baduy ng name, it sounds Jerk!.

Hindi pa ako nakaka limot sa gigil ko sa lalaking to, pangiti ngiti pa siya akala mo naman bagay n'ya. Burahin ko kaya muka n'ya?

"Mauna na po ako" Hindi ko pinansin yung sinabi ni Ma'am. I smiled bitterly bago tuluyang umalis.

Tsk Hindi man lang ako pinigilan ulit na wag umalis.

Sino nga ba 'ko para pigilan?

Hindi ko mapigilang mag isip dahil sa sinabi ng Jerk na yon, este Clark. Ang dami dami kasing pangalan yun pa.

Future girlfriend? Nag-init ang ulo ng maalala ko yung sinabi niya. So ibig sabihin pala ay may chance sa kan'ya?

Eh kung sabihin ko kaya na nilapa ako kanina ng sinasabi niyang future girlfriend?

Tsk. Ano ba kasi iniisip ko eh wala namang kami para magka ganito ako.

"Okay tama na yan. Good job everyone! Bukas wala tayong pasok dahil may meeting daw ang faculty" paalala ko sa mga ka grupo ko.

Kakatapos lang ng final practice namin para sa program. Bukas pahinga namin kaya pwede ako sumama kay Trina sa resto bar na sinasabi n'ya.

Dinukot ko ang phone sa bulsa ko dahil naramdaman ko itong nag vibrate.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon